Iimbak para saisip-batang palaka
{ Hulyo 11, 2009 @ 2:55 hapon }
·
{ bobong palaka, isip-batang palaka, loko-lokong palaka, rebeldeng palaka }
{ Tags: animal, arts, blog, dog, doll, home, kid, mcdonalds, money, mundo, palaka, story, toys, wats }
·
{ }
tahimik ang paligid. bilog ang buwan. tanging palo ng hangin ang maririnig mo sa paligid. alas onse na nang gabii habang tulog na ang lahat. biglang may kumuha sa mga tao sa barrio wang enta.
“waaaaaaaaaaaaaaaaaaaggggggggggggggggggggggggggg”
takot ang lahat sa nangyari. habang ang iba naman ay hindi mapakali kung ano ang gagawin. nagsisigawan. nagtatakbukan. nag-iiyakan.
“ba’t sila nagtatakbuhan? ano ang problema? mom? dad? kayo ba yan? san na kayo? ‘
habang nag-aalala ang lahat sa nangyari sa barrio wang enta. may magsyotang di maayos -ayos ang problema kung sino ang aalis para tumakas sa lugar. ayaw ng babaeng iwan ang lupang nag-mulat sa kanya sa kalaswaan. ang lugar kung saan sikat sya bilang pokpok at laging bida sa miss gay dahil mukha syang lalake.
at umalis ang lalake at hindi na inisip ang kayang syota mula pa noong silay isang malapot na protein substance at ang babae ay nagpasyang magpaiwan para sa kanya tunay na minamahal. hindi man niya masabi-sabi sa hayop na to. pero sa tuwing nakikita nya itong nakatali at naghihintay ng kanyang kamatayan. iisa lang ang iniisip ng babae
“kung kaya ko lang pakawalan ka”.
sa kabilang dako ng istorya, ang lahat ay takot na at hindi alam ang gagawin. biglang ——–
dumating na ang higante. winasak ang barrio wang enta. pinatay ang mga mamamayan. walang natira. patay lahat. kawawa. malungkot. di kaaya-aya. walang nagawa mga nakatira sa nasabing barrio.

dahil na rin sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya. maraming nagbago sa lugar na dating barrio wang enta. naging walang kwenta na ang mga nakatira dito. may mga tanong at sagot na talagang walang kwenta. hindi nagtagal naging barrio walang kwenta na ang tawag dito.
walang kwenta ang kwento ko. sana naisip nyo na walang kwenta to. wahahaha!! kokak
lesson learned : im not stupid i just know how to appreciate NONSENSE things
{ Abril 12, 2009 @ 8:00 umaga }
·
{ bobong palaka, chismosong palaka, isip-batang palaka, loko-lokong palaka }
{ Tags: blag, bobo, dreams, happy, kid, life, mcdonalds, play, sweet }
·
{ }
minsan naisip ko kung bakit tanging gunting, papel at bato lang ang ginagamit sa larong jack en poy. depressing! kasi kung iisipin mo pano matatalo ng papel ang bato kung bato pa rin naman ito kung babalutin ng papel. e pano kung napakalaking bato ang babalutin ng papel na kakaramput diba!? bakit natatalo ng gunting ang papel, eh pano kung ang kinalabasan ng paggunting ay STARS, MOON, HEART at marami pang bonggang shape!? o diba winner parin?!
kaya inisip ko na dapat dagdagan na ang mga gagamiting kasangkapan sa paglalaro ng jack en poy.
PAKO vs BATO: matatalo ng pako ang batong malaki. kasi nadudurog ito ng pakong ginagamit sa atip. sosyal!
APOY vs PAPEL: walang takas ang papel sa apoy dahil siguradong abo ang patutunguhan ng papel nyo. kahit stationary pa yan o special paper.
