sa bawat sulok ng silid-aralan ng paaralan may ilang inosenteng muwang ang unti-unting nahuhubog, natututo, at nararagdagan ng kaalaman. kahon na pinagkulungan ng singkwentang utak o higit pa, upang matutong bumasa at magsulat. karamay ang isang guro na matiyagang nagsasalita buong magdamag upang maipamahagi lamang ang minsan din nyang natutunan sa kahon ng kaalaman.

at sa paglipas ng panahon. hinay-hinay nating nabibigyang kulay kung bakit kinakailangan nating pumunta, umupo, makinig at matuto. kung bakit kinakailangan nating pumunta sa skul ng anim na taon sa elementarya, apat sa highschool, at apat naman sa kolehiyo at bago lubusang makawala sa kahon ng kaalaman ng sa ganun ay handa na tayong lumaban sa totoong mundo ng buhay na tanging bitbit mo ay ang mga bala, mula sa mundo ng paaralan.

lagi tayong pinapaalahanan ng ating mga magulang na mag-aral ng mabuti. sapagkat ito nalang umano ang tanging maipapamana nila sa atin. tanging yaman at dahilan umano para makahanap ng maganda at kaaya-ayang trabaho.

TRABAHO KAMO!?

kung mamarapatin, dapat mamartsa na rin ako ngayong marso. bagay na hinahangad ng bawat mag-aaral. ang makapagsuot ng toga,  mamartsa sa karpet na pula at tatanggap ng diploma. tatlong bagay na ang ibig sabihin at tapos na sa kalbaryo sa mundo ng pag-aaral. wala ng SUPRISE QIUZZES, NAKAKABWESIT NA ASSIGNMENT SA MINOR SUBJECT, NAKAKADIRING ROLE PLAYING, NAKAKATAKOT NA TITSER, BADBREATH MONG SEATMATE, PROFESSOR MONG MAY PUTOK, NAKAKAIYAK NA TUITION FEE INCREASE at NAKAKABUANG NA LONG QUIZ, PRELIM, MIDTERM, PRE-FINAL AT FINAL EXAM. ilan lang sa mga bagay na kinasasaya mo kung tapos ka na sa pag-aaral. MALAYA SA BUHAY ESTUDYANTE!

gaya ng karamihan nangangarap din akong gumaduate. sino ba ang hindi? at sa edad kong dalawampu’t isa nasa 1st year pa rin ako at irregular pa talaga. lagi kong tinatanong ang sarili ko, “KUNG GAGRADUATE AKO, SAAN KAYA AKO PUPULUTIN?!” mahirap ang buhay estudyante ngunit mas mahirap ang pagdadaanan pag hindi na suot ang school uniform at school id. natatakot akong humarap sa katotohanang trabaho ang dahilan kung bakit gumugol tayo ng labing apat (14) na taon sa pag-aaral at gumastos ng humigit kumulang isang milyon para lang makapagtapos. ngunit ang mas malaking tanong ngayon, “MAY TRABAHO PA BANG NAGHIHINTAY SA ATIN?!”.

maaring diskarte ang labanan sa paghahanap ng trabaho kung kaya nga minsan ang gumagraduate ng ENGINEERING ay nag-aayos nalang ng sirang elektrik fan at refrigirator, ACCOUNTANCY nagiging cashier sa mga mall, ARCHITECT minsan karpintero, MASSCOM nagiging announcer sa mall or di kaya’y sales lady at dahil na rin sa lumulubong NURSING population ang iba ginagawang preparatory ang BSN para maging CUSTOMER SERVICE REPRESENTATIVE o di kaya’y TECHNICAL SUPPORT at tawaging CALL CENTER AGENT.

habang naghahanap ako ng trabaho sa CLASIFIED ADS para sa kapatid kong NURSING ASSISTANT graduat. napatanong ako sa sarili, “AKALA KO BA KULANG ANG TRABAHO SA PINAS?!” bakit ang daming naghahanap ng mga aplikante. may naghahanap ng messenger, janitor, massuer, cashier, clerk, at marami pang iba. meron din naghahanap ng aplikante para sa ibang bansa. ang dami talaga! pero lahat ba ng naghahanap ng trabaho, kwalified sa trabahong gusto nila!? at ang mas mapanamang tanong ngayon, papayag ka bang magtrabaho sa ganun kung alam mong REGISTERED NURSE ka, LISENSYADONG teacher ka, CPA passer at pasok sa top 10 sa BOARD EXAM. malamang at NATURAL HINDI!

subalit iba dito sa bayan ni JUAN, iba ang basehan sa pangangaply ng trabho. MAGANDA pasok, 4 years GRADUATE pasok, MAY BACKER pasok at lalu na kung mahaba ang pangala mo gaya ng JUAN DELA CRUZ, Rn, Md, Phd isali mo na rin ang A B C hanggang Z siguradong pasok ka sa trabaho.

pero lahat ba ng tumatanggap ng papel sa marso CONGRATS ang laman? o baka pag-asang walang katiyakan dahil hindi lahat ng may ilaw ay lagusan ang iba PINTO SA MUNDO NG WALANG KASIGURUHAN —- DIPLOMA!