marami ang natuwa sa bago kung pinapasukan na paaralan ng nalaman nilang lumipat na ako. marami rin namang nagsitaasang kilay at napatanong kung bakit ako nandun. hindi ko naman  inaasahan na gugustuhin nila ako sa paglipat ko ng paaralan.

yun ang binigay, yun ang tatanggapin ko.

marami akong nagustuhan at marami rin akong hindi gusto. pero alam kung wala akong magagawa kundi tanggapin kung ano nasa harap ko. siguro na rin dahil masanay ako sa dati kung pinapasukang kolehiyo—ADDU.  nag-isang taon din ako dun. isang taon kung saan lahat ay malaya. pwede ang mahabang buhok sa lalaki, may tatoo, may peirce at kahit magmukhang bahaghari ang buhok mo dahil sa sobrang daming kulay.

ako ang nagdesisyon kung saan at ano ang bagong daan na aking tatahakin. alam kung NAGPADALOS -DALOS ako pero wala na akong magawa. ika nga “the damage has been done”. nasa iisang paaralan nalang kami ng aking kapatid na babae na kumukuha na MED TECH. ako naman, dahil nga sa walang prenong sasakyan ng buhay ko, bigla kong naisipan na lumipat sa mundo ng PSYCHOLOGY. malayo sa dati at isa sa pangarap kung kurso ang— MASCOM.

alam kung  walang ibang dapat sisihin kundi ako. ako na may utak na magulo, kulot at kunot.  minsan habang nakikinig ako sa aking guro, palaging lumilipad ang utak ko. iniisip ko na sana ay nung una pa lang ay nagFINE ARTS na ako. ang unang kursong lubos kung pinapangrap. maraming nagsasabi na ano ba ang nasa utak ko at bakit hindi ako mapakali sa iisang kurso at paaralan. animo’y bubuyog na hindi makontento sa iisang lugar.

dahil na rin sa LIBRO ni bob ong na “aba nakakabasa na pala ako!”. nagbago ang papanaw ko sa pag-aaral. bakit ko paparusahan ang sarili ko sa mundo ng kurso na ginusto ng utak ko pero higit na kalaban ng puso ko.

ngayon gulong- gulong ako kung ano na ba talaga ang kukunin ko sa susunod pasukan.  magulo. malikot. nakakainit ng ulo.

sa lahat ng nakabasa nito at kahit papano ah eh nakakarelate  —- IKAW!? ano kaya sa tingin mo!?