Posts from the ‘mayabang na palaka’ Category

ANG AMBISYOSONG AMPON NG MAYNILA

Ambisyoso ako! kebs! pake-alam nyo?!

pasado alas syete na nung lumapag ang eroplanong sinasakyan ko papuntang maynila. mag-isa,walang kasama at walang kausap. bitbit ang tatlong bagaheng puno ng damit ko at ang tanong na kung “ano kaya ang naghihintay sa’kin dito sa maynila? naiinis ako kasi nais ko sanang masaya ang magiging biyahe ko pero nakakabingi ang katahimikan sa naging mundo ko sa eroplano. grrrrrr!!

magbebente dos na ako ngayong agosto. lahat ng barkada ko, graduate na, ako nalang ata ang hindi pa. nakakalungkot mang isipin, hindi ko naman kasi pedeng pilitin ang magulang ko na tuma-e ng pera para sa pag-aaral ko.

nagdesisyon akong dito sa maynila manirahan at tapusin ang pag-aaral ko. nung una’y hindi ganap na suportado ng pamilya sa kadahilanang mahal ang pamumuhay dito. pero kalaunan ng sinabi ko ang dahilan kung bakit ayaw ko sa davao mag-aral ay naintindihan naman nila at sinuportahan naman nila ang naging desisyon ko na dumito na muna at tapusin ang naudlot kong pag-aaral

habang nasa himpapawid ako, naka-seatbelt, malamig, naka-upo  at tahimik. ang utak ko naman ay walang pangundangang nagtatanong kung ano ang aabutan ko sa maynila. ayoko nga sagutin pero sinasagot naman ng isipan ko. TURBULENCE! TURBULENCE! sa tuwing inaanounce na nakakaranas umano kami ng turbulens, napapalingon ako sa labas. nakikita ko ang mga ulap na animo’y bulak sa kalangitan. ang sarap hawakan ng mga ito, sabay tanong “‘kasing ganda kaya ng mga ulap sa langit ang magiging buhay ko sa manila!?” buntong-hininga!

habang nagbabasa ako ng libro ni bob ong na “bakit baliktad magbasa ang pinoy?” hindi ko mapigilan ang mapahinto. iniisip kung bakit ako nagdesisyon na pumarito. iniisip ko kung bakit kailangan ko pang pumunta ng manila para mag-aral. kung bakit di nalang sa davao ko tapusin ang college ko. bakit nga ba!? hindi ko rin alam. dahil ang alam ko sa panahong nagdesisyon ako. nasa manila ang pag-asa ko. nandito ang pangarap ko. ito ang magiging daan ko sa tagumpay at hawak-hawak ko yan lagi. takot kasi akong mawala ang mga ito sa kamay ko.  ang dami kong pangarap sa buhay na minsan di ko nararating dahil sarado kung buhay sa probinsya. ganun pa man ang laki ng pasasalamat ko sa lupang nilakihan ko dahil dun ako natutong tumayo sa sarili kong paa. doon ako natuto kung ano ang tunay na laban ng buhay. doon ako naging tao, nagkamalay at tumayo na may dignidad at sariling desisyon.

nung sinabi na nasa manila na kami, ako’y namangha sa aking nakita bagamat madilim na pero parang constellation of stars ang mga ilaw na nakikita ko mula sa eroplano. sabay tanong nanaman sa sariliko ng “kasing dami kaya ng ilaw na to ang magiging swerte ko sa manila!? alam ko ang sagot sa mga tanong ko, maari at maaring hindi.

walang nakaka-alam kung ano ang magiging buhay ko dito. pero iisa lang naman ang alam ko. may magagawa ako para mapabuti ang takbo ng buhay ko dito.

nung nalaman ng ibang tao na may posibleng pumunta ako ng manila at mag-aral, halo-halo ang naging guhit ng mukha nila. may ibang, napa-angat  ang kilay, may ibang walang reaksyon, meron namang masaya sa naging desisyon ko. ramdam ko ang bawat reply ng tao sa kin. pero kasi iisa lang naman ang tunay na estado ng buhay mapa-manila o probinsya man. mahirap sa mahirap kung di ka kikilos mas lalong hihirap. kung di ka hahakbang natural mananatili ka lang dyan at higit sa lahat kung ambisyoso man ako sa naging desisyon ko, eto lang yun “LAHAT NG UMASENSO NAGSIMULA SA PAGIGING AMBISYOSO, NAGSIKAP AT HINARAP ANG PAGSUBOK” kaya isa lang ako sa mga taong nag-aambisyon at mananatiling ambisyoso hanggang ganap ko nang hawak ang gusto ko.

ngayon nandito na ako, nawa’y matanggap ako ng manila at bansagang “ANG AMBISYOSONG AMPON NG MAYNILA”

pelikulang T2 — depressing!

