Archive for Abril, 2009

“GANYAN BA TALAGA KAYONG MGA LALAKI? MANLOLOKO?”

matagal na sana ko itong isulat. pinag-iisipan ko talaga ng maayos kung isasali ko ba ito sa mga koleksyon ko ng mga blag. mag-iilang buwan na rin ang nakalipas ng kalilala ko ang babaeng, kahit papano ay nagpatibok ng puso ko sa pangalawang pagkakataon.

naging kaklase ko sya, at naging malapit kami sa isa’t-isa.

nagsimula ang lahat ng nagkasama kami sa isang smoking session sa labas ng school namin. hindi ko akalain na makakasama ko pala ang babaeng magugustuhan ko sa trip ko na paninigarilyo. sabi nya sakin, yosi muna daw kami habang hinihintay nya yung pinsan nya. sabi ko naman PINSAN nga ba ang hinihintay ng babaeng ito? sa ganda ny,a na may lahing koreana. hay! nako pinsan nga ba!? o pinsan pinsanan.

hindi naman ako magulong kausap edi sinamahan ko na. maya-maya  umalis na sya kasi nandun na umano ang pinsan nya, naghihintay sa lugar na pinagkasunduan nila kung saan sila magkikita. sabi ko “hatid na kita”. bumalik ako sa mall mag-isa.

naglupaypay. nagpaka-emo. nagpakasenti. habang iniisip ang mukha nya.

nang naisipan ko ng umuwi. nakita ko ang dalawa sa isang restaurant,kumain. iba ang tinginan. parang hindi magpinsan. alam kung may iba sa kanila. pero dahil sabi nya. naniwala ako. nabuhayan ako sa sinabi nyang wala nga syang bf. hahaiii.. sa wakas.

makalipas ang ilang araw ng pagpaparamdam. habang naglalakad kami sa mall kasama pa ang iba ko pang kaklase. nakita ko ang sinasabi nyang pinsan. sabi ko “pinsan mo, may kasamang babae”. maya-maya biglang nag-iba nag-ihip ng hangin. hindi na kumikibo. at parang maluha-luha na ang mata. sabi nya  ayaw pa raw niyang umuwi at nagyaya ng isang yosi break.

doon nilabas niya ang lahat, inamin na hindi nya nga pinsan ang lalaki. boyfriend nya ito at mag-iisang taon na sila. masakit na medyo masaya pero ayaw kong kung isipin na pinagsasamantalahan ko ang sitwasyon nila. umiyak sya sa harap ko.

wala akong magawa. mi kahit panyo ko hindi ko naibigay, speechless ako. unang babaeng umiyak sa harap ko. sabay sabi nya “GANYAN BA TALAGA KAYONG MGA LALAKI? MANLOLOKO?”

ang sakit!

upgraded na JACK EN POY

minsan naisip ko kung bakit tanging gunting, papel at bato lang ang ginagamit sa larong jack en poy. depressing! kasi kung iisipin mo pano matatalo ng papel ang bato kung bato pa rin naman ito kung babalutin ng papel. e pano kung napakalaking bato ang babalutin ng papel na kakaramput diba!? bakit natatalo ng gunting ang papel, eh pano kung ang kinalabasan ng paggunting ay STARS, MOON, HEART at marami pang bonggang shape!? o diba winner parin?!

kaya inisip ko na dapat dagdagan na ang mga gagamiting kasangkapan  sa paglalaro ng jack en poy.

PAKO vs BATO: matatalo ng pako ang batong malaki. kasi nadudurog ito ng pakong ginagamit sa atip. sosyal!

APOY vs PAPEL: walang takas ang papel sa apoy dahil siguradong abo ang patutunguhan ng papel nyo. kahit stationary pa yan o special paper.

