Iimbak para saistriktong palaka
{ Setyembre 26, 2009 @ 12:15 hapon }
·
{ bobong palaka, emosyonal na palaka, istriktong palaka, mapanuring palaka, reklamador na palaka }
{ Tags: burger, computer, davao, fashion, food, jologs, kid, malboro, prangka, samsung, sweet }
·
{ }
Maraming ayaw sa akin. Galit. Naiinis. Kinamumuhian. Well ! wala naman akong magagawa kung di nila ako gusto. Maraming bagay sa mundo na sadyang hindi nagkakatugma. Bagay na dapat tanggapin ng bawat indibidwal sa lupa. Gaya nang, bakit isasama mo ang pikon sa palabiro. Ang nagdadiet sa halimaw kumain. Bobo sa matalino. Konserbatibo sa liberal. Yan ang mga bagay na iniiwasan ko. Natatakot ako na baka sakaling hindi tutugma ang tono ng utak ko sa nota ng kinakausap ko. Lalo pa’t mahilig akong manggago. PRANGKA ! OGAG ! JOLOGSS ! ako yan !
May iba na gusto ako, laging kasama. Masaya sila kung nasa scene ako ng pelikula ng buhay nila. Ako naman Best Supporting Comedian ang drama ko. ( ang gulo ano comedian tapos drama) Masaya naman ang lolo nyo na kahit papano may nakaka-appreciate sa akin. Gaya ng sabi ko may mga bagay na hindi magkatugma. May iba gusto ako. Meron naming iba na sinusumpa na ang beauty ko. (TANG- INA NYO)
Hindi ko nga alam at ang tanging kinatatakutan ko, kung sakaling sa mga araw ba ng lamay ko, kung sakaling matapos ko na ang misyon ko dito sa mundo. (kung meron man akong misyon) May pupunta kaya sa burol ko at iiyak hanggang sa maubos ang lahat ng tubig sa katawan nya at hanggang sa madehydrate na lang sya. O, baka may magseset-up sa labas mismo ng burol ng sampung malalaking speaker, disco light, house music, at may darating ng DJ mula pa sa Hard Rock café at habang may ng bebenta ng ticket sa labas, paulit- ulit naman sinisigaw ang “LET’S CELEBRATE, HE IS GONE”.
Dyan mo lang naman malalaman kung marami bang nagmamahal sayo. Dahil matapos ang limang-araw na burol, bibilangin mo kung ilang container ng biskits ang naubos, ilang 3 in 1 ang nagamit at kung malaki ba ang kinita ng tong mula sa naglalaro ng madjong, tong-its, sabong, 1,2,3 pass, poker, paintball, piko, patintero, jackstone, jolens, bahay-bahayan at kung anik anik pa. Dito mo rin malalaman kung marami ang tumatangkilik sayo, kung marami ang pumirma sa scrapbook mo, kung saan ilalagay ang pangalan na bumisita sabay hulog ng abuloy. Animo’y scrapbook ng kung sino ang susunod na hihiga sa malamig na kabaong. So! Suggestion kung lang kung sakaling maisipan nyong dumaan sa kaibigan o kapitbahay na kakamatay lang, mas magaganda at mas nanaisin kung dumalaw sa huling araw na, para mas matagal ang schedule mo sa kabaong dahil for sure marami na ang nauna sayo at may nakareserve pa bale dalawang kabaong.
Balik tayo sa mga taong galit sa mundo pagkasama ako. Hindi mo naman kasi masisi ang mga taong insecure at hindi rin naman kasi ako manhid para hindi ko maramdaman kung may HG (Hidden GALIT) ang taong kinakausap ko. Natural, ako naman nagtratransform sa PLASTIC mode, para kunwari abot langit ang saya ko dahil kausap ko sila. Dalawa lang naman ang mukha ng piso, ULO o BUNTOT. Kung buntot sayo talo ka, kung ulo akin panalo ako. Ito lang yun eh ! KUNG HINDI MO AKO GUSTO, KAHIT ANONG MANGYARI MAS LALO HINDI KITA GUSTO! Gets mo!?