FORK vs GUNTING: ewan ko lang hindi masira ang gunting mo kung pipilitin mong guntingin ang tinidor kong napakamahal. gudluck na lang.
at kung tatanungin nyo ako kung ano ang makakatalo sa PAKO, GUNTING at FORK? ewan! hindi ko rin alam. hindi ko rin naman kasi na try na gamitin ang mga ito. suggestion lang naman tong sa akin.. ang galing ano!?
sino ang unang gustong chumalenge sa akin raise to 1,000,000.. kokak!
{ Abril 4, 2009 @ 4:57 hapon }
·
{ bobong palaka, isip-batang palaka, loko-lokong palaka }
{ Tags: baby, children, davao, kid, life, play, slippers, streets, tsinelas }
·
{ }
hindi ko lubos maisip na dalawampung taon na pala akong buhay dito sa mundo. dalawampung taong na puno ng tawa, iyak, galit, at saya. sa nakalipas na mga taon. ang dami ko palang naranasan na, aaminin ko ngayon malimit ko nalang ginagawa o mas magandang sabihin na hindi ko na talaga ginagawa. likas sa mga bata ang maglaro. kahit anong mahawakan, binibigyan ng ideya para lang mabigyan ng bagong laro.
usapang tsinelas tayo sa ngayon. umagang-umaga maingay na ang mga bata sa kalye. dahilan kung bakit nagising ka. dahil narinig mo ang boses ng kaibigan mong lagi mong kasama sa paglalaro. kahit sa anong dahilan ng paghati sa grupo laging kayong dalawa ang nagsasama. siguro dahil narin sa tuwing kayong dalawa ang magkasama, laging panalo ang grupo at kung matalo man “OKEY” parin, kasi nga magkasama kayo. yan ang pagkakaibigang nabuo sa kalye.
unang laro : tumbang preso — ano ang panama nila sa bagong bili mong tsinelas. sa panahon ko lagi lang akong nanghihiram ng tsinelas kasi ang bagong tsinelas hindi pinapapalabas ng nanay. pero ok lang kasi maganda naman ang napunta sa akin. medyo makapal-kapal pa ang ilalim. medyo bago. pagtumama sa lata sigurado pupulutin ang lata sa malayo.
mas maganda ang tsinelas sa panahon ko mas magaling daw ang tama. mas malayo ang kapupuntahan ng lata pag natamaan ng tsinelas. ang bidang brand sa panahon ko —– SPARTAN! ang galing ano!?
pangalawang laro: bending (larong pangbabae) — sa larong ito, mas panalo ang tsinelas na medyo gamit na. yun tipong parang butas na ang ilalim. kasi ang sa larong ito kailangan ang masusing balanse sa katawan. kasi naman sa larong ito and tsinelas ilalagay kasi saan tapos tatalon-talon ang maglalaro para matamaan ang tsinelas ng kalaban. tapos sa huli kailangan mong mgbebending. siguro kung ang lahat ng gymnastics contestant natin naglalaro ng bending malamang magandang training yun para makakuha ng medalya sa olimpiks.
ang bidang tsinelas dito — ANG PATAPON NA TSINELAS NI TATAY — solb!
pangatlong laro: tapunan tsinelas (labayay tsinelas) — ito yung laro na may kinalaman sa tsinelas kung saan may isang taya. tapos ang pares ng tsinelas ng maglalaro ay nasa unahan na para bang may FIRING SQUAD. tapos titirahin ng may ari ang sariling tsinelas sa ganung paraan kung malayu-layo ang aabutin ng pagkatama sa tsinelas mas maganda para mas madali syang makabalik sa based. sa larong ito klase-klaseng tsinelas ang nagsisilabasan animo’y parang UNITED NATIONS ng mga tsinelas. may bagong bili. may tsinelas na iba na ang kulay ng strap sa orihinal ng kulay. meron namang PAKO nalang ang nagbibigay buhay sa tsinelas para magamit. meron naman kinarir ang paglalaro. may tsinelas talagang EXCLUSIVE lang sa mga ganitong laro. kasi iba ang itsura ng kanan sa kaliwa. masasabi mo talaga panglaro lang ang tsinelas kasi wala naman itong strap.
