noong una’y animo’y pangarap ko ang pumasok sa ospital. humiga sa kama, na may dekstros at pagsilbihan ng nakakarami. pakiramdam ko kasi para akong hari na pinagsisilbihan ng mga alipin ko. pero mahirap pala ang katotohanan na pag ikaw na ang nasa kama. nakaratay. inutil. walang magawa. nakatingin lang habang ang lahat ng tao namomoblema sa kalagayan mo. mahirap ang malagay sa alanganin. kung saan maya-maya may papasok ng babaeng nakaputi kukunan ka ng dugo na parang bampira sa umaga. iinom ka ng gamot na pagkabigat sa katawan at pati ang ihi mo kailangan mong sukatin.

doon ko lang naisip na ang buhay ay parang saranggola. dumedepende ang ganda at tayog ng lipad nito sa pagkagawa. kung hindi mo iniingatan ang kalusugan mo sigurado tabingi ang saranggola ng buhay mo. sa laro ng saranggola ko, maraming bagay ang dapat kung isipin ang tigas ng kawayan ng ginamit ko. ang tibay ng platstik ng nakatapak sa kawayan at kung kung gaano katibay ang lubid ng buhay ko para salubungin ang malalakas na hangin sa itaas.

habang nasa loob ako ng kwarto, iisa lang ang iniisip ko. mabubuhay pa kaya ako o tapos na ang misyon ko. hindi mo ma-iaalis sa isipan ko ang mag-isip ng ganito. lalo pa’t sa dami ng test na ginagawa. sa dami ng antibiotic na iniinom ko. sa dami ng dugong kinukuha sa akin. sa dami ng karayom na tinutusok sa katawan ko. habang ang isipan ko ay walang ideya kung ano na ang nangyayari sa buo kong katawan. hindi ko alam kung ano ba talaga ang tunay na karadaman ko o pinagtritripan lang talaga ako ng mga doktor.

masakit man isipin na pumasok ako sa ospital pagkatapos ng kaarawan ko. masakit isipin na kakabertday ko lang, nasa loob agad ako ng ospital. pero mas pinili ko ang ganito. mas pinili ko ang maging alipin ng eksperto nang sa ganun malaman ko ang tunay na karamdaman ng katawan ko. sa mga panahong iyo, laging nan dyan ang pamilya ko upang dumamay. kaibigan para bigyan ako ng lakas at panginoon diyos para gabayan ako at bigyan pa ng pangalawang pagkakataon.

hanggang ngayon, di pa ako pumupasok sa trabaho. nagpapahinga. nagpapalakas. siguro nga’y malas ang 2009  sa akin. siguro nga’y kailangan ko ng panibagong AKO sa 2010.

walang nakaka-alam. pero isa lang ang natutunan ko sa karanasan kong ito. WALANG IBANG TUTULONG SA SARILI KO —– KUNDI AKO.

kaya ko to!!