Masaya. Magulo. Isip bata. Yan ang mga kasama ko palagi sa paaralan. Mga kaklase ko sa Filipino subject. Hindi ko akalaing madali lang pala akong makakahanap ng makakasama sa kampus. Hindi alintana ang edad ko sa kanila. Oo matanda man ako ng ilang taon sa kanila pero kahit papano nakakasabay naman ako sa mga trip ng barkada.

Alam kong magbebente-uno na ako sa darating na Agosto. Ngunit gaya ng sabi ko hindi naging hadlang sa amin ang aming edad para hindi magkasundo sa maraming bagay. Masaya silang kasama. Wala oras na hindi tumatawa. Sa musika man o sa kabalastugan. Sa love life man o sa inuman. Laging masaya pag sila ang kasama. Nagkakasundo kami sa maraming bagay. Lalong-lalo na sa DOTA.

Nung una’y sinusumpa ko ang laro na yan. Bagay na lagi kong iniiwasan kasi alam kong hindi ako marunong maglaro. GRRrrrr! Naiinis talaga ako sa larong dota. Hindi ko alam pero ewan. Pero nung oras na niyaya nila akong maglaro ng nasabing ONLINE GAME. Pinagbigyan ko sila sa kadahilanang wala rin naman akong ginagawa. Sa simula ay iniisip kong hindi rin magtatagal ay mawawala rin ang excitement ko sa paglalaro ng DOTA. Pero iba ang nangyari. Hindi ko masabing hindi ko nagustuhan ang laro dahil ang totoo dyan ay —- “EXTEND PA TA BAIIII”

Sila ang mga taong nagturo sa akin ng maraming bagay. Mas matanda man ako sa kanila pero marami din akong natutunan sa mga musmos na yan. Bagay na nagbigay sa aking buhay ng saya ng school barkada.

Ito ang line-up ng sinasabi kong masisiyahing bata. Si “sotto” ang bolibol player sa grupo. “atienza” laking bicol. “ken” chicken pox biktim. “jave” mahilig magbiro at manghalik sa grupo pero hindi kami BAYOT (bakla) ha! “jay-ar” small but small talaga laging nagtatanong sa akin kong meron ba akong 1k. “Dj” a.k.a. FRAY BUTOD ang gitarista ng grupo. “Rey” chickboy pumapatol ng chicks at pumapatol ng boi hahaha joke lang. “clark” ang tatay ng lahat at TEKKEN master. “boston” moreno boi ang daming crush sa kampus. “gelo” ang unan ng lahat at ang nagturo sa akin ng DOTA. At ako “sir, kuya o kuya augus” yan ang tawag sa akin ng iba ang pinaka matanda sa aming lahat.

Tsaka nga pala. Kaya pala mas napadali yung boding namin at minsan sir ang tawag nila sa’kin kasi naging studyante ko sila sa RED CROSS. Leadership training yun at hindi pa ako nag-aaral sa nasabing kolehiyo ay kilala ko na sila.