untitledminsan talaga may pag-iibigang tutol ang mundo. kung hindi ka gusto ng kaibigan ng syota mo minsan hindi ka rin gusto ng pamilya ng syota mo. kayo naman dahil mahal nyo nga raw ang tang-inang isa’t isa nagbubulag-bulagan kayo sa nakikita nyo.

maraming nagsasabi ng ang swerte umano ng kuya ko sa dati at pinakahuli nyang naging gf. masaya sa una. akala’y walang problema. pero hindi mo alam ang takbo ng isip ng mga tao sa paligid. hindi mo alam kung ano ang nasa saloobin ng isang taong nagmamasid sa iyong dalawa. tanggap namin ang babae. tao sya kung pumasok sa bahay kaya tao sya kung ituring namin. profesyonal sya kung tumikas kaya profesyonal kami kung makituring sa kanya. maganda ang naging samahan namin sa naging gf ng kuya ko. masaya kami, dahil sa wakas nakakita narin ng matinong babae ang kuya ko na laging may SABIT ang naging EX GF.

ngunit ng nahuli sila ng ama ng babae. pinagmumura ng kapatid ko. ikanga parang telenovela ang naging tagpo sa bahay ng babae ng dumalaw ang kapatid ko.

“my daughter is a big catch for you, you’re just an excess baggage in AMERICA” sigaw umano ng tatay ng babae.

ano ang tingin nya sa anak nya INVESTMENT? ano ang tingin nya sa sarili nya? MAGALING? gaya ng sinabi ko hindi lahat ng tao umo-oo sa lahat ng gagawin mo. sa madaling sabi tutol ang ama. tanggap ng ina ng babae kung ano mang relasyon meron ang anak nya. tanggap nya dahil alam nyang hindi nya pede diktahan ang puso ng anak nyang nasa tamang  pag-iisip na.

bago lang to nangyari ng tumawag umano ang ama ng x-gf ng kuya ko sa bahay dakong alas-tres ng umaga. nambulabog, nanghahanap ng away, nagmamalaki at hinahanap ang kapatid ko. ang gustong mangyari ng putang -inang ama ng babae eh, ayaw na umano nyang magulo ang pamilya nya.

“somebody will be killed” — yan ang panakot na bati ng lokong ama ng babae sa kapatid kong babae na nakasagot ng telepono.

unang punto — hindi nanggulo ang kapatid ko ng pamilya. dahil sa simulat sapol ang matagal ng gustong kumalas ng kapatid ko sa babae simula ng nalaman nyang hindi sya type ng ama. pero ang babae ang habol ng habol.

pangalawang punto — walang sanang samahan ng pamilya ang masisira kung hinayaan na lang ng ama ng babae ang anak nila umibig sa kapatid ko. dahil hindi naman ang ama ang pakikisamahan ng kapatid ko habang buhay ang anak.

pangatlong punto — hindi ang pagiging profesyonal ang pinag-uusapan dito dignidad ng kapatid ko. kasi hindi umano profesyonal ang kapatid ko (NURSING AID GRADUATE) at ang babae PT grad. para kasi sa tangang ama ng babae ang 4 years course para sa 4 years course hindi para sa 2 years course.

pang-apat na punto — kung gusto nyang ipasok ang pagiging profesyonal sa usapan. sino ba ang nagpapakita ng hindi pagiging profesyonal. ATENEO graduate umano ang tatay ng babae. KUM LAWDE! yan ba ang tinuro sa mga kumlawde? dahil kung yan nga hindi na ako mag-aaral.

PANG-LIMA at HULING PUNTO — ang anak hindi investment. ang anak hindi ginagawang negosyo. ang anak hindi laruan. pero sa pinakita ng ama. kontrolado nya ang anak nya. kung mahal nya ang anak nya hahayaan nyang magmahal at pumili ng lalaking gusto nyang makasa pang habang buhay.

dahil sa nangyari winakasan na ng kapatid ko ang relasyong akala nya ay HAPPY ENDING yun pala hindi. tinapos na nya ang samahang inakala ng lahat pang-habang-buhay at tatanggapin ang katotohanan na isang malagim na pagmamahalan ang pinakahuling naging gelpren nya.

P.S. tsaka nga pala pinablatter na ng kapatid ko ang ama ng babae kinabukasan ng tumawag sya sa bahay.

kokaaakkkk