rebeldeng palaka

supervisor pede meal break?

Ipinaskil ni: rebeldengpalaka noong: Mayo 8, 2009

tang-ina! nakakainis talaga tong mga supervisor minsan. para namang hindi sila naging AGENT noong una. kung maka-asta eh parang ang galing galing na. wala akong magawa jan. mas malaking ranggo ibig sabihin mas malaking ULO.

kanina habang nagdadial ako — dahil na nga sa ako’y isang callboy at trabaho ko ang kuma-usap ng mga puti sa telepono. nakasanayan ko na ang late kumain MINSAN pero hindi sa ngayon.  kahit papano nakakapagod at NAKAKAGUTOM talaga ang ganitong trabaho. alas singko palang ng umaga hanggang alas onse-trenta kang magsasalita, makikipagpilitan sa mga kanong tanga, makikipag-away at makikipagPLASTIKAN!? sino ba ang hindi mapapagod jan!? ha!? at sino ang hindi magugutom jan!?

alas otso-trenta na ng umaga, kaunti nalang ang natira sa terminal namin dahil nagmemeal break na ang lahat, habang ako bumubula pa ang bibig sa kakabasa ng survey at kakatanong sa mga bobong kanong kaka-aktivate o kaka-upgrade lang ng T-M selphone nila. lumapit sa akin ang supervisor ko sabi ” AUGUS in 30 minutes do a lot of completes, ok?”. dahil na rin sa maliit ang productivity rate ko at nandidilim na ang paningin ko sa gutom hindi na ako nagdalawang isip na tanungin ang supervisor ko na may halong pelosopo faktor “AM I NOT GOING TO EAT YET”, sabay sabi ng quality assurance supervisor ko ng “YEAh IT WAS LIKE HE WAS TELLING  THAT HE IS HUNGRY —— “. akalain mo yung sinabi nya na “ME TOO IM HUNGRY”. hungry sa mukha nya wala naman syang ginawa kundi ang maglakad na may kembot sa pwet (BADING KASI), tapos sasabihin nyang “me too”.

buti nalang pinakain nya na ako. napansin siguro nya na parang hindi na maganda ang takbo ng pananalita ko. wahahaha. pero may inis pa rin ako sayo bading ka!

minsan kasi dapat kayo nga supervisor maging mabuti kayo minsan. isipin nyo na minsan nyo ring napagdaan ang ganitong trabaho. dapat alam nyo kung ano ang pakiramdam ng mga kalamay nyo. makibagay kayo. hindi ko nilalahat pero meron talagang iba ng lumulubo ang ulo. porket nanjan na kayo. hahaii.. kaya ikaw umayos ka sa buhay mo!!

grrrrr! KOKAAAAAAKKKKKK

2 Tugon to "supervisor pede meal break?"

kokak!

parekoy di naman tama ‘yun.

kahit ako minsan hindi rin ako nakakakain pag maraming trabaho.. pero kung iisipin…

“nagtatrabaho tayo para may makain.. hindi tayo nagtatrabaho para hindi makakain..”

di ba?

hehehehe.. :D

gusto ko tuloy makita bosing mo habang naglalakad heheheeh :D


@otep

sinabi mo ka, ayun tuloy mula sa 56kilos naging 52 nalang ako.. sya talaga ang may pakana ng lahat ng ito..

masaya syang maglakad..isipin mo so johnny bravo kumekembot!!?? wahahaha..

yan ang mahirap sa mga taong nagpapalapad ng papel sa opis..sarap kaltukan.haha


@flamindevil

sinabi mo pa.. nakakainis talaga xa.. minsan nga iniisip ko sana mawala na xa sa opis.. wahahhaa…

Mag-iwan ng Tugon

pasok, pasok --- KOKAK!

  • 4,190 tadpols

mukha ng palaka

Photobucket chicolot, budots, nico name it all, yan ang tawag namin sa kanya. isa sa mga bestbudz ko na lagi kong kasama noon. pero dahil na rin sa busy na kami aming mga buhay-buhay malimit nalang kami magbonding. sya lagi ang gitarista ko, sa tuwing my music trip kami. isang SA scholar sa Unibersidad ng Ateneo de Davao at kasalukuyang kumukuha ng kursong COM SCI siguradong walang dull moments pagkasama mo tong si CHICOLOT ^___^

rebeldeng palaka lng po!

Photobucket ako ang may pakana sa lahat ng rebeldeng palaka sa mundo. mahilig magbasa ng libro, gumuhit ng abstract at ng kung ano-ano pa. kumukuha ng kursong SIKOLOGY at siguro yan ang isa sa dahilan kung bakit minsan nasasabi kong may tama ako. gaya ng litrato ko ngayon ---- LUMABAS KA NA KASI DUMI KA!

Mahiwagang ARAW

Mayo 2009
L M M H B S L
« Abr   Hun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

paki-kokak nalang

Photobucket http://www.crunchyroll.com/user/ugasunari