Maraming bagay ang nangyari sa taong 2008.   May maganda at meron rin namang hindi kagandahan. Maraming bagay ang dapat ipagpatuloy sa 2009 at meron rin namang ibaon na lang sa limot sa madilim na kahapon ng taong 2008.

Hindi mawawala ang pagdaan ng maraming bagyo sa pinas na sumira ng milyon-milyong ari-arian at buhay. Tumaas ang mga bilihin at ang gasolina na nagresulta ng sunod-sunod na welga ng mga tsuper. Sino ang hindi nainis at natakot sa karumaldumal na nangyari sa MV Princess of the Star. Ilang buhay ang binawi Niya. Sa mundo ng showbis marami ang nalungkot ng tuluyang binawian ng buhay si Daboy, at isa sa mga batang aktor na Marky Cielo na proud maging isang igorot.

Parte ng buhay ang malas. Ikanga may dalawang karma ang tao, ang bad karma at ang Good karma. KAW? anong meron ka!?

Pero kahit ganun pa man, meron rin namang mga bagay na dapat nating ikasaya. Isa na dito ang pagtalo ng PACMAN sa mexicanong boksingerong si — (ewan di ko kilala). Kaninong balahibo ang hindi tatayo sa tuwing nakikita nating nagtatanghal si Charice kasama ang mga puting mang-aawit.

Bilang isang Pinoy maraming bagay ang alam nating proud tayo. Mahirap man sabihin dahil na rin sa mga bagay na nangyayari sa ating bansa. Minsan tayo tayo rin ang nagpupurihan at minsa naman tayo-tayo rin ang nagsisiraan.

Walang ibang magiging masaya at malungkot sa pagiging pinoy kundi tayong mga pinoy. Nawa’y sa pagbungad ng taong OKS maraming pagbabago ang mangyari sa bansa ni JUAN DELA CRUZ. pinoy. Nawa’y sa pagbungad ng taong OKS maraming pagbabago ang mangyari sa bansa ni JUAN DELA CRUZ.