ang bidang tsinelas dito — “MANY TO MENTION” hanggang pumasok si ISLANDER sa eksana. pero tapos na ang laro eh.. uwian na daw. bukas nalang kung maglalaro pa kami ulit.
hahaii. ang sarap kung iyong babalikan ang mga panahon kung saan wala kang iniisip ano. palaro laro na lang. tapos kung sisigaw na ang nanay na uwian na kakain. uuwi ka nalang. at higit sa lahat kung maaalala mo na ang kalyeng ito ang pinagsimulan ng magandang kabataan ko at dahil sa tsinelas na to nagkaroon ako ng tunay na kaibigan na TULAD MO!
{ Abril 2, 2009 @ 4:26 hapon }
·
{ chismosong palaka, isip-batang palaka, masiyahing palaka, matalinong palaka, talentadong palaka, tehkhing palaka }
{ Tags: arts, bag, blag, burger, davao, home, litrato, mcdonalds, photography, picture, samsung, school }
·
{ }
ito yung mga kuha ko sa teleponong mabili. hindi ko pala nababanggit sa mga post ko na mahilig ako sa photography at kung pagbibigyan ng pagkakataon. sana may sirang ulo na magbibigay sa akin ng DSLR CAMERA. wahahaha..
ang kapal ko ano? well tingnan nyo na lang ang ilan sa mga kuha kong litrato.
isa, dalawa, tatlo say cheeezzze!!








sa lahat ano ang masasabi nyo sa mga litratos na aking ipinakita? nawa’y nagustuhan nyo at maliwanagan kayo sa hiling ko. DSLR camera poh ha hindi disposable.. waaggagaga
{ Marso 15, 2009 @ 2:21 hapon }
·
{ isip-batang palaka, loko-lokong palaka, rebeldeng palaka }
{ Tags: computer, dota, exam, money, online games, school, spc }
·
{ }
Masaya. Magulo. Isip bata. Yan ang mga kasama ko palagi sa paaralan. Mga kaklase ko sa Filipino subject. Hindi ko akalaing madali lang pala akong makakahanap ng makakasama sa kampus. Hindi alintana ang edad ko sa kanila. Oo matanda man ako ng ilang taon sa kanila pero kahit papano nakakasabay naman ako sa mga trip ng barkada.
Alam kong magbebente-uno na ako sa darating na Agosto. Ngunit gaya ng sabi ko hindi naging hadlang sa amin ang aming edad para hindi magkasundo sa maraming bagay. Masaya silang kasama. Wala oras na hindi tumatawa. Sa musika man o sa kabalastugan. Sa love life man o sa inuman. Laging masaya pag sila ang kasama. Nagkakasundo kami sa maraming bagay. Lalong-lalo na sa DOTA.
Nung una’y sinusumpa ko ang laro na yan. Bagay na lagi kong iniiwasan kasi alam kong hindi ako marunong maglaro. GRRrrrr! Naiinis talaga ako sa larong dota. Hindi ko alam pero ewan. Pero nung oras na niyaya nila akong maglaro ng nasabing ONLINE GAME. Pinagbigyan ko sila sa kadahilanang wala rin naman akong ginagawa. Sa simula ay iniisip kong hindi rin magtatagal ay mawawala rin ang excitement ko sa paglalaro ng DOTA. Pero iba ang nangyari. Hindi ko masabing hindi ko nagustuhan ang laro dahil ang totoo dyan ay —- “EXTEND PA TA BAIIII”
Sila ang mga taong nagturo sa akin ng maraming bagay. Mas matanda man ako sa kanila pero marami din akong natutunan sa mga musmos na yan. Bagay na nagbigay sa aking buhay ng saya ng school barkada.
