maraming bagay ang hindi mo kayang sabihin. maraming bagay ang pinipilit mo itago sa sarili mo dahil na rin hindi mo kayang ibunyag ang tunay na iyong nararamdaman. mahirap ang ganitong bagay. lalo na’t ang bagay na iyong tinatago ay napaka-importante.

pebebro 25 taong kasalukuyan araw bago ako ang regularization ko sa trabaho ng nagkaroon ako ng hiring sa opisina. isang deliberation kung magiging regular ba talaga ako. naipasa ko ang deliberation, ibig sabihin regular na ako. masaya ako kahit papano kasi regular na ko. mataas na rate, mas magandang working sked at madaming benefits.

nung una’y masaya ako sa trabaho ko. nung una’y hinahanap ko ang trabaho araw-araw. masaya ako sa katrabaho ko. masaya ako sa ginagawa ko. masaya ako sa lahat ng bagay na may kinalaman sa trabahong pinapasukan ko. medyo stressfull man ang trabaho ko, pero ok lang. gaya ng sinabi ko masaya ako sa trabaho ko NOON —- PERO HINDI NA NGAYON.

makalipas ang ilang buwan, nagbago ang ihip ng hangin. nag-iba ang daloy ng tubig. naging itim ang minsa’y puting kulay sa pakikitungo ko sa trabaho ko. pagod na akong gumising ng maaga para sa trabaho. wala na akong ganang magtrabaho. hindi na ako masaya sa mga bago kong kasamahan. wala na ang dati kong sigla kung ang pag-uusapan ang trabaho.

nahihirapan na ako sa sarili ko. nag-aaral ako sa hapon hanggang gabi. tapos kinabukasan kailangan kong gumising ng umaga para magtrabaho. dati akong na-admit sa ospital at nalaman kong may karamdaman ako sa puso na may kinalaman sa STRESS. maraming bagay ang humuhila sa akin papalayo sa trabaho ko. sobrang DAMI. natural may karapatan ang pamilya ko, na  malaman nila kung ano ang plano ko sa trabaho ko. kung ayaw ko ng magtrabaho. para sa kanila hindi nila naiintindihan ang hinanakit ko. para sa kanila ok lang yan kasi kumukita naman ako ng malaki sa trabaho ko. ok lang yan. konting tiis lang umano. hindi nila nararamdaman ang dusa ko sa tuwing nagdadial ko. hindi nila alam kung gaano kapangit ang kompanya. ang sa kanila kumikita ako at kahit papano makakatulong ako sa kanila.

gusto ko ng huminto sa trabaho at mag-aral na lang. may karapatan pa naman siguro akong pag-aralin ng magulang ko. dahil kahit noon pa man. lagi na akong agrabyado kung edukasyon ang pag-uusapan. sa tuwing handa na akong sabihin sa kanila ang lahat tungkol sa desisyon ko. tinatanong tuloy ako ng ina ko ng “KAILAN MO MAKUKUHA ANG RICE ALLOWANCE MO?” mas lalo akong nakokonsensya kung sasabihin ko ang binabalak ko. ang hirap sabihin. hindi ko kaya. bahala na ang may-kapal sa lahat.

grrrrr.. kainis ano!?