kaklase ngden torpeng palaka naman oh!

naglalakad akong mag-isa sa gaisano  mall. PAGOD. BATONG-BATO.  WALANG KAUSAP.

minsan kasi umaandar ang pagiging loner ko. mas gugustuhin ko pa ang mag-isa kaysa may kasama. hindi ko rin alam kung bakit mas gusto ko minsan ang mapag-isa.

sa gitna ng aking pagiging beetir. nakita ko ang dating kung kaklase sa ADDU. chinita, puti, mahaba ang buhok at dating may bakal sa ipin. IDEAL girl ko talaga sya dati. lumipat rin kasi sya ng paaralan at nagshift na rin ng kurso. nasa iisang kolehiyo na kami.

tinanong ko sya kung sino kasama nya at saan sya pupunta. sabi nya wala raw sayng kasama at naghahanap lang daw sya ng masusuot sa WASH DAY. di komukupas maganda parin. hahai! kung ito naging gelpren ko. EWAN ko talaga. sinamahan ko sya at naglibot-libot kami sa mall.

USAP. LAKAD. TAWA. USAP. TINGIN.

ang dami ko pa namang kaklase na nasa mall din. ang iba napapatingin sabay tanong sa isip. GELPREN nya kayo yun. HAW-AY-WES!

iba ang pakiramdam ng may kasama kang magandang babae. at alam mong hindi sya sayo. hanggang pangarap nalang. gusto ko sanang hingi-in ang number nya, kabig ng dibdib tulak ng bibig. hindi ko masabi ang ANO NUMBER MO!? nauutal ako. nabubulol. nauubo.

alam kung may bukas pa at alam kong may panahon pa naman na magkikita kaming uli. pero kailangan ang tamang araw. kainis!! sinubukan ko, pero ayaw paring lumabas ng ANO ANG NUMBER MO!? hanggang sinabi nya “sige una na ako ha, nan dyan na kasi papa ko, sinusundo na ako”

tang-ina! nakawala! hahai, por sure! matatagalan bago ko makuha number nya. kaya ang masasabi ko.

walang nagagawa ang mga PARU-PARU sa dibdib. MR. TORPE — AKTIBAYTED!