private_1_72cf4539fa3d881f4d6b62c0ef42c392242cd9e8af37553a324238d361a23d34lMaraming ayaw sa akin. Galit. Naiinis. Kinamumuhian. Well ! wala naman akong magagawa kung di nila ako gusto. Maraming bagay sa mundo na sadyang hindi nagkakatugma. Bagay na dapat tanggapin ng bawat indibidwal sa lupa. Gaya nang, bakit isasama mo ang pikon sa palabiro. Ang nagdadiet sa halimaw kumain. Bobo sa matalino. Konserbatibo sa liberal. Yan ang mga bagay na iniiwasan ko. Natatakot ako na baka sakaling hindi tutugma ang tono ng utak ko sa nota ng kinakausap ko. Lalo pa’t mahilig akong manggago. PRANGKA ! OGAG ! JOLOGSS ! ako yan !

May iba na gusto ako, laging kasama. Masaya sila kung nasa scene ako ng pelikula ng buhay nila. Ako naman Best Supporting Comedian ang drama ko. ( ang gulo ano comedian tapos drama) Masaya naman ang lolo nyo na kahit papano may nakaka-appreciate sa akin. Gaya ng sabi ko may mga  bagay na hindi magkatugma. May iba gusto ako. Meron naming iba na sinusumpa na ang beauty ko. (TANG- INA NYO)

Hindi ko nga alam at ang tanging kinatatakutan ko, kung sakaling sa mga araw ba ng lamay ko, kung sakaling matapos ko na ang misyon ko dito sa mundo. (kung meron man akong misyon) May pupunta kaya sa burol ko at iiyak hanggang sa maubos ang lahat ng tubig sa katawan nya at hanggang sa madehydrate na lang sya. O, baka may magseset-up sa labas mismo  ng burol ng sampung malalaking speaker, disco light, house music, at may darating ng DJ mula pa sa Hard Rock café at habang may ng bebenta ng ticket sa labas, paulit- ulit naman sinisigaw ang “LET’S CELEBRATE, HE IS GONE”.

Dyan mo lang naman malalaman kung marami bang nagmamahal sayo. Dahil matapos ang limang-araw na burol, bibilangin mo kung ilang container ng biskits ang naubos, ilang 3 in 1 ang  nagamit at kung malaki ba ang kinita ng tong mula sa naglalaro ng madjong, tong-its, sabong, 1,2,3 pass, poker, paintball, piko, patintero, jackstone, jolens, bahay-bahayan at kung anik anik pa. Dito mo rin malalaman kung marami ang tumatangkilik sayo, kung marami ang pumirma sa scrapbook  mo, kung saan ilalagay ang pangalan na bumisita sabay hulog ng abuloy. Animo’y scrapbook ng kung sino ang susunod na hihiga sa malamig na kabaong. So! Suggestion kung lang kung sakaling maisipan nyong dumaan sa kaibigan o kapitbahay na kakamatay lang, mas magaganda at mas nanaisin kung dumalaw sa huling araw na, para mas matagal ang schedule mo sa kabaong dahil for sure marami na ang nauna sayo at may nakareserve pa bale dalawang kabaong.

Balik tayo sa mga taong galit sa mundo pagkasama ako. Hindi mo naman kasi masisi ang mga taong insecure at hindi rin naman kasi ako manhid para hindi ko maramdaman kung may HG (Hidden GALIT) ang taong kinakausap ko. Natural, ako naman nagtratransform sa PLASTIC mode, para kunwari abot langit ang saya ko dahil kausap ko sila. Dalawa lang naman ang mukha  ng piso, ULO o BUNTOT. Kung buntot sayo talo ka, kung ulo akin panalo ako. Ito lang yun eh ! KUNG HINDI MO AKO GUSTO, KAHIT ANONG MANGYARI MAS LALO HINDI KITA GUSTO! Gets mo!?