hindi ko inaakala na makikita ko ang isa sa mga taong hinahangaan ko sa school. at bago pa man nagsalubong ang mga landas namin ehh, iniisip ko na sya. bigla lang kasi pumasok sa isipan ko yung oras na tinanong nya ako na “ok ka lang?”

habang naglalakad ako patungo sa hintayan ng jip, umaandar nanaman ang sakit ko na kinakausap ang sarili. hawak-hawak ang strap ng aking bag, nailimpungatan ako sa aking nakita sa malayuan. hindi ko alam kung sya ba yun talaga at  dahil na rin sa nawala ang eyeglasses ko, hindi ko na masyadong nakita kung sya ba talaga yun.

nang nakatawid na ako sa daan at narating ko na ang hintayan ng jip, sya nga ang nakita ko, wala ng iba.

“pssst! kuya!” ouch it hurts kuya raw o! pero ok na yun.

“san ka uwi?!” tanong nya sa akin.

sabi ko sa matina. tapos sabi nya dun rin daw ang uwi nya. tapos niyaya nya ako na sabay na raw kaming umuwi.

iisang jip. iisang rota. iisang babaan. iisang area ng subdivision. WHAT A SMALL WORLD TALAGA.

GALING!— sabay kaming uumuwi. yehey!!!

dahil na rin sa puno na lahat ng jip na dumadaan sa harapan nang pinaghihintayan namin. dinako nalang namin yung kabilang kanto kung saan mas marami ang jip na dumadaan na bakante. habang naglalakad, medyo tameme ako at walang masabi. hindi ko alam kung dahil sa gutom lang ako, pagod lang ako o wala lang talaga akong masabi dahil kasabay ko sya.

habang nasa loob ng jip — nakakabingi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. hindi gaya ng dati na nag-uusap naman talaga kami. pero sa oras na yun. wala, kahit “MUSTA?! OK KA LANG!?” at kahit ang pinakatorpeng tanong, walang lumalabas sa bibig naming dalawa.

dumadami na ang tao sa jip. sumisikip, kami namag dalawa harapan lang na nakaupo sa bandang may pinto. tahimik at walang emik. hahhhhhaaaiii!!!

dahil na rin sa hindi ako maramot at alam kong, kung magbibigay ka, milyon ang babalik sayo  edi ako na ang  nagbayad ng pamashe nya. nang pag-abot ko sa bayad sa driber, sabi pa nya mandaraya daw ako kasi naunahan nya raw ako. duhhhh!! kung hindi sya magpapalibre edi sana nung pagsakay pa lang namin edi nagbayad na sana sya.. wahahhaha!

“salamat” — natural nagpasalamat si crush, sabihin ko sana na “may interest na yun bukas ok!”

pero dahil sa walking distant lang talaga ang bahay nila mula sa kanto ehh naglakad nalang sya. tinanong nya ako kung sasakay ba daw ako ng trisikel sabi ko “oo” sabi nya “maglalakad lang ako”. pwede rin namang lakarin yung amin. alam mo yung gusto mo syang samahang maglakad kahit alam mong hindi ka naman sanay na maglakad. nang binitawan ko na ang salitang “BYE” dun na at sumakay nalang talaga ako ng trisikel.

kainis ano!? mas hahaba sana ang naging usapan namin at mas hahaba sana ang oras na magkatabi at magkasama kami. pero hindi ko nagawa. grrrrr!! kainis. ok lang yung lagi naman kaming nagkikita sa school ehh..

sa susunod  SABAY NA TAYO!