PSSST! PSSSSTT!

hindi natin mapagkakaila na lahat ng tao bukang bibig ang pelikulang T2 ng award winning aktres na si Maricel Soriano.  sa mga teasers pa lang na pinapalabas sa mga advertisements, talagang mamamangha ka sa taglay na ganda ng pelikula.  kaya nga teasers diba!? kasi yun, yung pinakamagandang parte ng pelikula, kahit hindi naman. pero ganyan tayong mga pinoy madaling mabola.

ayokong maging bastos at napakamapanuring manonood. pero iisa lang ang masasabi ko sa T2 “hindi maganda”.

excited kaming lahat na manood ng nasabing pelikula. pagkatapos ng trabaho. nag-usap-usap kami na manood ng T2, dahil na rin sa akalang maganda ito edi go narin ako at nanood narin ako kasi makahorror din naman ang type ng movies ko. gaya ng sabi ng golden rule “ang pagsisi ay laging nasa huli”. marami akong hindi inaasahan sa pelikula. hindi ko inaasahan na ganun pala ang pagkagawa ng T2.

SETTINGS: sinong mag-aakala na ang mundo pala ng mga engkanto eh para rin palang new york city o mas maganda pa. pero ang tanging makakagiba ng naturang mundo ay ASIN. ano daw yun?! T2 ang pangalan ng tenement kung saan kukunin ang batang si angeline. isang lumang building na parang apartment sa sobrang daming kwarto.

GRAPHICS: sa tuwing lumalabas na ang parte ng pelikulang ginagamitan na ng grapiks. hindi ko talaga makaya ang hind masabi ang salitang JOKE. mula sa mga baboy na tumawid sa isang daan na humarang sa isang bus. napakacomputerize. may isa ring parte ang pelikula kung saan may parang spider man doon, na biglang humaba ang dila, naging baboy at naging manananggal. GRAPIKS?? korny. as in napaka corny. may isa pa! akalain mo yung parte na laging cinocomercial sa TV yung parte na napakaraming daga. korny din ang grapiks doon, at tanging ilaw lang ng lampara ni TETSIE AGBAYANI ang makakapatay sa mga computerize na daga.

STORY: ang kwento ay umiikot sa isang batang kalahating engkanto at tao. kukunin sya ng kanyang ina bago sumapit ang ikasiyam na kaarawan ng bata. kaya T2 ang title kasi sa gusaling T2 gagawin ang pagsundo sa bata at kaya laging may “PSSST” kasi yun, yung palatandaan na may sumusundo na sa kanila.

kung titingnan mo ng maayos delakidad ang mga artista. pero aanhin mo naman ang artista kung hindi ka kuntento sa pelikula. hindi naman siguro ang artista ang dahilan kung bakit kami nanood — ang storya ang dahilan. hindi rin naman siguro kami tanga para sabihing maganda at nakakatakot ang pelikula kung alam kong hindi naman talaga maganda at nakakatawa ang ibang parte ng show.

pasensya  kung sobrang mapanuri ako. pinapractice ko lang FREEDOM OF SPEECH ko. well sa lahat ng gusto ng manood ng T2 good luck nalang. iba iba kasi tayo ng taste.

“HOW LIKELY AM I TO RECOMMEND THE MOVIE? from zero – ten”

three!

pag ako na ang DUMAAN

gwapong-gwapo. swabeng-swabe. panay tingin sa salamin. head turner sa skul. yan ang ilang katangian ng mga feeling gwapo.  yung tipong pinag-uusapan sa paaralan. kung may mga search laging kasali sa listahan. bagay na lahat ng babae pinagkakaguluhan.

