anak nga naman ng dukhang palaka o!

minsan sa hirap ng buhay ngayon at sa dami ng dapat bilhin, bayaran, kunin at kung ano-ano. kahit ano nalang basta’t makaraos pinapasok natin.

alas dose na ng tanghali ng ako’y nagising kanina.  masarap at maimbing ang tulog ko. pero kahit papano hati ang utak ko kakaisip dahil exam days na namin. “buti nalang wala akong exam ngayon” kako sa sarili. buti kamo kasi hanggang ngayon hindi pa ako nakakabayad sa tuition fee kong 2,725.00 pesos only.

maliit kung tutuusin. pero dahil nga sa motto kong “kahit gaano ka mura yan, kung wala kang pera MAHAL parin yun”.

dali-dali akong tumayo at kumain. napaisip kung ano ang magandang gawin para makabayad ng tuition. mangutang ng pera o isasangla ko ang bago kung selpon. tinimbang ko ng maayos ang isipan ko at nanaig ang pagsangla sa samsung pon ko. masakit sa puso ko ang isanglang ang selpon kong ito. dahil kahit papano pinaghirapan ko itong kunin. pero kung sakaling masangla ko man ito, siguro may plano ang ITAAS kung bakit.

naglibot-libot ako sa may downtown area. nagbabakasaling may makitang pawnshop. una kong pinuntahan ang MONTE DE ORO, pero ang sabi di daw sila tumatanggap. pangawala ang CIVIC pawnshop. swerte! bunusisi ang pon. tiningnan. nagtanong. ang sabi kasi walang memory card at charger, 1200 lang ang tanggap nila. diyos ko kailangan ko ng 1800  tapos 1200 ang bigay nila. ako na ang umayaw. sa katabing pawnshop nakita ko si aleng LORILIE pawnshop. pagpakita ko palang sinalubong na ako ng malaking HINDI.

hahaiii. ang hirap pala maging callcenter agent tapos student at the same time. pero wala akong magawa. kailangan kong tumulong sa gastos at kahit papano malaking tulong sa pamilya ko ang pagpaparal ko sa sarili ko.

NO permit NO exam policy. maraming ayaw. maraming galit. marami kaming nahihirapan sa policy na yan. pero wala akong magawa kailangan kong sumunod.

ikangan ng kaibigan kong laging nagkakaroon ng sagot sa last minute of the time—shot lock. GOD WILL PROVIDE. sana nga hindi Sya magsasawang magprovide.

kokkkkkakkkk!! exam na?! matino ka pa ba!?