{ Mayo 8, 2009 @ 5:47 umaga }
·
{ istriktong palaka, konserbatibong palaka, opinyonadong palaka, reklamador na palaka }
{ Tags: bading, callcenter, computer, food, gutom, meal stud, moody, pritong manok, supervisor, wats, work }
·
{ }
tang-ina! nakakainis talaga tong mga supervisor minsan. para namang hindi sila naging AGENT noong una. kung maka-asta eh parang ang galing galing na. wala akong magawa jan. mas malaking ranggo ibig sabihin mas malaking ULO.
kanina habang nagdadial ako — dahil na nga sa ako’y isang callboy at trabaho ko ang kuma-usap ng mga puti sa telepono. nakasanayan ko na ang late kumain MINSAN pero hindi sa ngayon. kahit papano nakakapagod at NAKAKAGUTOM talaga ang ganitong trabaho. alas singko palang ng umaga hanggang alas onse-trenta kang magsasalita, makikipagpilitan sa mga kanong tanga, makikipag-away at makikipagPLASTIKAN!? sino ba ang hindi mapapagod jan!? ha!? at sino ang hindi magugutom jan!?
alas otso-trenta na ng umaga, kaunti nalang ang natira sa terminal namin dahil nagmemeal break na ang lahat, habang ako bumubula pa ang bibig sa kakabasa ng survey at kakatanong sa mga bobong kanong kaka-aktivate o kaka-upgrade lang ng T-M selphone nila. lumapit sa akin ang supervisor ko sabi ” AUGUS in 30 minutes do a lot of completes, ok?”. dahil na rin sa maliit ang productivity rate ko at nandidilim na ang paningin ko sa gutom hindi na ako nagdalawang isip na tanungin ang supervisor ko na may halong pelosopo faktor “AM I NOT GOING TO EAT YET”, sabay sabi ng quality assurance supervisor ko ng “YEAh IT WAS LIKE HE WAS TELLING THAT HE IS HUNGRY —— “. akalain mo yung sinabi nya na “ME TOO IM HUNGRY”. hungry sa mukha nya wala naman syang ginawa kundi ang maglakad na may kembot sa pwet (BADING KASI), tapos sasabihin nyang “me too”.
buti nalang pinakain nya na ako. napansin siguro nya na parang hindi na maganda ang takbo ng pananalita ko. wahahaha. pero may inis pa rin ako sayo bading ka!
minsan kasi dapat kayo nga supervisor maging mabuti kayo minsan. isipin nyo na minsan nyo ring napagdaan ang ganitong trabaho. dapat alam nyo kung ano ang pakiramdam ng mga kalamay nyo. makibagay kayo. hindi ko nilalahat pero meron talagang iba ng lumulubo ang ulo. porket nanjan na kayo. hahaii.. kaya ikaw umayos ka sa buhay mo!!
grrrrr! KOKAAAAAAKKKKKK
{ Pebrero 20, 2009 @ 8:18 umaga }
·
{ emosyonal na palaka, istriktong palaka, mapanuring palaka, matalinong palaka }
{ Tags: computer, davao, palaka, psychology, school, work }
·
{ }
tinanggap ko ng maluwang ang sulat na mula sa HR. Memorandum kung tawagin ng naunang tumanggap ng sulat.
isa ito sa mga ayaw ng mga kasamahan ko sa trabaho na makita at mahawakan. mahirap na kasi kung makatanggap ka ng sulat na yun. kasi naglalaman yun ng mga katagang “records have shown that you were not able to meet the Company standards and expectations as a probationary employee within the observation period”.
masakit pero dapat mong tanggapin ang katotohanan na dalawa lang ang pede mong kahahantungan ang GUMISING KINABUKASAN para magtrabaho o MATULOG buong araw kasi wala ng trabahong naghihintay sayo.
maaga akong pumunta sa school kanina kasi akala ko may mapasok kami. dahil nagkataon na wala rin akong pasok sa umaga. dali-dali akong nagtungo sa isang internet cafe at gumawa ng “explanation letter”. habang gumagawa ako ng sulat na naglalaman ng mga salitang posibleng magpapabalik sa aking trabaho. hati ang utak ko una kung kaya ko kaya ang hearing at pangalawa talagang ito na ang wakas ng trabaho ko.
productivity rate. quality assurance. working attitude.
yan ang tatlong bagay na pilit kong sinasabi sa kanila na dapat nilang basehan sa sinasabi nilang company standards. bakit kamo kasi hindi gagana ang isa kung wala ang isa at natural balewala rin kung magaling ang isang agent kung marami naman syang pagkakasala sa kompanya.
