marami ang hindi biniyayaan ng magandang pakner sa buhay. may minamalas at may sineswerte. marami ang nahahantong sa awayan, sisihan at bilangan ng kung ano-ano.

mahirap lalo na kung wala kang choice kundi makisama sa pakner mo, para sa ikabubuti ng lahat. dahil kung hindi ka makikisabay sa pakner mong walang silbi sa PROJECT nyong ipapasa na kinabukasan. sigurado akong bagsak ang kahahantungan nyo pareho.

10 signs of a bad partner:

1. pag siya na mismo ang pumili sayo kahit alam mong may iba kang pinili dahil alam mong maganda ang kakalabasan ng projek nyo kung type mo ang partner mo.

2. pag sa una sya ang nagdadala at  umaangkin ng lahat ng dadalhin para sa kekelanganin para sa projek nyo.

3. pagnamimili ng gagawin, lalo pag on-da-spot ang project na gagawin nyo. kesyo ito lang sa kanya dahil hindi raw sya marunong gumawa.

4. pagsisingilin ka na sa lahat ng ginastos nya kahit sa una ay sinabi nya na,na sya na lang ang bahala sa lahat ng bibilhin. dahil tumpak lahat ng gagawin ay i-aasa na lang sa iyo.

5.  pag pinadala na lahat ng bagay na dapat i-uwi sayo dahil may procedure na gagawin sa bahay. natural wala syang dadalhin ay wala  syang gagawin sa gabi kundi matulog na lang ng maaga.

6. pagtinitext ka na kung ano na ang nangyayari sa project mo, na para bang among  nagfofollow-up sa trabahong pinagawa sa yo.

7. kinabukasan pagdala mo projek nyo at nakita nya ang ginawa mo, tatanungin ka ng “ANO TO!? ITO NA PROJECT NATIN”.  so ikaw natameme dahil sya na nga ang walang ginawa sya pa ang galit.

8. kung kailangan may bibilhin ulit, sasabihin nyang “SIGE AKO NA LANG ANG BIBILI” at napag-usapan nyong itetext ka na lang nya para kunin mo ang naturang materyals.

9. nang tinext mo sya kung saan mo pwede kukunin ang project ehhh — wala kang reply na natanggap at ikaw ay problemado na dahil mahaba-haba pa ang kailangang gawin sa project nyo.

10. nagreply makalipas ang isang araw at ang sabi “HINDI PA AKO NAKABILI, IKAW NA LANG BILI HINDI KO KASI ALAM ANG LUGAR AT WALA AKONG TYM” at dahil may malasakit ka sa project nyong binansagang pair projek ikaw na lang ang bumili at tumapos sa projek nyong dalawa. at ipapasa mong pareho kayo ng grade kahit alam mong wala syang masyadong ginawa.

mahirap ang mabuhay nang mag-isa pero mas mahirap siguro ang gumawa ng projek na para sa dalawa kung alam mong ikaw lang ang gumawa. lalo na kung nakaparehas mo ang taong hindi mo inaasahang magpapabagsak ng GRADES MO..

kokkkkkakkkk