new-logo1Ilang oras nalang at malapit na akong mag-paalam sa isa sa mga bagay na hinding-hindi ko maiwan-iwan noon pa man. Maraming tao ang nagtatanong kung bakit ako nagtatagal sa bagay na to! Bakit kamo masyadong deboted sa bagay na to’, kahit alam ko daw sa simula’t sapul wala naman akong makukuha o kaya’y di naman ako sinesweldohan dito. Iisa lang naman ang sagot ko sa kanila! PAKI-ALAM nila, eh sa masaya ako sa “Red Cross” eh.

Nagsimula akong maging miyembro ng organisasyong ito mula noong ako nasa elementary pa lamang. Hanggang sa magkolehiyo at kahit nong hindi ako nag-aaral nasa red cross na ako. Para isang bagay na hindi pwe-pwedeng hindi ko mapuntahan sa isang araw. ADIK na kung ADIK! Animo’y karugtong na ng buhay ko ang pagiging isang boluntir.

Taong dalawang libo ‘t anim ng nahalal ako bilang isa sa mga opisyal ng RED CROSS youth department bilang isang auditor. Mas malaking responsibilidad at mas malaking mundong ginagalawan. Kami yung gumagawa, nagdedesisyon at nag-oorganize ng mga aktibiti para sa mga miyembro ng nasabing organisasyon sa buong Lungsod ng Dabaw. Mahirap sa mahirap at nakakapagod sa nakakapagod ang trabaho bilang isang opisyales ngunit masaya at polpiling. Hindi basta-bastang bagay ang hinahawakan mo. Iniidolo at tinitingala ka ng mga miyembro. Lalo pa’t naging instraktor ako ng BASIC LEADERSHIP TRAINING.

Hehehe! Nakakatawa ang maging instraktor. Minsan ang tinuturuan ko mas matanda sa akin. Sir, kuya, po, opo at lahat na ng nagpapasakit sa balakang at likod ko tinatawag sa akin.

Pero ngayong gabi, habang ginagawa ko tong blag na to’. Iisa ang tumatakbo sa isipan ko. Ano kaya ang kahahantungan ng RCY kung baguhan lahat ang maging opisyales. Gusto kung tumakbo na hindi, gusto kung maglingkod ulit sa RCY para sa susunod na dalawang taon, pero merong tumutulak sa akin papalayo.

Kokaaaaak!! Kainis pero ok lang. Mabuti na yung kahit papano may naibahagi na ako sa organisasyon maliit man o malaki.

Sa lahat ng tatakbo at magiging bagong LIDER ng RCY kongrats in advance! Kita kits sa 13th Davao City Red Cross Youth Congress.