9:30 am– hearing ko na!
kabado pero masaya. kabado dahil hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang pagsubok na to. masaya dahil sa wakas boses ko ang maririnig nila.
ito ang point ko :
“productivity rate, QA and working attitude must go together coz every factor depends on each other. as an call center agent. it doesn’t matter if you hit the PR but still you don’t have the quality of call every time you dial– its still useless. even though you don’t have problems with PR and QA but definitely if you have that the working attitude problems like you have a lots of AWON and offenses — its still useless. even if you have good grades when it comes to QA and you don’t have problems with your working attitudes but you don’t hit the PRODUCTIVITY rate– its still useless”
sabi nila may point ako. napag-usapan din sa hearing ang overall package ng isang AGENT. kako ” every day is a learning process and every person is subject to change. definitely you can’t have that package right away. we do have lapses and since people are subject to change definitely we can change things for the better when it comes to those three things”
nanginginig ang tuhod ko. tuyo ang lalamunan. magulo ang isipan.
wala ako sa sarili kung baga. mahirap kasi hindi ko alam kung natamaan sila sa mga sagot ko. kaharap ko ang mga tao na nagpapatakbo ng kompanya mga taong nagpapasahod sa amin. matapos ang mahabang pag-uusap namin. pinalabas muna ako.
blangko ang isip ko. walang laman. handa na sa mga kamay ko para sa huling kaway na maari kong ibigay sa mga kasamahan ko. ayokong umiyak. kasi alam kong malakas ako. hindi ako dapat kaawaan. alam kung marami ang naghahangad ng pagkalugmok ko. pero isa lang ang alam ko. marunong akong lumaban.
tinawag na ako galing sa labas. hudyat ng huli. at sa huling tanong nila sa aking kung bakit daw hindi ako dapat matanggal ito ang sagot ko sa kanila.
“well practically saying since these is a job. W_____W__ helps me a lot. i was able to send myself to school because of w__. i was able to have the things that i wanted. i was able to help my family. even though i am a student starting 1:00 pm until in the evening i still see to it that i have the energy to report to work the next day. even though—coz my doctor always tells me not to look for a job that is call center because like what miss ____ said i have something with my heart and it is a stress related something i still pursue my dreams on working from the moment i receive a call from W___ telling me that i will be having my training…..”
matapos ang pagpapaliwanag. natahimik ang kwarto. nakayuko ako. ayokong marinig ang sagot.
“sad to say augus, YOU NEED TO REPORT TO WORK, you passed”
hahaiiii..KOkakk!! ang saya ko.
{ Pebrero 6, 2009 @ 1:30 hapon }
·
{ bobong palaka, istriktong palaka, matalinong palaka, opinyonadong palaka, reklamador na palaka }
{ Tags: davao, exam, mcdonalds, palaka, spc, zoology }
·
{ }
marami ang hindi biniyayaan ng magandang pakner sa buhay. may minamalas at may sineswerte. marami ang nahahantong sa awayan, sisihan at bilangan ng kung ano-ano.
mahirap lalo na kung wala kang choice kundi makisama sa pakner mo, para sa ikabubuti ng lahat. dahil kung hindi ka makikisabay sa pakner mong walang silbi sa PROJECT nyong ipapasa na kinabukasan. sigurado akong bagsak ang kahahantungan nyo pareho.
10 signs of a bad partner:
1. pag siya na mismo ang pumili sayo kahit alam mong may iba kang pinili dahil alam mong maganda ang kakalabasan ng projek nyo kung type mo ang partner mo.
2. pag sa una sya ang nagdadala at umaangkin ng lahat ng dadalhin para sa kekelanganin para sa projek nyo.
3. pagnamimili ng gagawin, lalo pag on-da-spot ang project na gagawin nyo. kesyo ito lang sa kanya dahil hindi raw sya marunong gumawa.
4. pagsisingilin ka na sa lahat ng ginastos nya kahit sa una ay sinabi nya na,na sya na lang ang bahala sa lahat ng bibilhin. dahil tumpak lahat ng gagawin ay i-aasa na lang sa iyo.
5. pag pinadala na lahat ng bagay na dapat i-uwi sayo dahil may procedure na gagawin sa bahay. natural wala syang dadalhin ay wala syang gagawin sa gabi kundi matulog na lang ng maaga.
6. pagtinitext ka na kung ano na ang nangyayari sa project mo, na para bang among nagfofollow-up sa trabahong pinagawa sa yo.
