untitledmaaga akong gumising para magwidraw ng pera ko para pangbayad ng tuition fee. magpopromi lang kasi ako. 10:30  ng umaga ang una kong exam. dumating ako sa paaralan mga alas syete ng umaga.

kinakabahan. natutuwa. nalulungkot.

halo-halo ang nararamdaman ko habang naghihintay sa taong mag-aaprove ng promi ko. ang sabi ni manong guard 8:30am pa daw dadating si ma’am.  habang naghihintay, hindi ako mapakali. may halong kumpyansa at kaba ang nasa loob ng aking dibdib.

8:30 na—handa na ang promi ko at ang pera na kakawidraw ko lang. 1000 pesos. yan lang ang ipropromi ko. kabado. hmmmmm!?

tumataginting na hindi pede ang pangbungad na bati sa akin ni ma’am. kasama ang ate kong full support sa akin. napa-isip kaming dalawa kung saan kukuha ng 800. pede naman daw kung magpromi pero dapat 1800 hindi pepede ang 1000 lang.

1800?? PATAY! saan ako hahanap ng 800 humdred. hanggang naisipan ko ang pagsangla na lang talaga sa mahal kong selpon. huhuhu. iniisip ko, kung tatanggap ako ng sweldo sa bente solb na yun.

unang pawnshop — CIVIC. binusisi. binusisi. at binusisi ng mabuti ang selpon ko. hanggang sa nakita ang likuran at ang sabi hindi sila tumatanggap ng selpon kung nagalaw na ang sticker sa likuran.

nagmakaawa ako. “hindi pede”. nagmakaawa ulit. “hindi nga pede”

hanggang naalala ko ang isang pawnshop na nakita ko habang papunta pa ako ng skul. marami silang tinanggap. kulang na lang pati tao. sinubukan ko.

“GOLDWIN pawnshop accept almost all”

“tumatanggap ho ba kayo ng samsung na selpon?” tanong ko. kinahu ang pon. inabot sa puting kamay na nasa giliran. lumitaw ang lalaking kalbo. maputi. medyo instik.

tinanong ako “magkano bili mo nito?”

“five nine ninety ho.” sagot. binuksan ang drawer at may tiningnan na papel. maya-maya.

tinanong ako ulit, “magkano kailangan mo?”

sabi ko “one two, ok na!”

“ang liit ata?!” hirit nya.

hanggang biglang tumahimik ang eksena. kumuha ng papel at bolpen. pinapirma ako. biglang binigay ang selpon sa katabing lalaki. may isinulat sa papel ang mama.

nagsulat. nagsulat. nagsulat. (hmmmmmm!? ang tagal!)

pinapirma ako ulit. kumuha ng calculator ang mama. may sinolb sa calkyu.

pindot.sulat.pindot. sulat.tiklop. tiklop.tiklop ng papel.

ipinasok ang selpon sa plastic kasama ang papel na tiniklop at charger. sinelyuhan. kinuha ang isang papel na may pirma ko. isinepler nya ito sa plastic na naglalaman ng selpon ko.

binuksan ang drawer. humugot ng pera.

isa. dalawa.tatlo. ang tagal. ang tagal. nangangati na ang kamay ko.

inabot sa akin ang tumataginting na 1135 at ang pawn paper. yesssss!! nasa kamay ko na ang tuition ko.

nangnapansin ko na nawawala ang promisory note sa mga kamay ko. bumalik ako sa daan kung saan ako nagtatakbo.

takbo. hingal. takbo. hingal.

pinuntahan ko ang unang pawnshop. at doon nakita kong matamlay na nasa sahig ang promisory note. “sabi ko na nga ba,nandito ka!”

kinuha ko at dali-daling sumakay ng jip papuntang skul. nagtungo sa accounting office. hinanap ang babae. “ayun si ma’am”. pumayag si ma’am pinirmahan.

nabayad.inabot ang pera. inabot ang resibo. pumunta sa kabilang window.inabot ang resibo, letter at id ——– tahimik. shhhhhhhh!

INABOT SA AKIN ANG PERMIT!! yessssss.. makaka-exam na ako..

lesson learned: so oras ng KAGIPITAN. PAWNSHOP ang maaasahan. koookakkk

Advertisements