rebeldeng palaka

“GANYAN BA TALAGA KAYONG MGA LALAKI? MANLOLOKO?”

Ipinaskil ni: rebeldengpalaka noong: Abril 25, 2009

matagal na sana ko itong isulat. pinag-iisipan ko talaga ng maayos kung isasali ko ba ito sa mga koleksyon ko ng mga blag. mag-iilang buwan na rin ang nakalipas ng kalilala ko ang babaeng, kahit papano ay nagpatibok ng puso ko sa pangalawang pagkakataon.

naging kaklase ko sya, at naging malapit kami sa isa’t-isa.

nagsimula ang lahat ng nagkasama kami sa isang smoking session sa labas ng school namin. hindi ko akalain na makakasama ko pala ang babaeng magugustuhan ko sa trip ko na paninigarilyo. sabi nya sakin, yosi muna daw kami habang hinihintay nya yung pinsan nya. sabi ko naman PINSAN nga ba ang hinihintay ng babaeng ito? sa ganda ny,a na may lahing koreana. hay! nako pinsan nga ba!? o pinsan pinsanan.

hindi naman ako magulong kausap edi sinamahan ko na. maya-maya  umalis na sya kasi nandun na umano ang pinsan nya, naghihintay sa lugar na pinagkasunduan nila kung saan sila magkikita. sabi ko “hatid na kita”. bumalik ako sa mall mag-isa.

naglupaypay. nagpaka-emo. nagpakasenti. habang iniisip ang mukha nya.

nang naisipan ko ng umuwi. nakita ko ang dalawa sa isang restaurant,kumain. iba ang tinginan. parang hindi magpinsan. alam kung may iba sa kanila. pero dahil sabi nya. naniwala ako. nabuhayan ako sa sinabi nyang wala nga syang bf. hahaiii.. sa wakas.

makalipas ang ilang araw ng pagpaparamdam. habang naglalakad kami sa mall kasama pa ang iba ko pang kaklase. nakita ko ang sinasabi nyang pinsan. sabi ko “pinsan mo, may kasamang babae”. maya-maya biglang nag-iba nag-ihip ng hangin. hindi na kumikibo. at parang maluha-luha na ang mata. sabi nya  ayaw pa raw niyang umuwi at nagyaya ng isang yosi break.

doon nilabas niya ang lahat, inamin na hindi nya nga pinsan ang lalaki. boyfriend nya ito at mag-iisang taon na sila. masakit na medyo masaya pero ayaw kong kung isipin na pinagsasamantalahan ko ang sitwasyon nila. umiyak sya sa harap ko.

wala akong magawa. mi kahit panyo ko hindi ko naibigay, speechless ako. unang babaeng umiyak sa harap ko. sabay sabi nya “GANYAN BA TALAGA KAYONG MGA LALAKI? MANLOLOKO?”

ang sakit!

3 Tugon to "“GANYAN BA TALAGA KAYONG MGA LALAKI? MANLOLOKO?”"

*uyhhh. Naging kayo na ba nu’n kaka-yosi-han mo?

Speaking of Lalake, punta ka dito:

Hay! Men!

Wasak na Wasak yang site na yan tol, magugustuhan mo at baka maka-relate ka pa!

augus 22o ba toh?

nabitin ako sa story tol! ahehehe! ano na sumunod nung sinabi nia na manloloko tayong mag lalake?

ahahah na excite tlga ako sa suunod! astig!

Mag-iwan ng Tugon

pasok, pasok --- KOKAK!

  • 4,397 tadpols

mukha ng palaka

Photobucket chicolot, budots, nico name it all, yan ang tawag namin sa kanya. isa sa mga bestbudz ko na lagi kong kasama noon. pero dahil na rin sa busy na kami aming mga buhay-buhay malimit nalang kami magbonding. sya lagi ang gitarista ko, sa tuwing my music trip kami. isang SA scholar sa Unibersidad ng Ateneo de Davao at kasalukuyang kumukuha ng kursong COM SCI siguradong walang dull moments pagkasama mo tong si CHICOLOT ^___^

rebeldeng palaka lng po!

Photobucket ako ang may pakana sa lahat ng rebeldeng palaka sa mundo. mahilig magbasa ng libro, gumuhit ng abstract at ng kung ano-ano pa. kumukuha ng kursong SIKOLOGY at siguro yan ang isa sa dahilan kung bakit minsan nasasabi kong may tama ako. gaya ng litrato ko ngayon ---- LUMABAS KA NA KASI DUMI KA!

Mahiwagang ARAW

Abril 2009
L M M H B S L
« Mar   May »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

paki-kokak nalang

Photobucket http://www.crunchyroll.com/user/ugasunari