“WAHHHHHH ang GWAPO MO TALAGA”

hindi ko sinasabi na ako yan. hindi ko rin sinasabi na nasa akin lahat ng mga katangian na nasabi ko sa itaas. hindi naman ako gwapo. hindi rin naman ko gaanong kilala. hindi rin naman ako sumasali sa mga search-search na yan. LOW PROFILE lang ako.

pero hindi ko alam kung bakit may mga tao sa skul na kahit papano tumintingin sa akin pag ako na ang dumadaan sa pathway. hindi ko alam? may mga taong tumitingin sa akin kung mag-isa lang ako sa kantin. hindi ko rin alam? isa lang ang alam ko LOW PROFILE ako. isang hamak na transferee na walang ibang alam kundi ang pumasok sa skul.

kinakabahan pag may exam.

natatakot pag may quiz.

nagdadala ng libro kung kailangan.

sinusuot ang puting polo at kocky pants sabay ang ID.

simple lang naman akong tao. wala masyadong ka-ek-e-kan sa katawan. natural na natural sa akin. irregular student na iba’t ibang kurso ang kaklase. yun lang naman ang buhay ko mula lunes hanggang biyernes. sa skul na maliit. sa skul na maraming tao. sa skul na masikip.

pero bakit sa tuwing dumadaan ako —- napapalingon silang lahat sabay sabi ng

“ANG KYUT NG BAG NIYA —– CHINCHAN!”

1_264227860l

asian fashion 2009 sa pinas

ano ba ang bagay na fashion sa iyo?

palagi mo bang tinatanong yan sa sarili mo!? kasi sa tuwing may gimik kayo ng barkada mo, ehh pabalik balik na lang ang sinusuot mo. alam mong magaling kang magdala ng damit, pero hindi mo alam kung ano ang babagay sayong damit.

try mo lang to! baka sakaling makatulong.

ea1b1cd0c994c0_fullkanais-nais naman pala kung malaking bag ang dadalhin ng mga lalaki. nasa pagdala lang yan. in pa rin ang long sleeves. at ang cap — dagdag points yan. oppsss skinny for boys? opkors pasok sa listahan at tandaan white fits all gaya ng bagong bili mong puting sapatos.

948d69ba8c8880_full

ang old school na glasses wag na wag kalimutan lalo na kung asset mo ang mga mata mo. idagdag mo pa ang scarf na parang nagmamadali mo lang pagkalagay at ang makukulay mong FINGER nails–SOLB!

dc7596a393cd90_full

kapag may araw wag kalimutan ang shades. rayban shades, wid beeg lenses na animo’y bubuyog ang drama mo ay patok na fashion. isama mo na ang sweatshirt na hapit na hapit na parang nang-aakit at nagsasabing GUSTO MONG TUMIKIM!?

089b4059ee5ed0_full

d818c1d2ce3510_full

kung pag-uusapan ang buhok talagang nakakabighani ang may mahaba tapos kulot sa bandang ilalim. ipartner mo pa ang hoodie na parang extra-extra-extra large ang size kaysa size mo na may kulay na evang-eva. tsak, head turner ka na!

sinong may sabi na loas na ang bonnet!? hindi pa ano. long sleeves parin na may stripes design ang in sa madla. simple pero rock. ang kargo pants with cockey color nafloflow kahit anong style mo. tugeder wid your white trendy shoes — GO!GO!GO!

para sa mga chikas jan, laging tandaan mas naaatrack kami sa may malinis na aura.  gaya ng 4b97413e802fc0_fullputing inner na damit tapos light na bolero, tapos kung may maputi kayong thighs at legs ehh ipakita nyo na. pero tandaan wag naman yun nagmumukha na kayong bastusin. SKINNY jeans?? in parin. tama wag kalimutan an dagling earings ha— happy na SOLB pa!

yan ang mga nasagap kong fashion sa ngayon. gaya ko na fashionistong palaka, lagi kong iniisip ang bagay na komportable ako. kung sa tingin kong masaya at ok ako sa suot ko, ehh dun ako.

NASA PAGDADALA LANG YAN! kokkkkkakkkkkk!!!

isang-daang hirap – isang milyong PAGSISI

abot tenga ang ngiti ko ng natanggap ako sa call center na pinapasukan ko ngayon.  naaalala ko pa, naglilinis ako sa bahay nun, pawis at walang suot na t-shirt, mukhang boy talaga ang dating ng biglang nagring ang telepono kong tatlong taon na sa serbisyo at animo’y sinasabihan na ako ng “SIR, WALA KA BANG BALAK NA HANAPAN NA AKO NG KARELIBO?”