7. kinabukasan pagdala mo projek nyo at nakita nya ang ginawa mo, tatanungin ka ng “ANO TO!? ITO NA PROJECT NATIN”. so ikaw natameme dahil sya na nga ang walang ginawa sya pa ang galit.
8. kung kailangan may bibilhin ulit, sasabihin nyang “SIGE AKO NA LANG ANG BIBILI” at napag-usapan nyong itetext ka na lang nya para kunin mo ang naturang materyals.
9. nang tinext mo sya kung saan mo pwede kukunin ang project ehhh — wala kang reply na natanggap at ikaw ay problemado na dahil mahaba-haba pa ang kailangang gawin sa project nyo.
10. nagreply makalipas ang isang araw at ang sabi “HINDI PA AKO NAKABILI, IKAW NA LANG BILI HINDI KO KASI ALAM ANG LUGAR AT WALA AKONG TYM” at dahil may malasakit ka sa project nyong binansagang pair projek ikaw na lang ang bumili at tumapos sa projek nyong dalawa. at ipapasa mong pareho kayo ng grade kahit alam mong wala syang masyadong ginawa.
mahirap ang mabuhay nang mag-isa pero mas mahirap siguro ang gumawa ng projek na para sa dalawa kung alam mong ikaw lang ang gumawa. lalo na kung nakaparehas mo ang taong hindi mo inaasahang magpapabagsak ng GRADES MO..
kokkkkkakkkk
{ Pebrero 4, 2009 @ 2:37 hapon }
·
{ bobong palaka, istriktong palaka, konserbatibong palaka }
{ Tags: blag, blog, davao, dreams, love, mcdonalds, palaka, spc }
·
{ }
minsan iniisip ko na kabilang ako sa kapisanan ng “walang syota mula pag-kabata”. mahirap lalo na sa mga panahon na ang pinag-uusapan ay LOVE. lintik lang ang walang ganti.
nakakainis. nakakapanghinayang. NAKAKATORPE.
maraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon wala akong syota. isa lang naman ang sinasagot ko “e sa walang dumating ehh”. mapipilit ko ba silang magustuhan ako. hahaii.
may mga pagkakataong may nararamdaman na akong iba sa mga kaibigan kong babae. nagseselos kung may kasama silang iba. naiinis kung hindi sila makita. nahihibang kung nakaka-usap sila. pero hanggan doon lang yun. wala na akong magawa.
nauutal. nabubulol. lumilipad.
anak nga naman ng torpeng palaka. mi kahit sell pon number di ko maitanong. hindi rin naman siguro ako kapangitan para hindi magustuhan. hindi rin naman siguro basag ang mukha ko para kamuhian. may isang pagkakataon na may gustong-gusto akong babae. ideal girl ko talaga. may brace, mahaba ang buhok, chinita at puti. pero wala hanggang tingin na lang ako. at sa tuwing nakikita ko sya animo’y nagbibilang ako ng bituin sa langit na para bang wala ako sa sarili.
pero hanggang doon na lang yun. nasa kalij na ako pero wala pa ring nangyayari. eto umuuwi na hawak ang bag. pumupunta sa mall na kasama ang animo at natutulog na nag-gogood night sa sarili.
torpe na kung sa torpe. wala tayong magawa. pinanganak akong torpe.
at nang mainlove ako na isang torpe —- TORPE pa rin!
{ Enero 9, 2009 @ 6:48 umaga }
·
{ istriktong palaka, mapanuring palaka, mayamang palaka, reklamador na palaka, tehkhing palaka }
{ Tags: blag, cellphone, customer, davao, office, palaka, samsung }
·
{ }
wan-yir-waranti ang kalakip ng pagbili ko sa bagong samsung selpon. ang saya kasi katas yun ng mga PUTANG-INA, paninigaw, at lahat-lahat na ng mga below-da-belt na salita ng mga kano.
so, ang saya kasi may bago na akong selpon at pinaghirapan ko pa talaga. disyembre 20, 2008 ng binili ko ang pon. eksplayn galor yung retailer para lang makuha ang loob ko. so ako naman kuha agad, napabilib at binili ang nasabing pon. tinanong ko ang babae sa store kung may mangyaring hindi inasahan sa pon, saan ba dadalhin at ilang araw bago ko makuha ulit ang pon. ang sabi sa akin 3 araw lang daw, at pupunta lang daw ako sa office ng samsung banda malapit sa GS gaisano. SOLB!
dumating na ika-pangsampung araw na ginagamit ko ang pon. disyembre 30 yun ng biglang nagloko ang pon. kung ii-on ko yung pon, nagrereset lang lagi di na umaabot sa screen saver.
