alam kong hindi mahirap ang zoology, hindi rin naman ako bobo. hindi rin naman ako tanga. pero wala lang talaga akong naisulat kanina sa quiz namin sa zoology.

PAKE KO SA MASSEL NG PALAKA ANO!?

bakit kung magiging psychology na ba ako, ehh sasabihin ko ba sa client ko na yung vastus externus mo kasi may problema. yung submentalis mo dapat nating ayusin. kaya masakit yung katawan mo kasi dahil yan sa tricep femoris mo!

nakakainis lang kasi, ang mga titser ngayon. hindi mo alam kung gusto ba talaga nilang pumasa ang mga studyante  o talagang may paghihiganti lang na nangyayari sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan.

alam kong kailangan naming mag-aral. nag-aaral naman kami, hindi naman siguro kami tanga para balewalain ang binabayad naming napakalaking tuition fee ano! pero ang akin lang magbigay konsiderasyon lang sana ang mga guro ngayon. dahil iba ang panahon nila at iba ang panahon ngayon. kahit naman siguro sa interes ng studyanteng matuto magbigay CREDIT kayo. pano kung yun lang talaga ang kaya ng bata. wag nyong sabihin wala na syang pag-asang makapunta sa 2nd year? 3rd year? or 4th year? kasi bagsak palagi sa subjek nyo.

tapos magbibigay ng clue kung ano ang iquiquiz kinabukasan. sa araw ng quiz ang layo ng mga tanong sa pinag-aralan namin. may mga pag-susulit pang gusto salita sa salita dapat kumpleto ang nakalagay sa papel. edi sinabi mo nalang sana na MEMORIZE YOUR MANUAL FROM PAGE 1 UP TO THE LAST PAGE. may mga guro rin na akala mo laruan kami. parang nakakaloko na ata sa utak namin. hindi mo ma-ispel hindi mo alam kung bakit sya nakapasa sa pagiging guro. kung pede nga lang ako na lang ang tatayo sa harap para mas maintindihan ng kaklase ko ang topic.

sino naman ang matinong guro na pabibilhin kayo ng kuneho sa grupo. tapos sa loob ng tatlong araw. dapat matutunan ng kuneho ang tumalon, tumalon, tumalon at i-wiwiggle ang pwet bago ang huling talon. ano na ba ang paaralan ngayon KARNABAL o MANILA ZOO!?

eto pa! kung sino pa yung minor titser sila pa yung may lakas nang loob ng magbigay ng kahaba habang quizzes, nakakadugo ng mata, tenga at ilong na exam, at nakakashock na oral resitation.

hahaaaaaiiiii!!!!kaya sa mga titser dyan. MA’AM may i go to the CR na lang po!? hindi ko na  kaya ang parusa mo!