“helo is this augus rian bajenting?” sabi sa kabiling linya. ako naman dali-daling sumagot na napahawak sa ilong kasi baka tumulo ang dugo. ITO NA NGA! englisan na to.  ang hinihintay kong tawag na hudyat na muli kong pagbangon at muli nilang pagkalubog (DRAMA).

isa na ako ngayong call center agent. pero hindi lang basta-bastang call center agent kasi “more than just a call center” ang pinapasukan namin. so! madaling sabi “more than just a call center agent” din kami– ambisyoso.

well hindi jan ang sentro ng kwentong ito.. hahaha

sa unang sweldo ko, hindi nino man mapantayan ang ligaya na aking nadarama. unang sweldo ko yun. pinaghirapan, pinagpasiwasan, pinagpaguran, pinag-gisingan ng maaga at pinag-MUMURA ng mga kano. tumatawag lang naman kami sa ESTADOS UNIDOS para tanungin ang mga bobong mga puti ng kung ano-ano.  isang kumplit na survey at kapalit ng itatagal mo sa trabaho. lalo na, na lahat kami eh PROBI pa.

at dahil sa trabahong ito, ang dami kong nalaman sa buhay lalo na kung pera ang pag-uusapan. NAPAKAHIRAP makamit ng limang libo at higit pero napakadaling mawala. labing-limang araw na kulang sa tulog, puyat at takot sa tubig kapag madaling araw ang duty  mo. idagdag mo pa ang HINDI MAKAING pagmumura ng mga alagad ni OBAMA. hahaiiii!! OUCH it hurts. pero ang limang-libong pinaghirap ko sa loob ng labing-limang araw ay pwedeng mawala sa limang minuto o segundo.

ang saya ko ng nakabili ako ng imi na chuck taylor na nagkakahalaga ng 380. mga bagong damit na ukay-ukay isang nagkakahalaga ng singko at 70 na checkered na polo. meron ding bagong brief na carter at suporter narin. meron din akong nabili na tatlong ukay-ukay ng HOODIES dalawang nagkakahalaga ng 100 at isang 130. napag-aral ko ang sarili ko. nabigyan ko kahit papano ang pamilya ko ng kunting balato. at higit sa lahat na tupad na ang pangarap ng selpon kung tatlong taon sa serbisyo, nakabili na ako ng deKAMERANG selpon (minsan kung nafeature dito ang pon ko na yun).

hindi ko mapagkakailang pera na pala talaga ang nagpapagalaw ng mundo. lalo na ngayong ako ang gumagastos sa pag-aaral ko. minsan kahit may NINOY ako sa pitaka, ang sakit sa puso ang kumain ng lunch. pero kalusugan ang puhunan ko dito, kaya kailangan kong bumayad. kahit nga sa jip ” pwede bang libre na lang, ang dami ko pang kulang sa skul ehh” pero alam kung hindi dahil yung na lang din ang pinagkukunan nila ng paggastos.

hahaiiii—ang hirap pala ng walang pera at dahil sa wala kang pera mahirap din pala paghawak mo na ang payslip mo. budget dito budget doon. di mo na alam kung saan na punta ang pera mo.

doon mo nalang napagtanto, na nagastos mo na pala  sa walang kwentang bagay, isang daang HIRAP kapalit ng isang milyong PAGSISI.

kokak. kokak? KOKAK!!!

“MAY nagmahal lang kasi ng SOBRA!”

897400311lhabang naghihintay sa titser namin sa ZOO lab, bigla naming napag-usapan ng magkakagrupo ang topic na pag-ibig. bagay na kahit noon pa man ay iniiwasan ko. hindi ko alam kung bakit? pero laging may sinasabi ang isipan ko na ‘wag kang makisali sa usapang iyan. pero sa pagkakataong ito, nilabanan ko ang utos ng utak ko. nakisali at nakisalamuha ako sa usapang matagal ko ng hindi sinasalihan.

