Kung walang kutsara wala ring tinidor. Es-Op-Pi na yan, na laging magkasama ang dalawa sa hirap at ginhawa. Bagay na hindi mo maikukubli na kahit anong mangyari, gumuho man ang mundo, umulan man ng ginto o kaya maglindol ng entensiti 200, hindi kumpleto ang kusina kung wala ang tinidor.tinidor

“Kaya pala nauubos ang tinidor sa bahay!” hiyaw ng nanay ko matapos niya akong makita na may kinukulikot na tinidor sa kusina. “Isa lang naman” aking tugon.

Una kong nakita ang ganitong desinyo sa kaklase ko sa ADDU, at lagi ko syang pinipilit na gawan nya ako kahit isa. Ehh! gusto nya akin ang tinidor panu yan wala naman akong tinidor na laging dala. Ilang araw at buwan ang lumipas, naisipan kong gayahin ang istilo ng kaklase ko. Kumuha ako ng isang tinidor sa kusina (yung medyo hindi matigas, para hindi mahirap kulikutin) at doon ko inilabas ang lahat ng sama ko sa mundo—tinidor.

Matapos ang ilang minuto, natapos na rin ang ina-asam kung BRACELET na tinidor. Ano ang panama ng mga silver nyong bracelet na kamahal-mahal sa tinidor kong kahit kailan hindi kinalawang. Kahit anong okasyon pede, chox, solb olrayt pa sa approb! mapapormal, semi-pormal, casual, gimik, wala lang, kahit nga gawing fansi—pedeng pede! solb!

Naaalala ko tuloy sa tuwing sumasakay ako sa jip, at nakasanayan ko na kasing humawak sa hawakan dahil lagi akong natutulog sa jip habang papauwi. Minsan, napansin ko na ang sama naman ng tingin na lalaki sa harap ko. Iba ang tingin, parang galit na hindi, hindi ko ma-espel. EWAN!! Yun!pala sa tinidor nakatitig ang mama, minsan may iba ngumingiti nalang sabay kausap sa tabi tungkol sa tinidiro na nakita.

Siguro ang naglalaro sa isipan nila “TINIDOR, TINIDOR pano ka kaya ginawa!?”