Ito ang line-up ng sinasabi kong masisiyahing bata. Si “sotto” ang bolibol player sa grupo. “atienza” laking bicol. “ken” chicken pox biktim. “jave” mahilig magbiro at manghalik sa grupo pero hindi kami BAYOT (bakla) ha! “jay-ar” small but small talaga laging nagtatanong sa akin kong meron ba akong 1k. “Dj” a.k.a. FRAY BUTOD ang gitarista ng grupo. “Rey” chickboy pumapatol ng chicks at pumapatol ng boi hahaha joke lang. “clark” ang tatay ng lahat at TEKKEN master. “boston” moreno boi ang daming crush sa kampus. “gelo” ang unan ng lahat at ang nagturo sa akin ng DOTA. At ako “sir, kuya o kuya augus” yan ang tawag sa akin ng iba ang pinaka matanda sa aming lahat.
Tsaka nga pala. Kaya pala mas napadali yung boding namin at minsan sir ang tawag nila sa’kin kasi naging studyante ko sila sa RED CROSS. Leadership training yun at hindi pa ako nag-aaral sa nasabing kolehiyo ay kilala ko na sila.
{ Marso 5, 2009 @ 8:50 umaga }
·
{ bobong palaka, isip-batang palaka, loko-lokong palaka, mayabang na palaka }
{ Tags: bag, chinchan, exam, mcdonalds, palaka, philippines, school, spc }
·
{ }
gwapong-gwapo. swabeng-swabe. panay tingin sa salamin. head turner sa skul. yan ang ilang katangian ng mga feeling gwapo. yung tipong pinag-uusapan sa paaralan. kung may mga search laging kasali sa listahan. bagay na lahat ng babae pinagkakaguluhan.
“WAHHHHHH ang GWAPO MO TALAGA”
hindi ko sinasabi na ako yan. hindi ko rin sinasabi na nasa akin lahat ng mga katangian na nasabi ko sa itaas. hindi naman ako gwapo. hindi rin naman ko gaanong kilala. hindi rin naman ako sumasali sa mga search-search na yan. LOW PROFILE lang ako.
pero hindi ko alam kung bakit may mga tao sa skul na kahit papano tumintingin sa akin pag ako na ang dumadaan sa pathway. hindi ko alam? may mga taong tumitingin sa akin kung mag-isa lang ako sa kantin. hindi ko rin alam? isa lang ang alam ko LOW PROFILE ako. isang hamak na transferee na walang ibang alam kundi ang pumasok sa skul.
kinakabahan pag may exam.
natatakot pag may quiz.
nagdadala ng libro kung kailangan.
sinusuot ang puting polo at kocky pants sabay ang ID.
simple lang naman akong tao. wala masyadong ka-ek-e-kan sa katawan. natural na natural sa akin. irregular student na iba’t ibang kurso ang kaklase. yun lang naman ang buhay ko mula lunes hanggang biyernes. sa skul na maliit. sa skul na maraming tao. sa skul na masikip.
pero bakit sa tuwing dumadaan ako —- napapalingon silang lahat sabay sabi ng
…
…
…
…
…
…
…
…
…
…
…
“ANG KYUT NG BAG NIYA —– CHINCHAN!”

{ Marso 3, 2009 @ 7:44 umaga }
·
{ bobong palaka, isip-batang palaka, masiyahing palaka }
{ Tags: arts, davao, home, life, love, mcdonalds, palaka, school, spc, sweet }
·
{ }
hindi ko inaakala na makikita ko ang isa sa mga taong hinahangaan ko sa school. at bago pa man nagsalubong ang mga landas namin ehh, iniisip ko na sya. bigla lang kasi pumasok sa isipan ko yung oras na tinanong nya ako na “ok ka lang?”
habang naglalakad ako patungo sa hintayan ng jip, umaandar nanaman ang sakit ko na kinakausap ang sarili. hawak-hawak ang strap ng aking bag, nailimpungatan ako sa aking nakita sa malayuan. hindi ko alam kung sya ba yun talaga at dahil na rin sa nawala ang eyeglasses ko, hindi ko na masyadong nakita kung sya ba talaga yun.
nang nakatawid na ako sa daan at narating ko na ang hintayan ng jip, sya nga ang nakita ko, wala ng iba.