nagsimula ang lahat ng tinanong ako ng kaklase kong babae kung talaga bang madaling na-eenganyo ang mga lalaki sa mga babaeng may malaking hinaharap. sinagot ko sya ng deretsahan— OO. pero sinabi ko sa kanila ,para sa akin kasi iba ang papanaw ng lalaking may gf na at sa wala kung ang pag-uusapan ay tungkol sa mga bagay na yan. natural kung single ang tatanungin mo may posibilidad na sasabihin nilang malaking puntos ang  may malaking hinaharap. pero sa mga taong minsang pinalad at nawasi sa pag-ibig. hindi na sila tumitingin sa pisikal na anyo ng babae — UGALI ang importante, ka’ ko’.

hanggang umabot ang usapan tungkol sa nakaraan ko. maluwang ko kwinento sa kanila kung ano ang nangyari sa una at sa huli kong naging gelpren.

nagpang-abot ang aming landas sa san fernando, la union. unang tagpo at unang usap at unang sulyapan ng mata (KORNY). galing sya sa iloilo, bokalista, gitarista at drummer sa kanilang banda. mala-anghel talaga ang boses at natural na natural ang gandang pinay sa kanya.

matapos ang seminar sa san fernando, la union at nagsi-uwian na ang lahat ng partisipante ng naturang pag-titipon. hindi ko inakala na mas lalong patitigasin ng layo namin sa isa’t isa ang aming pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan.

naging kami sa loob ng tatlong buwan. tatlong buwan na tanging selpon ang nag-uugnay sa aming mga pusong, hindi mapakali sa tuwing lumilipas ang panahon na hindi kami magkasama.

agosto 8 , 2006 ng naging kami. masaya ang lahat.  lalo na kami. dahil alam ko na sya ang unang nagpatibok sa puso kong bato, gayon naman sa kanya. mahirap sa mahirap at masakit sa masakit sa tuwing nakakakita ako ng magsyota sa paligid na parang nilalanggam ang kaswitan sa isa’t isa. pero wala akong magawa pinasok ko ang ganitong relasyon, hahawakan ko ito sa ganitong posisyon — LONG DISTANCE RELATIONSHIP.

lumipas ang buwan, linggo, araw, oras, minuto at segundo. unti-unti ko ring nararamdaman na  mahirap ng ganitong sitwasyon. gusto ko ng bumitaw pero hindi ko kayang sabihin sa kanya. masakit pero wala akong magawa, may pangangailangan din ako bilang lalaki — (HINDI YANG INIISIP NYO HA) kailangan ko ng syotang nasa tabi ko, nahahawakan ko, at nayayakap ko. pero pano yan malayo sa katotohan ang pinapangarap ko.

pangatlong buwan na. buwan ng walang kasiguruhan. bumitiw ako. may luhang nasayang pero kahit papano may pusong natutu sa mga nangyari. agosto 24, napakarami kong ginawa. kaliwa’t kanan ang inaasikaso ko. NAPAKADAMI. sa sobrang dami nakalimutan ko syang batiin sa araw ng kanyang DEBUT. ang laki kong tanga, sa lahat ng pwede kong kalimutan yun pa. alam kong kasalanan ko. pero tao lang ako. agosto 25, sumunod na araw. bumitiw na ako sa lubid. hindi ko na kaya. kapal ng mukha ko ano, ako pa ang nakipaghiwalay sa kanya. GANYAN talaga!

lumipas ang mga araw na nagtetext kaming dalawa bilang magkaibigan. text na parang walang nag-uuganay na kahapon sa aming  dalawa. hanggang may isang pagkakataong , nag-usap kami sa text.

“mustah? musta na ang iloilo matapos ang bagyo?!” sabi ko

sabi nya “ok lang pero ang daming dapat ayusin sa iloilo”

pabiro kung sabi “dito ka na kasi sa davao”,

 “nge ano ang gawin ko jan!?wala ang pamilya ko jan!”

“edi gawa tayo ng pamilya, hehe problema ba yun.”

“haha, hindi na pede!”

“anong hindi na pwede, so u min taken ka na ngayon?”

“huo, MAY NAGMAHAL LANG KASI NG SOBRA”

MAY NAGMAHAL LANG KASI NG SOBRA— linyang tumapos sa pag-uusap na nangyari. ano ang ibig nyang sabihin sa binitawan nya? anong gusto nyang ipadama sa akin? anong gusto nyang sabihin?

na noong naging kami HINDI KO SYA MINAHAL NG SOBRA!?

KOKAKKKKKKKKK!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.