A diyes ng disyembre.

Maaga akong gumising. Alas tres palang ng madaling araw dilat ang dalawa kong mga mata. Pilit niyayaya ang antok kung katawan na labanan ang lamig ng tubig na naghihintay sakin sa banyo. Pilit kong binubuka ang mga mata ko. Pilit inuunat ang buo kung katawan. Pilit nilalakad ang daan patungo sa mahiwagang kahon ng tubig ang — BANYO!

Handang-handa na akong pumasok sa trabaho. Handa na lahat, pati ang pangbungad kung bati sa mga kasamahan kong tatlong araw ko ring hindi nakita.

Antok. Pagod. Tinatamad.

Pero dapat kung labanan ang tatlong yan (pera ang nakasalalay tuwing gimigising ako ng alas-tres).

Suot ang puting t-shirt na hapit na hapit sa katawan ko. Medyo fit wear kasi nagmumukha akong hanger pag medium at large. Partner ng pantalong animo’y faded skinny na di ko alam kung skinny ba, at gamit ang itim na chuck taylor na high cut ng kuya. Excited akong pumasok ulit sa trabaho mula sa tatlong araw na leave.

Nagpaalam na ako sa ate ko na maaga ding gumising para mag-aral. Masaya na parang hindi ang mood ko. Pero ok lang!

OFFICE na ako — handa sa I.d. at doon ng pagswipe-in mo laking taka ko ng ang nakalagay ay no SCHEDULE available. Tumira ng pangalawang swipe ganun parin. Hmmmp! I smell something fishy. Ayun tanong agad sa SUP — “miss no schedule available” tanong ko.

Pinuntahan ko ang bulletin board ng group namin. At dun nanlaki ang aking mga mata ng nakita ko ang pangalan kong may ekis sa adiyes ng Disyembre. Ibig sabihin wala akong trabaho sa araw na yun.

Inis. Natutuwa. Nagtataka.

Hahay! Day-off ko pala!