rebeldeng palaka

“MAY nagmahal lang kasi ng SOBRA!”

Ipinaskil ni: rebeldengpalaka noong: Enero 12, 2009

897400311lhabang naghihintay sa titser namin sa ZOO lab, bigla naming napag-usapan ng magkakagrupo ang topic na pag-ibig. bagay na kahit noon pa man ay iniiwasan ko. hindi ko alam kung bakit? pero laging may sinasabi ang isipan ko na ‘wag kang makisali sa usapang iyan. pero sa pagkakataong ito, nilabanan ko ang utos ng utak ko. nakisali at nakisalamuha ako sa usapang matagal ko ng hindi sinasalihan.

nagsimula ang lahat ng tinanong ako ng kaklase kong babae kung talaga bang madaling na-eenganyo ang mga lalaki sa mga babaeng may malaking hinaharap. sinagot ko sya ng deretsahan— OO. pero sinabi ko sa kanila ,para sa akin kasi iba ang papanaw ng lalaking may gf na at sa wala kung ang pag-uusapan ay tungkol sa mga bagay na yan. natural kung single ang tatanungin mo may posibilidad na sasabihin nilang malaking puntos ang  may malaking hinaharap. pero sa mga taong minsang pinalad at nawasi sa pag-ibig. hindi na sila tumitingin sa pisikal na anyo ng babae — UGALI ang importante, ka’ ko’.

hanggang umabot ang usapan tungkol sa nakaraan ko. maluwang ko kwinento sa kanila kung ano ang nangyari sa una at sa huli kong naging gelpren.

nagpang-abot ang aming landas sa san fernando, la union. unang tagpo at unang usap at unang sulyapan ng mata (KORNY). galing sya sa iloilo, bokalista, gitarista at drummer sa kanilang banda. mala-anghel talaga ang boses at natural na natural ang gandang pinay sa kanya.

matapos ang seminar sa san fernando, la union at nagsi-uwian na ang lahat ng partisipante ng naturang pag-titipon. hindi ko inakala na mas lalong patitigasin ng layo namin sa isa’t isa ang aming pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan.

naging kami sa loob ng tatlong buwan. tatlong buwan na tanging selpon ang nag-uugnay sa aming mga pusong, hindi mapakali sa tuwing lumilipas ang panahon na hindi kami magkasama.

agosto 8 , 2006 ng naging kami. masaya ang lahat.  lalo na kami. dahil alam ko na sya ang unang nagpatibok sa puso kong bato, gayon naman sa kanya. mahirap sa mahirap at masakit sa masakit sa tuwing nakakakita ako ng magsyota sa paligid na parang nilalanggam ang kaswitan sa isa’t isa. pero wala akong magawa pinasok ko ang ganitong relasyon, hahawakan ko ito sa ganitong posisyon — LONG DISTANCE RELATIONSHIP.

lumipas ang buwan, linggo, araw, oras, minuto at segundo. unti-unti ko ring nararamdaman na  mahirap ng ganitong sitwasyon. gusto ko ng bumitaw pero hindi ko kayang sabihin sa kanya. masakit pero wala akong magawa, may pangangailangan din ako bilang lalaki — (HINDI YANG INIISIP NYO HA) kailangan ko ng syotang nasa tabi ko, nahahawakan ko, at nayayakap ko. pero pano yan malayo sa katotohan ang pinapangarap ko.

pangatlong buwan na. buwan ng walang kasiguruhan. bumitiw ako. may luhang nasayang pero kahit papano may pusong natutu sa mga nangyari. agosto 24, napakarami kong ginawa. kaliwa’t kanan ang inaasikaso ko. NAPAKADAMI. sa sobrang dami nakalimutan ko syang batiin sa araw ng kanyang DEBUT. ang laki kong tanga, sa lahat ng pwede kong kalimutan yun pa. alam kong kasalanan ko. pero tao lang ako. agosto 25, sumunod na araw. bumitiw na ako sa lubid. hindi ko na kaya. kapal ng mukha ko ano, ako pa ang nakipaghiwalay sa kanya. GANYAN talaga!

lumipas ang mga araw na nagtetext kaming dalawa bilang magkaibigan. text na parang walang nag-uuganay na kahapon sa aming  dalawa. hanggang may isang pagkakataong , nag-usap kami sa text.

