nagsisimula ng dumami ang tao. maingay ang paligid, may naglalakad, nagtetext, tumatawa, nakatutunganga, umiinom, kumakain at marami pa. lahat ay busy.

klase-klaseng tao, klase-klaseng antas sa buhay. may teens, matatanda, at middle-of-the-road. habang ako walang magawa gumagawa ng blog na to. ang daming pumapasok sa isipan ko. mga bagay na ginawa ko at gusto kung gawin. kung papagalitan ako pag-uwi o matutulog nalang diretso. kung ano na ang nangyari sa pbb at survivor palau. hindi ko mapantayan ang antas ng utak ko. MAGULO. RAMBOL. MAINGAY.

ang ganitong pangyayari ay minsanan nalang sa buhay ko. bawal na ako umuwi ng matagal. bawal to! bawal yan! ngayon—para akong asong nakawala sa isang dog house, masaya pero unti-unting nalulungkot dahil hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko sa ganitong pagkakataon. matagal-tagal na rin akong di nagyoyosi. nilalanghap ang bawat usok ng katabing kaibigan habang nakikiramdam ako sa lamig ng bote ng red horse na iniinom ni ROSELLE.

bawat musika sa paligid, mula sa balot vendor na umiikot sa lugar, strum ng gitara mula sa combo, ang malamig ng boses ng bokalista, bawat apak ng paa ng mga waiter na busing  nagbibigay serbisyo sa mga customer, yan ang nagpapabuhay ng utak kong tulog habang hinahayaan ang mga daliri kong pindutin ang maliliit na square ng laptop ng kaibigan ko. hindi ko alam kung ano dapat ang isusulat ko!!! WAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH

TULONG! nalulunod ako sa sobrang tahimik. unti-unti akong sinasakal ng kaboringan at tagos hanggang puso ang tusok ng kablangkuhan ng pag-iisip ko.

inuman na mga tol. kantahan na mga kapatid. maya-maya lasing na tayong lahat!!

GREAT.. nakalimutan ko rin ang lahat ng nangyari..