FORK vs GUNTING: ewan ko lang hindi masira ang gunting mo kung pipilitin mong guntingin ang tinidor kong napakamahal. gudluck na lang.

at kung tatanungin nyo ako kung ano ang makakatalo sa PAKO, GUNTING at FORK? ewan! hindi ko rin alam. hindi ko rin naman kasi na try na gamitin ang mga ito.  suggestion lang naman tong sa akin..  ang galing ano!?

sino ang unang gustong chumalenge sa akin raise to 1,000,000.. kokak!

pelikulang T2 — depressing!

PSSST! PSSSSTT!

hindi natin mapagkakaila na lahat ng tao bukang bibig ang pelikulang T2 ng award winning aktres na si Maricel Soriano.  sa mga teasers pa lang na pinapalabas sa mga advertisements, talagang mamamangha ka sa taglay na ganda ng pelikula.  kaya nga teasers diba!? kasi yun, yung pinakamagandang parte ng pelikula, kahit hindi naman. pero ganyan tayong mga pinoy madaling mabola.

ayokong maging bastos at napakamapanuring manonood. pero iisa lang ang masasabi ko sa T2 “hindi maganda”.

excited kaming lahat na manood ng nasabing pelikula. pagkatapos ng trabaho. nag-usap-usap kami na manood ng T2, dahil na rin sa akalang maganda ito edi go narin ako at nanood narin ako kasi makahorror din naman ang type ng movies ko. gaya ng sabi ng golden rule “ang pagsisi ay laging nasa huli”. marami akong hindi inaasahan sa pelikula. hindi ko inaasahan na ganun pala ang pagkagawa ng T2.

SETTINGS: sinong mag-aakala na ang mundo pala ng mga engkanto eh para rin palang new york city o mas maganda pa. pero ang tanging makakagiba ng naturang mundo ay ASIN. ano daw yun?! T2 ang pangalan ng tenement kung saan kukunin ang batang si angeline. isang lumang building na parang apartment sa sobrang daming kwarto.

GRAPHICS: sa tuwing lumalabas na ang parte ng pelikulang ginagamitan na ng grapiks. hindi ko talaga makaya ang hind masabi ang salitang JOKE. mula sa mga baboy na tumawid sa isang daan na humarang sa isang bus. napakacomputerize. may isa ring parte ang pelikula kung saan may parang spider man doon, na biglang humaba ang dila, naging baboy at naging manananggal. GRAPIKS?? korny. as in napaka corny. may isa pa! akalain mo yung parte na laging cinocomercial sa TV yung parte na napakaraming daga. korny din ang grapiks doon, at tanging ilaw lang ng lampara ni TETSIE AGBAYANI ang makakapatay sa mga computerize na daga.

STORY: ang kwento ay umiikot sa isang batang kalahating engkanto at tao. kukunin sya ng kanyang ina bago sumapit ang ikasiyam na kaarawan ng bata. kaya T2 ang title kasi sa gusaling T2 gagawin ang pagsundo sa bata at kaya laging may “PSSST” kasi yun, yung palatandaan na may sumusundo na sa kanila.

kung titingnan mo ng maayos delakidad ang mga artista. pero aanhin mo naman ang artista kung hindi ka kuntento sa pelikula. hindi naman siguro ang artista ang dahilan kung bakit kami nanood — ang storya ang dahilan. hindi rin naman siguro kami tanga para sabihing maganda at nakakatakot ang pelikula kung alam kong hindi naman talaga maganda at nakakatawa ang ibang parte ng show.

pasensya  kung sobrang mapanuri ako. pinapractice ko lang FREEDOM OF SPEECH ko. well sa lahat ng gusto ng manood ng T2 good luck nalang. iba iba kasi tayo ng taste.

“HOW LIKELY AM I TO RECOMMEND THE MOVIE? from zero – ten”

three!

my mom is a gangster!