“pssst! kuya!” ouch it hurts kuya raw o! pero ok na yun.
“san ka uwi?!” tanong nya sa akin.
sabi ko sa matina. tapos sabi nya dun rin daw ang uwi nya. tapos niyaya nya ako na sabay na raw kaming umuwi.
iisang jip. iisang rota. iisang babaan. iisang area ng subdivision. WHAT A SMALL WORLD TALAGA.
GALING!— sabay kaming uumuwi. yehey!!!
dahil na rin sa puno na lahat ng jip na dumadaan sa harapan nang pinaghihintayan namin. dinako nalang namin yung kabilang kanto kung saan mas marami ang jip na dumadaan na bakante. habang naglalakad, medyo tameme ako at walang masabi. hindi ko alam kung dahil sa gutom lang ako, pagod lang ako o wala lang talaga akong masabi dahil kasabay ko sya.
habang nasa loob ng jip — nakakabingi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. hindi gaya ng dati na nag-uusap naman talaga kami. pero sa oras na yun. wala, kahit “MUSTA?! OK KA LANG!?” at kahit ang pinakatorpeng tanong, walang lumalabas sa bibig naming dalawa.
dumadami na ang tao sa jip. sumisikip, kami namag dalawa harapan lang na nakaupo sa bandang may pinto. tahimik at walang emik. hahhhhhaaaiii!!!
dahil na rin sa hindi ako maramot at alam kong, kung magbibigay ka, milyon ang babalik sayo edi ako na ang nagbayad ng pamashe nya. nang pag-abot ko sa bayad sa driber, sabi pa nya mandaraya daw ako kasi naunahan nya raw ako. duhhhh!! kung hindi sya magpapalibre edi sana nung pagsakay pa lang namin edi nagbayad na sana sya.. wahahhaha!
“salamat” — natural nagpasalamat si crush, sabihin ko sana na “may interest na yun bukas ok!”
pero dahil sa walking distant lang talaga ang bahay nila mula sa kanto ehh naglakad nalang sya. tinanong nya ako kung sasakay ba daw ako ng trisikel sabi ko “oo” sabi nya “maglalakad lang ako”. pwede rin namang lakarin yung amin. alam mo yung gusto mo syang samahang maglakad kahit alam mong hindi ka naman sanay na maglakad. nang binitawan ko na ang salitang “BYE” dun na at sumakay nalang talaga ako ng trisikel.
kainis ano!? mas hahaba sana ang naging usapan namin at mas hahaba sana ang oras na magkatabi at magkasama kami. pero hindi ko nagawa. grrrrr!! kainis. ok lang yung lagi naman kaming nagkikita sa school ehh..
sa susunod SABAY NA TAYO!
{ Marso 2, 2009 @ 8:15 umaga }
·
{ bobong palaka, isip-batang palaka, loko-lokong palaka, namamadaling palaka }
{ Tags: arts, cellphone, davao, exam, mcdonalds, palaka, psychology, samsung, spc, terminated, wats }
·
{ }
ang bilis nga naman ng panahon ano!? kasi ang huling tingin ko sa kalendaryo pebrero pa ngayon di namalayan na marso na pala. hahai sa susunod abril tapos mayo tapos hunyo, hulyo, tapos kabuwanan ko na AGOSTO. wahahahahhaha ang bilis nga naman pala ng panahon.
marso de oro! ang daming nangyari sa akin sa buwan ng pebrero. marami rin kaya ang mangyari sa akin ngayong marso. gaya ng naregular ako sa work. pinagpiyestahan ako ng lamok (ang dami ko na tuloyng pintal-pintal sa katawan) nawala ang EYEGLASSES, nanalo ako sa poster making contest sa PSYCHOLOGY WEEK namin na dalawang araw lang at marami pang iba at nasangla ko ang samsung sellpon ko dahil sa exam.
