dear mama, nanay, mommy, inay

alam kong mahaba ang naging laban mo sa buhay simula nung pinagbubuntis mo kaming limang magkakapatid. batid ko na mahirap ang maging ina sa limang makukulit na anak.

maraming  araw ang lumipas  na may unos, saya, galit at paghihinagpis sa ating daan. mahirap ang labanan sa buhay lalo pa’t bata pa kami. sa bawat oras na wala ka iyak ang tanging nagagawa ng akin mga mata.

natatandaan ko pa noon nung akoy isang musmus pa lang. lagi akong sumasama sa iyo kahit saan ka pumunta. may isang araw ngang hindi ako pumasok sa skul dahil hindi mo ako hinatid papuntang skul. kung pwepwede lamang ay lagi akong nasa tabi mo.

at ngayon sa iyong laban. nais ko sana’y ako’y iyong maging panangga sa crisis na iyong tinatamasa. alam kong dapat nasa tabi mo ako ngayon. pero hindi ko kayang makita kang nasa kama na may dekstrose at matamlay. nais ko sanang hawak lagi ang iyong kamay umaga hanggang gabi. nais ko sanang subu-an sa tuwing gusto mo ng kumain. gaya ng ginagawa mo nung ako naman ang may laban sa buhay.

habang dinadala sa operating room. nais ko sanang malaman mong nasa likod mo lang ako. pero hindi ko sinabi sayo kasi hindi ako mapakali at sa halip dali dali kong nilisan ang ospital para aliwin ang sarili ko.

mama, nanay, momy, inay at kung ano pa man. alam kong alam mo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko at sa aming lahat. alam kong kaya mo yan, at lalabanan mo ang pagsubok sa buhay. narito lang kami!

laking pasalamat ko sa panginoon diyos at ikaw ang naging ilaw ng aming tahanan. wala  man tayong kayamanan pero saksi ang lahat kung gaano tayo kayaman sa pagmamahal para sa isa’t -isa.

love you ma!

aja! kaya mo yan!

tanging anak mo,

rebeldeng palaka