mahiwaga ang umaga, umuulan at tahimik ang paligid. gumising akong hindi maganda ang pinta ng aking mukha. hindi ko alam kung bakit. pero isa lang ang alam kung tama, wala akong ganang pumasok sa trabaho. pinilit kong amuhin ang sarili ko, ngumiti at bigyang lakas ang tamlay kong katawan, ganun parin — walang ganang pumasok sa trabaho.

isang taon at limang buwan na rin akong nagtratrabaho bilang  call center agent. sa loob ng mga araw na yun. masasabi kong masaya naman ako bilang isang empleyado. maraming nagbago at marami akong bago. marami akong naranasan na di ko pa naranasan noong ako’y isang ordinaryong palamunin lamang ng aking mga magulang.

hindi ko alam pero tanging ang blogsayt na to kakampi ko sa lahat ng madidilim kong araw. sa katunayan nga matagal-tagal na rin akong di nakapagsulat sa sayt nato. iisang bagay lang ang naalala ko, na pagsusulat at blogging ang isa sa magandang therapy sa taong stress. siguro stress lang talaga ako, sa nakalipas na panahon. ang aking lang kasi, dahil sa stress at depress at lahat na ata ng less sa mundo pag-umatake sa isang tao lahat naaapektohan. grrrrrrr! kakainis talaga! sa ngayon masasabi kong ang laki ng epekto ng stress sa akin, so sobrang laki pati ang trabaho ko na tanging daan para makamit ko ang sarili at pamilyang mithiin, unti-unting nawawala. NAWAWALAN AKO NG GANANG MAGTRABAHO!

kaya namang labanan ang stress, pero sadyang malakas lang talaga ang puwersa niya. sa sobra lakas, pati ikaw nawawalan ka ng kumpyansa sa sarili. unang bagay na kinukuha mula sa tao at kung ang bagay na ‘to ay wala na, isusunod na ang emosyonal na aspeto ng isang biktima. kainis talaga!

iisa lang ang alam kung tama. BIKTIMA LANG AKO!