asl plz?

yan ang parating pangbungad ng mga taong adik sa chat. taong walang magawa na pati pagchachat ginagawa ng CAREER.

may chatter na taba pero “sexylad” ang pangalan. ang mga simpatiko nagiging “niceboi” bigla. meron ding mga taken na pero “singlehir” ang pang-akit na screen name. idagdag mo pa ang mga numerong animoy nanghyhypnotize ng mata. gaya ng “ladygurl17” or “hotboi22”, at sinong aayaw kay “kuya69”.

hindi ko naman sinasabi na hindi ako nagchachat dahil kapag bored ako yan din naman ang ginagawa ko.

sa ASL nagsisimula ang lahat. matapos makuha ang edad, kasarian, at lugar. tatanungin ka ng STAT? ano naman yan? it means statistics mo daw. ito kadalasan ang sagot sa tanong na yan 5’6″ , slim at  moreno. at kung tumpak type ka ng kachat mo susunod na yung “saan ka ngayon?” “ano gawa mo?”, “ctc? (CARE TO CHAT)” at “wud? (what you doing)”. lahat na ng tanong na pede pagsimulan ng magandang pag-uusapan.

at dahil sa ASL na to. may mga NBSB at NGSB (no girl/boyfriend since birth) ang siniswerte sa pag-ibig. meron din namang mga pinay ang nakakasungkit ng puti, itim, singkit, bata, matanda madaling mamatay.  dahil sa ASL na to, may mga pag-iibigan ring nawawasak. dahil matapos ang pagchachat ay nagiging magtextmate na. AYUN! huli ka!

pero may ibang chatter na may rules sa pagchachat. matapos ang ASL at STAT. bibirit pa yan ng FS? or pic? ikaw naman bigay agad. maya-maya umaasa kang iibigay nya rin ang sa kanya kasi sabi nya “you 1st i follow”. 1, 2, 3, after 48 years wala na. ‘di na sumagot. isa lang ibig sabihin nun. NEK NEK mo hindi kita type. at hanap ng bagong biktima si kuya at ateng SIMPATIKO!

sa mundo ng chat maraming nababago. ang pangit nagiging maganda. ang taba nagiging sexy. ang pandak nagiging matangkad. ang bading nagiging babae. may iba naghahanap ng plane chat lang, may naghahanap ng GF at BF, meron ding  textmate, sexmate, chatmate, kung pwede nga lang pati na classmate at school mate. dito sa mundo ng ASL may babaeng naghahanap ng babae rin. may lalaking naghahanap ng kapwa lalaki, naghahanap ng customer (kayo na bahala isip kung ano negosyo nya) at naghahanap ng makakasama panghabang-buhay.

ASL please!?

rebeldengpalaka: 21, male, davao

rebeldengpalaka: kaw ano ASL mo?