ANO to? LOKO HAN!? dahil na rin sa christmas vacation at sunod sunod na holidays. na-ireport ko ang pon sa CUSTOMER SATISFACTORY OFFICE, enero tres taong 2009 nah.
BLAH! BLAH! BLAH!
“ilang araw ba bepor ko makuha ulit ang pon miss!?” tanong ko. “mga tre days sir, kung hindi available ang pyesa dito sa atin, magrerekwes pa kasi sa maynila ng bagong pyesa” sabi ng babae sa opis. CHOX! tatlong araw. ok na yun. tatawagan lang daw ako umano kung ok na at kung pede ng kunin ang selpon sa opis.
ang tanong!? anong petsa na!? january 9, 2009, hindi pa ako nakakatanggap ng tawag. so pinuntahan ko yun opis mismo. nagtanong at nagpalow up kung anong kaguluhan ang nangyayari sa pon ko. ang sabi “WALA PA SER KASI NAGORDER PA NG PYESA SA MAYNILA, BY NEXT WEEK PA SIGURO MAKUHA ANG PON MO SER. HINTAY KA NALANG NG TAWAG SER. TATAWAGAN KA NALANG NAMIN KUNG OK NA.” tugon na bating pambungad sa akin ng babae.
wow galing naman ng tre days na pinaasa nila sa akin. mukhang magiging tre weeks. ok lang naman sa akin kung matatagalan kung sinabi nila sakin nung una. hindi yung pina-asa nila ako ng tre days at okey na ang lahat. kaya ang masasabi ko lang!
“Tang-inang CUSTOMER satisfactory OFFICE”
{ Disyembre 16, 2008 @ 7:30 umaga }
·
{ istriktong palaka, mapanuring palaka, matalinong palaka, rebeldeng palaka, reklamador na palaka }
{ Tags: bag, burger, food, galit, mall, mcdonalds, moody, mundo, palaka, wats }
·
{ }
Hindi ko alam. Ang dami kong iniisip. Maraming gumulo sa isipan ko. Hindi ko masabi. Hindi ko masulat. Hindi ko alam kung ano ang gagawin!
- galit ako sa sarili ko
- galit ako kung bakit ganito ako
- galit ako kung bakit minsan nag-iiba ang takbo ng isip ko
- galit ako dahil moody ako
- galit ako sa mall na maraming tao
- galit ako sa mga taong nasa paligid ko
- galit ako sa masikip
- galit ako sa maingay
- galit ako sa mayayaman
- galit ako sa mahihirap
- galit ako sa pera
- galit ako kay ninoy sa 500
- galit ako dahil hindi ko mabili ang gusto kung bilhin
- galit ako dahil maraming tao ang nakakabili sa bagay na gusto
- galit ako sa mga bagong cellphone
- galit ako sa sigarilyo dahil di ko makalimutan
- galit ako sa paaralan
- galit ako dahil kailangan ko pang mag-aral
- galit ako dahil kailangan kong mag-aral
- galit ako dahil malapit na ang pasko
- galit ako dahil wala akong maibigay sa pamilya ko sa pasko
- galit ako dahil wala na ang mga kaibigan ko sa trabaho
- galit ako sa trabaho ko
- galit ako kasi kailangan kong pumasok ng ala una ng madaling araw
- galit ako sa kompanyang pinapasukan ko
- galit ako sa boss ko sa trabaho
- galit ako sa mga kano na kinakausap ko araw-araw
- galit ako sa mundo
- galit ako sa taong galit sa akin
- galit ako sa sarili ko
- galit ako, galit ako, galit ako
GAAAAAAAALLLLLLIIIIIIIITTTTTT AKOO!!
{ Disyembre 16, 2008 @ 7:29 umaga }
·
{ istriktong palaka, mapanuring palaka, matalinong palaka, opinyonadong palaka, reklamador na palaka }
{ Tags: callcenter, davao, kanluran, money, palaka, terminated }
·
{ }
Sa umpisa’y masaya ang lahat. Atat at hindi mapaliwanag ng nakatanggap ng tawag mula sa kompanyang pinapangarap nila. Abot tenga ang tuwa, hindi mo maipaliwanag ang nararamdaman ng bawat tao.
