minsan iniisip ko na kabilang ako sa kapisanan ng “walang syota mula pag-kabata”. mahirap lalo na sa mga panahon na ang pinag-uusapan ay LOVE. lintik lang ang walang ganti.

nakakainis. nakakapanghinayang. NAKAKATORPE.

maraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon wala akong syota. isa lang naman ang sinasagot ko “e sa walang dumating ehh”. mapipilit ko ba silang magustuhan ako. hahaii.

may mga pagkakataong may nararamdaman na akong iba sa mga kaibigan kong babae. nagseselos kung may kasama silang iba. naiinis kung hindi sila makita. nahihibang kung nakaka-usap sila. pero hanggan doon lang yun. wala na akong magawa.

nauutal. nabubulol. lumilipad.

anak nga naman ng torpeng palaka. mi kahit sell pon number di ko maitanong. hindi rin naman siguro ako kapangitan para hindi magustuhan. hindi rin naman siguro basag ang mukha ko para kamuhian. may isang pagkakataon na may gustong-gusto akong babae. ideal girl ko talaga. may brace, mahaba ang buhok, chinita at puti. pero wala hanggang tingin na lang ako. at sa tuwing nakikita ko sya animo’y nagbibilang ako ng bituin sa langit na para bang wala ako sa sarili.

pero hanggang doon na lang yun. nasa kalij na ako pero wala pa ring nangyayari. eto umuuwi na hawak ang bag. pumupunta sa mall na kasama ang animo at natutulog na nag-gogood night sa sarili.

torpe na kung sa torpe. wala tayong magawa. pinanganak akong torpe.

at nang mainlove ako na isang torpe —- TORPE pa rin!