“okey class, get one porth” ——- “MA’AM ONE PORTH1_462365411l???”

naglalakad akong mag-isa, nang di mapakali at gulong-gulo ang isipan ko. tila yata’y naghahanap ng YOSI ang bibig ko. galing ako sa isang mall. sa loob pa lang ng nasabing mall ehhh hinahanap na talaga ng katawan ko ang usok ng sigarilyo.

OOYYYY saktong may nakita akong maliit na stall ni manong sa labas. sabi ko “lights nga ho!” sabay abot ng bayad kong dalawang piso. inabot na manong ang yosi at lighter. nang paghigop ko sa unang usok, itinuro ni manong bendor ang sign sa likod. “NO SMOKING WITHIN 100 METERS FROM THE HOSPITAL” . sabi ko bakit?? ehh di na ako nagtanong. bago ko makalimutan ang harapan pala ng stall ni manong ay ospistal. naghanap ako ng magandang pwesto na di naman masyadong malapit sa ospital. ngunit sa di kalayuan may nakita akong BUWAYA (traffic enforser ata! di sure) SOLB! may hawak na sigarilyo!?

ANO TO!? lokohan!? pabawal-bawal pa tapos si TITO na dapat halimbawa ehh na mismo ang naninigarilyo sa harap ng ospital. TOINKZ!

no id-no entry; barya lang sa umaga; bawal umihi dito; ‘wag itapon ang inyong basura dito; exit only; no smoking at marami pang iba.

galing ako sa mcdonalds noon sa bandang airport ng CEBU pasipik ng maynila. ewan ko? ano tawag mo sa lugar na yun! kasi bumili ako ng pagkain ko habang maghihintay sa playt ko pauwing dabaw. nung papunta sa mcdo sumakay ako ng jeep, pero pabalik sa erport nilakad ko nalang kasi malapit lang pala.

talagang iba ang maynila sa dabaw. akalain mong kakahawak mo pa lang sa bakal ng pinto ng jeep, agad na tong tatakbo. (DARE DEVIL ATA ANG DRIVER) well!? wala akong magawa.

habang naglalakad na ako pabalik sa airport. JAKPOT! akalain mo yung hindi lang pala talaga sa palabas nakikita ang mga abusadong ALAGAD UMANO ng batas. kitang-kita ko sa aking mga mata kung pano pinahulog ng BUWAYA ang tumataginting na salapi, kabayaran ng lisensya ng driver. PERPEKTO DOLOR! yan ang dignidad ng batas pinoy, NABIBILI!

gaya na lang ng simpleng bawal magtapon ng basura dito! pero naging sandalan na ng karatula ang mga basura para ito tumayo. may malaking nakalagay sa loob ng jip BARYA LANG SA UMAGA pero babayad ka parin ng isang daan. ANO DAW yun!?

minsan iniisip ko tanga ba tayong pinoy o sadyang di lang marunong sumunod sa mga dapat sundin. hindi ko naman lubusang sinabi na lahat. pero hindi mo rin mawawala yan sa mga tanong mo sa sarili. karamihan naman siguro sa atin marunong magbasa. PERO BAKIT?

ewan ko kung dapat ba tayong magsaya dahil kikalala tayo sa ibang bansa hindi dahil sa pagiging kakaiba kundi karamihan sa kanila kilala tayo dahil tayo daw ay NAT-PALOWING-ENSTRAKSYON pipol.

sensya na sa nataman. iisa lang ibig sabihin kung tumaas ang kilay mo sa entry na to. TRUT HARTS!!