“mustah? musta na ang iloilo matapos ang bagyo?!” sabi ko

sabi nya “ok lang pero ang daming dapat ayusin sa iloilo”

pabiro kung sabi “dito ka na kasi sa davao”,

 ”nge ano ang gawin ko jan!?wala ang pamilya ko jan!”

“edi gawa tayo ng pamilya, hehe problema ba yun.”

“haha, hindi na pede!”

“anong hindi na pwede, so u min taken ka na ngayon?”

“huo, MAY NAGMAHAL LANG KASI NG SOBRA”

MAY NAGMAHAL LANG KASI NG SOBRA— linyang tumapos sa pag-uusap na nangyari. ano ang ibig nyang sabihin sa binitawan nya? anong gusto nyang ipadama sa akin? anong gusto nyang sabihin?

na noong naging kami HINDI KO SYA MINAHAL NG SOBRA!?

KOKAKKKKKKKKK!

11 Tugon to "“MAY nagmahal lang kasi ng SOBRA!”"

kaya nga uminum ka na nang Memory plus.. para di mo na makalimutan .. by the way kumustah na kayo ng girl ? ahahahah CHR!! pilidihun man akong STORY oi ..

galing naman ng kwento mo.. wala akong masabi!

sayang talaga!

galing…. gumawa ng blog..>!!

at nandun aq nung nagsimula ang matamis na pagtitinginang yoon! sayang tlga! tsk3.. butang pd qg ani kuya sa amua ni nikko… hehe. nice blog kuyaaa!! :D

MAY NAGMAHAL LANG KASI NG SOBRA

ang lalim hindi ko masyado naintindihan hek3…

XD

sayang …

salamat sa puna mo. mas gagalingan ko ang pag papaganda ng sayt ko para sa inyong lahat!

sayang bakit hindi mo na-intindihan!?? salamat sa pagbisita sa sayt ko..

huo.. hehehe.. salamat sa suporta sa aking sayt.. hehehe.

hehe salamat din hek3…

pinuna mo ang puna ko hek3…
naintindihan ko nmn tlga xa kaya nga po sayang he3k,…
XD

hey gnda

nman story

moh….

sayang hapz

bnitawan moh

Mag-iwan ng Tugon

pasok, pasok --- KOKAK!

  • 4,175 tadpols

mukha ng palaka

Photobucket chicolot, budots, nico name it all, yan ang tawag namin sa kanya. isa sa mga bestbudz ko na lagi kong kasama noon. pero dahil na rin sa busy na kami aming mga buhay-buhay malimit nalang kami magbonding. sya lagi ang gitarista ko, sa tuwing my music trip kami. isang SA scholar sa Unibersidad ng Ateneo de Davao at kasalukuyang kumukuha ng kursong COM SCI siguradong walang dull moments pagkasama mo tong si CHICOLOT ^___^

rebeldeng palaka lng po!

Photobucket ako ang may pakana sa lahat ng rebeldeng palaka sa mundo. mahilig magbasa ng libro, gumuhit ng abstract at ng kung ano-ano pa. kumukuha ng kursong SIKOLOGY at siguro yan ang isa sa dahilan kung bakit minsan nasasabi kong may tama ako. gaya ng litrato ko ngayon ---- LUMABAS KA NA KASI DUMI KA!

Mahiwagang ARAW

Enero 2009
L M M H B S L
« Dis   Peb »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

paki-kokak nalang

Photobucket http://www.crunchyroll.com/user/ugasunari