ngayon marso na! makakayanan ko kaya ang pressure ng pagiging regular sa trabaho. mawawala na kaya ang mga pintal-pintal sa katawan ko na bakas ng kagat ng lamok, makakabili kaya ako ng mas maganda at bagong eyeglasses, makikilala kaya ako sa skul ng dahil sa poster making contest na sinalihan ko at matutubos ko na kaya ang selpon ko sa sanglaan!?
ang daming tanong ano!? wala naman akong magagawa kasi hindi ko naman hawak ang panahon. maaaring pedeng may mang-yaring maganda pede ring may mangyaring hindi maganda.
hahaiii– marso magiging mabait ka kaya sa akin!? o wala ka ring sasantuhin!?
bahala na! kokkkkkkakkkkk
{ Pebrero 14, 2009 @ 10:26 hapon }
·
{ bobong palaka, isip-batang palaka, namamadaling palaka, reklamador na palaka }
{ Tags: blag, davao, palaka, stripes, work }
·
{ }
anak ng antuking palaka. hahaii. kainis talaga tung duty pag grave yard kasi kulang ka sa tulog pero kailangan mo pumasok sa trabaho. hahaii..
pa naman ako. wala naman akong magawa kasi kailangan kong pumasok, kasi kung hindi ako papasok. mahirap na baka mabigyan ako ng IR.
grrrr.. kainis…kokaaakkk
{ Enero 30, 2009 @ 4:29 umaga }
·
{ emosyonal na palaka, isip-batang palaka }
{ Tags: davao, hospital, love, mama, palaka, psychology }
·
{ }
dear mama, nanay, mommy, inay
alam kong mahaba ang naging laban mo sa buhay simula nung pinagbubuntis mo kaming limang magkakapatid. batid ko na mahirap ang maging ina sa limang makukulit na anak.
maraming araw ang lumipas na may unos, saya, galit at paghihinagpis sa ating daan. mahirap ang labanan sa buhay lalo pa’t bata pa kami. sa bawat oras na wala ka iyak ang tanging nagagawa ng akin mga mata.
natatandaan ko pa noon nung akoy isang musmus pa lang. lagi akong sumasama sa iyo kahit saan ka pumunta. may isang araw ngang hindi ako pumasok sa skul dahil hindi mo ako hinatid papuntang skul. kung pwepwede lamang ay lagi akong nasa tabi mo.
at ngayon sa iyong laban. nais ko sana’y ako’y iyong maging panangga sa crisis na iyong tinatamasa. alam kong dapat nasa tabi mo ako ngayon. pero hindi ko kayang makita kang nasa kama na may dekstrose at matamlay. nais ko sanang hawak lagi ang iyong kamay umaga hanggang gabi. nais ko sanang subu-an sa tuwing gusto mo ng kumain. gaya ng ginagawa mo nung ako naman ang may laban sa buhay.
habang dinadala sa operating room. nais ko sanang malaman mong nasa likod mo lang ako. pero hindi ko sinabi sayo kasi hindi ako mapakali at sa halip dali dali kong nilisan ang ospital para aliwin ang sarili ko.
mama, nanay, momy, inay at kung ano pa man. alam kong alam mo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko at sa aming lahat. alam kong kaya mo yan, at lalabanan mo ang pagsubok sa buhay. narito lang kami!
laking pasalamat ko sa panginoon diyos at ikaw ang naging ilaw ng aming tahanan. wala man tayong kayamanan pero saksi ang lahat kung gaano tayo kayaman sa pagmamahal para sa isa’t -isa.
love you ma!
aja! kaya mo yan!
tanging anak mo,
rebeldeng palaka
« Mga nakaraang lahok