tinanggap ko ng maluwang ang sulat na mula sa HR. Memorandum kung tawagin ng naunang tumanggap ng sulat.

isa ito sa mga ayaw ng mga kasamahan ko sa trabaho na makita at mahawakan. mahirap na kasi kung makatanggap ka ng sulat na yun. kasi naglalaman yun ng mga katagang “records have shown that you were not able to meet the Company standards and expectations as a probationary employee within the observation period”.

masakit pero dapat mong tanggapin ang katotohanan na dalawa lang ang pede mong kahahantungan ang GUMISING KINABUKASAN para magtrabaho o MATULOG buong araw kasi wala ng trabahong naghihintay sayo.

maaga akong pumunta sa school kanina kasi akala ko may mapasok kami. dahil nagkataon na wala rin akong pasok sa umaga. dali-dali akong nagtungo sa isang internet cafe at gumawa ng “explanation letter”. habang gumagawa ako ng sulat na naglalaman ng mga salitang posibleng magpapabalik sa aking trabaho. hati ang utak ko una kung kaya ko kaya ang hearing at pangalawa talagang ito na ang wakas ng trabaho ko.

productivity rate. quality assurance. working attitude.

yan ang tatlong bagay na pilit kong sinasabi sa kanila na dapat nilang basehan sa sinasabi nilang company standards. bakit kamo kasi hindi gagana ang isa kung wala ang isa at natural  balewala rin kung magaling ang isang agent kung marami naman syang pagkakasala sa kompanya.

9:30 am– hearing ko na!

kabado pero masaya. kabado dahil hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang pagsubok na to. masaya dahil sa wakas boses ko ang maririnig nila.

ito ang point ko :

“productivity rate, QA and working attitude must go together coz every factor depends on each other. as an call center agent. it doesn’t matter if you hit the PR but still you don’t have the quality of call every time you dial– its still useless. even though you don’t have problems with PR and QA but definitely if you have that the working attitude problems like you have a lots of AWON and offenses — its still useless.  even if you have good grades when it comes to QA and you don’t have problems with your working attitudes but you don’t hit the PRODUCTIVITY rate– its still useless”

sabi nila may point ako. napag-usapan din sa hearing ang overall package ng isang AGENT. kako ” every day is a learning process and every person is subject to change. definitely you can’t have that package right away. we do have lapses and since people are subject to change definitely we can change things for the better when it comes to those three things”

nanginginig ang tuhod ko.  tuyo ang lalamunan. magulo ang isipan.

wala ako sa sarili kung baga. mahirap kasi hindi ko alam kung natamaan sila sa mga sagot ko. kaharap ko ang mga tao na nagpapatakbo ng kompanya mga taong nagpapasahod sa amin. matapos ang mahabang pag-uusap namin. pinalabas muna ako.

blangko ang isip ko. walang laman. handa na sa mga kamay ko para sa huling kaway na maari kong ibigay sa mga kasamahan ko. ayokong umiyak. kasi alam kong malakas ako. hindi ako dapat kaawaan. alam kung marami ang naghahangad ng pagkalugmok ko. pero isa lang ang alam ko. marunong akong lumaban.

tinawag na ako galing sa labas. hudyat ng huli. at sa huling tanong nila sa aking kung bakit daw hindi ako dapat matanggal ito ang sagot ko sa kanila.

“well practically saying since these is a job. W_____W__ helps me a lot. i was able to send myself to school because of w__. i was able to have the things that i wanted. i was able to help my family.  even though i am a student starting 1:00 pm until in the evening i still see to it that i have the energy to report to work the next day.  even though—coz my doctor always tells me not to look for a job that is call center because like what miss ____ said i have something with my heart and it is a stress related something i still pursue my dreams on working from the moment i receive a call from W___ telling me that i will be having my training…..”

matapos ang pagpapaliwanag. natahimik ang kwarto. nakayuko ako. ayokong marinig ang sagot.

“sad to say augus, YOU NEED TO REPORT TO WORK, you passed”

hahaiiii..KOkakk!! ang saya ko.