magulo. maingay. matamlay.

ang dami kung iniisip nitong nakalipas ng mga araw o dapat ko bang sabihin na buwan. kung gayon kahit ang magsulat at maglagay ng madaliang post dito sa mundo ko sa blag ay hindi ko magawa. ang daming nangyari, na halos di ko namalayan na tapos na pala ang bakasyon. may masayang pagkakataon, lungkot, galit at kahit walang kibo, tila wala ako sa mundo. ayokong isipin na marami akong problema sa nakalipas na mga araw. ayoko ring isipin na lugmok ako sa mundong pinapasan. pero hindi natin hawak ang daloy o script ng buhay natin. maaring tatawa ka sa ngayon pero iiyak mamaya. nakaka-inis ano?

ilang beses kong sinubukang ngumiti, nang sa ganon dili nila makita ang lungkot na dala ng aking mata. pero minsan sa tuwing ako’y mag-isa hindi ko mapigilan ang umiyak at magtanong kung “bakit”. wala akong pake kung ano ang sasabihin nila. hindi naman sukatan ng pagiging malakas ang pag-iyak.

pamilya. pag-aaral. trabaho. kalusugan. sarili ko.

ang dami kong iniisip. bunso’y ma’y tila “I BACK PACK THE WORLD (pasan ko ang mundo)” na. pero ok lang yun. darating ang mga araw “I WILL WAKE UP AND POWDER YOU (babangon ako’t dudurugon kita)” kung sino ka mang may dala ng problema sa mundo.

hehehehe.. dyan ko na lang dinadala ang lahat, sa pagpapatawa. pero minsan ang mahirap kasi,pati ang sarili mo di mo kayang mapatawa. minsan iniisip ko ang kumutil ng sariling buhay (KOKAK) pero hindi naman siguro lahat nadadaan sa ganitong paraan. malakas kaming mga palaka. hindi kami basta-bastang sumusuko. umulan umaraw, uminit o may bagyo, buo parin kami nasa damo at nag-iingay sumusigaw ng “EVERYDAY IS A NEW DAY” and “I WONDER WHAT WILL I LEARN TOMORROW”

kokaakkk!!! kaya ko to!