“GUMISING NA KAYO! NANGGALING NALANG AKO SA IMPIYERNO PAGBALIK KO TULOG PA KAYO! ANG LABAS ANG DUMI-DUMI! ANONG ORAS NA?! NAPAKAINIT NA SA LABAS! ANG IBA ANG DAMI NG NATAPOS KAYO TULOG PA! ANONG GUSTO NYO AKO PA ANG GUMAWA SA LAHAT NG GAWAIN BAGAY! GUSTO NYO PAGSILBIHAN KO PA KAYO. GUMISING NA KAYO! GUMISING NA KAYO! HUWAG NYONG HINTAYIN NA MAGALIT AKO ———–“

at namuhay silang maligaya at may kunot sa mukha. yan ang laging hiyaw ng nanay ko, sa umaga. ikangan ng iba. morning machine gun. malakas na panlaban sa mga abusayaf sa sulu. hindi ko nga alam kung papano namin mapapa-alis ang nasabing sumpa sa bibig ng nanay ko. magsisimula pa lang  kami ISANG MILYON NA ANG NASABI nya. ang galing talaga ng nanay ko!

bihira lang din naman kasi ang mga nanay na pavirgin ang bibig. lahat ata bongangera. sa lahat ng aspeto ang nanay umano ang nakaka-alam. AGREE OR DISAGREE? well ang nanay ko. oo! para sa kanya alam nya lahat. kaya minsan binubola sya ng kuya ko ng SWEET ibig sabihin SWEETO (sa bisaya : alam lahat). natatawa nalang kami.

hindi ko nga alam kung papano napasagot ng tatay ko ang ganitong klase bibig. hindi ko rin alam kung bakit pag ang machine gun na ang lumabas. hindi na kumikibo ang haligi ng tahanan. siguro durog na sa mga bala na tumama. ang bilis kaya tumira! wahaha.

minsan natatawa na lang ako. kasi ang ganda pa naman ng panaginip ko ng minsan biglang parang umiiba na ata ang dialog ng mga tauhan sa dreams ko. ang bilis at hindi na ata nababagay sa takbo ng istorya. BIBIG NA PALA NG NANAY KO ANG NARIRINIG KO. kokak! kokak! kokak!

usapang tsinelas

2332212076_68a1aa7fffhindi ko lubos maisip na dalawampung taon na pala akong buhay dito sa mundo. dalawampung taong na puno ng tawa, iyak, galit, at saya. sa nakalipas na mga taon. ang dami ko palang naranasan na, aaminin ko ngayon malimit ko nalang ginagawa o mas magandang sabihin na hindi ko na talaga ginagawa. likas sa mga bata ang maglaro. kahit anong mahawakan, binibigyan ng ideya para lang mabigyan ng bagong laro.

usapang tsinelas tayo sa ngayon. umagang-umaga maingay na ang mga bata sa kalye. dahilan kung bakit nagising ka. dahil narinig mo ang boses ng kaibigan mong lagi mong kasama sa paglalaro. kahit sa anong dahilan ng paghati sa grupo laging kayong dalawa ang nagsasama. siguro dahil narin sa tuwing kayong dalawa ang magkasama, laging panalo ang grupo at kung matalo man “OKEY” parin, kasi nga magkasama kayo. yan ang pagkakaibigang nabuo sa kalye.

unang laro : tumbang preso — ano ang panama nila sa bagong bili mong tsinelas. sa panahon ko lagi lang akong nanghihiram ng tsinelas kasi ang bagong tsinelas hindi pinapapalabas ng nanay. pero ok lang kasi maganda naman ang napunta sa akin. medyo makapal-kapal pa ang ilalim. medyo bago. pagtumama sa lata sigurado pupulutin ang lata sa malayo.

mas maganda ang tsinelas sa panahon ko mas magaling daw ang tama. mas malayo ang kapupuntahan ng lata pag natamaan ng tsinelas. ang bidang brand sa panahon ko —– SPARTAN! ang galing ano!?

