nawala ako sa aking blogging na mga araw dis-pas-pew-deys dahil na rin sa sobrang daming dapat asikasuhin sa paaralan. dahil patapos na ang sem na to. maraming dapat habulin na patay-linya (deadlines). maraming dapat pag-aralan para sa mga huling hirit na mga pagsusulit. ang daming dapat karirin. may trabaho pa akong kahati sa oras ko. nakakapagod talaga. minsan nga gusto ko ng sumuko sa giyera. pero takot ako kasi maraming umaasa ng malaki sa naabot ko sa ngayon. pero kung alam lang nila ang kung gaano kapagod at unti-unting ginugulay ang katawan ko.

wala akong magawa lalo na’t malaki ang ekspektaysyon ng pamilya ko sa akin. marami silang gusto ipabili. marami silang hiling sa akin. pero minsan natatakot ako dahil hindi ko maibigay agad. alam nilang ako ang nagpapa-aral sa sarili ko at malaki ang binabayad ko sa pangmatrikula ko sa pag-aaral idagdag mo pa ang pang-araw-araw na pamasahe papuntang trabaho at skul.

sa lahat ng sumusubaybay sa aking pahina. pagpasensyahan nyo na kung hindi ako nakapagpost na panibagong blag. marami lang talaga akong iniisip. balisa ang utak ko sa ngayon. tulala. pagod. wala sa sarili.

sa lahat naman ng taong kahit papano ay dumadaan sa pahina ko para tingnan kung may panibagong sulat galing kay mister palaka. maraming salamat sa inyong lahat. maraming salamat sa pag-intindi.

nagbabalik na po ako sa aking blogging kondisyon.

DAGHANG SALAMAT SA INYONG TANAN!