Matapos ang isang linggong training. Opisyal na, na empleyado ang lahat ng pumasa sa nasabing training. Nung umpisa’y alas kwarto trenta ng madaling araw hanggang alas onse ng umaga ang trabaho. Nakakabitin konti sa may magagandang panaginip. Pero dahil sa excited ang lahat, SOLB!.
Anim na oras ang trabaho. Hindi na masama. Hindi na rin mabigat. Tumatanggap ka naman humigit kumulang sampung libo na sahod sa isang buwan, idagdag mo pa ang libreng pagkain na paulit-ulit lang ang kinakain mo araw-araw (kung araw-arawin mo ang manok posibleng lilipad kana matapos ang isang buwan, tutubuan ka ng papak ng sisiw)
Trabaho mo!? Kumausap ka ng mga kanong minsan maisip mo na mas BOBO pala sila. Magtatanong ka ng mga bagay na wala namang kinalaman sayo bilang isang pinoy. Pero ok lang pera na rin yun. Masasabihan ka ng “FUCKIN BULLSHIT, IDIOT, STUPID” at marami pang iba. Ok lang yun! milya naman ang layo namin.
Tumatakbo ang araw, dumadami ang nagkakaroon ng trabaho. Marami ang tumatanggap ng sahod. Marami na rin ang nababastos ng mga kano. Solb parin! Choks lang yun! Pera na rin yun!
Subalit, datapwat, ngunit nag-iba ang ikot ng mundo. Nag-iba ang ihip ng hangin. Nag-iba ang lasa ng tubig.
Mapait. Tabang. Napakaasim.
Kung gaano kabilis ang pagdami ng tao sa kompanya ganun din kabilis na nawala ang ibang empleyado matapos ang kakaganap na eleksyon sa ESTADOS UNIDOS. Ano ang nangyari!?
Maraming haka-haka. Maraming tanong. Marami ang blangko ang isip. Naguguluhan. Nagtataka. BLANGKO!
Gamitan nga ba ang nangyari!? Ginamit nga lang ba talaga ng kompanya ang ibang empleyado?! Tahimik ako. Walang kibo. Galit pero hindi maka-imik. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganun ang nangyayari. Tinatanggal ang empleyado na hindi umaabot sa PR o “productivity rate”. Kung ano yan!? Hindi ko alam.
Alam kong may hindi tamang nangyayari sa kompanya. Alam kung hindi tama ang daan na tinatahak ng kompanya. Bumulyak ang bulkan. Napuno na ang balde. Umaapaw na ang tubig sa dram. Hindi pwedeng hindi ako kumilos. Hindi pwedeng wala akong gagawin. Pati ang mga malalapit sa akin na kasamahan ko sa trabaho ay natanggal. Hindi na pwedeng magpatuloy. Hindi na pwedeng magsaya lalo na sa buwan ng PASKO.
Ang sakit. Ang hapdi. Ang sama. Bakit hindi na lang pwedeng hintayin ang ika-anim na buwan para tuldukan kung pumasa ba sa anim na buwang pagiging probi. Bakit kailangang pang magtanggal ng tao gayong lahat naman may karapatang magkaroon ng pangalawang pagkakataon.
Ang dating ngiti sa bawat mukha ay napalitan ng galit na may halong lungkot. Animo’y payasong pinapaligaya ang sarili.
Sa tuwing may nakikita akong bagong nag-aaply sa kompanyang pinapasukan ko. Iisa nalang ang nasasabi ko sarili. HAHAY! MAY BAGONG BIKTIMA NA NAMAN ANG KOMPANYA.
Ngayon kung magtatanong ka kung saan ang daan patungo sa kompanyang ito. Subukan mong dumaan sa KANLURANG ANO. Yung ano nga! Yung ano—– yung ewan ko!?
{ Disyembre 16, 2008 @ 7:24 umaga }
·
{ istriktong palaka, namamadaling palaka, reklamador na palaka }
{ Tags: blog, computer, dreams, gabi, palaka, tulog }
·
{ }
anak ng rebeldeng palaka!! kokak ng kokak, hindi ako makatulog. hindi ko alam kung bakit!? hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon ayoko ko pang lumapit sa kama.hahai..
kung ayaw mong matulog, magpatulog ka naman. At kung saan ka man LINTIK na antok ka — nawa’y dalawin mo na ako.
kokak! kokak! kokak!