pangalawang laro: bending (larong pangbabae) — sa larong ito, mas panalo ang tsinelas na medyo gamit na. yun tipong parang butas na ang ilalim. kasi ang sa larong ito kailangan ang masusing balanse sa katawan. kasi naman sa larong ito and tsinelas ilalagay kasi saan tapos tatalon-talon ang maglalaro para matamaan ang tsinelas ng kalaban. tapos sa huli kailangan mong mgbebending. siguro kung ang lahat ng gymnastics contestant natin naglalaro ng bending malamang magandang training yun para makakuha ng medalya sa olimpiks.

ang bidang tsinelas dito — ANG PATAPON NA TSINELAS NI TATAY — solb!

pangatlong laro: tapunan tsinelas (labayay tsinelas) — ito yung laro na may kinalaman sa tsinelas kung saan may isang taya. tapos ang pares ng tsinelas ng maglalaro ay nasa unahan na para bang may FIRING SQUAD. tapos titirahin ng may ari ang sariling tsinelas sa ganung paraan kung malayu-layo ang aabutin ng pagkatama sa tsinelas mas maganda para mas madali syang makabalik sa based. sa larong ito klase-klaseng tsinelas ang nagsisilabasan animo’y parang UNITED NATIONS ng mga tsinelas. may bagong bili. may tsinelas na iba na ang kulay ng strap sa orihinal ng kulay. meron namang PAKO nalang ang nagbibigay buhay sa tsinelas para magamit. meron naman kinarir ang paglalaro. may tsinelas talagang EXCLUSIVE lang sa mga ganitong laro. kasi iba ang itsura ng kanan sa kaliwa. masasabi mo talaga panglaro lang ang tsinelas kasi wala naman itong strap.

ang bidang tsinelas dito — “MANY TO MENTION” hanggang pumasok si ISLANDER sa eksana. pero tapos na ang laro eh.. uwian na daw. bukas nalang kung maglalaro pa kami ulit.

hahaii. ang sarap kung iyong babalikan ang mga panahon kung saan wala kang iniisip ano. palaro laro na lang. tapos kung sisigaw na ang nanay na uwian na kakain. uuwi ka nalang. at higit sa lahat kung maaalala mo na ang kalyeng ito ang pinagsimulan ng magandang kabataan ko at dahil sa tsinelas na to nagkaroon ako ng tunay na kaibigan na TULAD MO!

litratos

ito yung mga kuha ko sa teleponong mabili. hindi ko pala nababanggit sa mga post ko na mahilig ako sa photography at kung pagbibigyan ng pagkakataon. sana may sirang ulo na magbibigay sa akin ng DSLR CAMERA. wahahaha..

ang kapal ko ano? well tingnan nyo na lang ang ilan sa mga kuha kong litrato.

isa, dalawa, tatlo say cheeezzze!!

makulay ang buhay sa leone colors

keep of the grass

i love you chuck

the living bread

tsuck teylar

paparapapa love ko to'

kape malamig pa sino gusto!?

bagong buhay

sa lahat ano ang masasabi nyo sa mga litratos na aking ipinakita? nawa’y nagustuhan nyo at maliwanagan kayo sa hiling ko. DSLR camera poh ha hindi disposable.. waaggagaga

“date tayo your treat”

habang naghahanap ng makakasama sa text. naisipan kong i-text ko ang mga barkada ko sa school. sakaling may bakante at may pwedeng makasama sa ano mang trip na pedeng mangyari.  sa una’y walang nagreply sa text ko.

1sa. dalawa. tatlo.

ayun inabot sa akin ng may-ari ang phone nya sabay sabi “sayo ata to”

sabi ng nasa text nasa mall daw ang kaibigan kong to. kasama ang EX nya. wow sosyal ex na nga diba bakit magkasama pa kayo sabi ko. pabiro ko namang sabi sa kanya na pupunta ako dyan sa mall, librehin mo ako. reply nya maya-maya wala daw syang pera.

so biglang may tumunog sa aking ulo na parang isang kampana—TONG! ano ibig mo sabihin tol ang ex mo ang may gastos ng lahat!? sabi nya nung una oo. sabi ko nakakahiya ka kasi kaw nagpapagastos buti sana kung kayo pa ng ex mo.  “ex mo na nga sugar mommy mo pa”. sabi nya ang babae naman ang may gusto. ganun parin yun. bawas puntos parin yun.

hahaii.. tol ikaw na talaga ang sinabi ng manghuhula. sa susunod kung magseset ka ng date. siguruhin mo naman kahit pang-ice water may malibre ka. wahahahhah

galing naman.. DATE TAYO ?!? YOUR TREAT!!

hirap sabihin

maraming bagay ang hindi mo kayang sabihin. maraming bagay ang pinipilit mo itago sa sarili mo dahil na rin hindi mo kayang ibunyag ang tunay na iyong nararamdaman. mahirap ang ganitong bagay. lalo na’t ang bagay na iyong tinatago ay napaka-importante.

pebebro 25 taong kasalukuyan araw bago ako ang regularization ko sa trabaho ng nagkaroon ako ng hiring sa opisina. isang deliberation kung magiging regular ba talaga ako. naipasa ko ang deliberation, ibig sabihin regular na ako. masaya ako kahit papano kasi regular na ko. mataas na rate, mas magandang working sked at madaming benefits.

nung una’y masaya ako sa trabaho ko. nung una’y hinahanap ko ang trabaho araw-araw. masaya ako sa katrabaho ko. masaya ako sa ginagawa ko. masaya ako sa lahat ng bagay na may kinalaman sa trabahong pinapasukan ko. medyo stressfull man ang trabaho ko, pero ok lang. gaya ng sinabi ko masaya ako sa trabaho ko NOON —- PERO HINDI NA NGAYON.

makalipas ang ilang buwan, nagbago ang ihip ng hangin. nag-iba ang daloy ng tubig. naging itim ang minsa’y puting kulay sa pakikitungo ko sa trabaho ko. pagod na akong gumising ng maaga para sa trabaho. wala na akong ganang magtrabaho. hindi na ako masaya sa mga bago kong kasamahan. wala na ang dati kong sigla kung ang pag-uusapan ang trabaho.

nahihirapan na ako sa sarili ko. nag-aaral ako sa hapon hanggang gabi. tapos kinabukasan kailangan kong gumising ng umaga para magtrabaho. dati akong na-admit sa ospital at nalaman kong may karamdaman ako sa puso na may kinalaman sa STRESS. maraming bagay ang humuhila sa akin papalayo sa trabaho ko. sobrang DAMI. natural may karapatan ang pamilya ko, na  malaman nila kung ano ang plano ko sa trabaho ko. kung ayaw ko ng magtrabaho. para sa kanila hindi nila naiintindihan ang hinanakit ko. para sa kanila ok lang yan kasi kumukita naman ako ng malaki sa trabaho ko. ok lang yan. konting tiis lang umano. hindi nila nararamdaman ang dusa ko sa tuwing nagdadial ko. hindi nila alam kung gaano kapangit ang kompanya. ang sa kanila kumikita ako at kahit papano makakatulong ako sa kanila.

gusto ko ng huminto sa trabaho at mag-aral na lang. may karapatan pa naman siguro akong pag-aralin ng magulang ko. dahil kahit noon pa man. lagi na akong agrabyado kung edukasyon ang pag-uusapan. sa tuwing handa na akong sabihin sa kanila ang lahat tungkol sa desisyon ko. tinatanong tuloy ako ng ina ko ng “KAILAN MO MAKUKUHA ANG RICE ALLOWANCE MO?” mas lalo akong nakokonsensya kung sasabihin ko ang binabalak ko. ang hirap sabihin. hindi ko kaya. bahala na ang may-kapal sa lahat.

grrrrr.. kainis ano!?