habang paulit-ulit akong nanonood ng bawat pahina sa pesbuk, hindi ko maiwasan ang mapataas ang kilay habang ang mga daliri koy abalang pinipindot ang bawat letra sa keyboard.  mainit. maingay. tabi-tabing unit. magulo. mukha at larawan ng isang internet cafe.napakadaming kabataang lalake  ang naglalaro ng online game, na hindi mo alam kung ano ang epekto sa bawat utak na nabibiktima. masaya naman sila kung iyong pagmamasdan. animo’y project sa pagkapa sa bawat galaw na gagawin para lang matalo ang bawat kalaban. minsan ko na ring sinubok ang larong ito. kahit papano nasiyahan ako sa larong sinasabi nilang LIBANGAN NG KABATAAN.

iba nga siguro ang epekto ng larong ito. dahil ang iba ay napapasigaw at napapahiyaw.

” wag kang matakot. jan! jan nga! jan nagtatago ang bading, lapitan mo!” sigaw ng isang lalakeng para bang wala ng bukas kung makahiyaw.

napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung kailagan ba talagang sumigaw sa tuwing nilalaro ang online game na to!? sa kadahilanang kahit saan ako magtungo sa tuwing nagnenet ako at may naglalaro ng game na to laging may nagsisigawan.

DOTA ang tinutukoy ko. kahit sino biktima ng larong ito. kung tutuusin marami naring online game ang sumikat noong nakaraan panahon. pero iba pa rin ang epekto nito sa mga bata ngayon nat-tu-mensyon na may mga matatanda ring naglalaro ng dota. kahit nga kababaihan ay giliw na giliw sa paglalaro ng dota. bagong COCAINE ng youths, yan ang dota. masarap, magastos, nakakasaya, magulo, nakakagalit, nagpapatawa at lahat lahat na.  well kung titingnan mo ok na rin yun kesa tunay ng shabu at marijuana ang pagkaka-abalahan ng kabataan.

“f*ck you!, gago ka! ano ba tong sniper!?? abnormal ata to!?” mga binitawang salita ng lalaki sa likuran ko habang gigil na gigil sa paghawak ng mouse nya para laruin ang nasabing DOTA.

Nakakahabag man at medyo bastos man kung pakinggan. pero ramdam ko ang saya nila patungkol sa laro. ang tanging kakampi nila sa buhay. tanging bagay na nagpapalimut ng problema nila sa buhay. laro na minsa’y iniisip nilang laro ng tunay na laban sa buhay. MAY NATATALO AT MAY NANALO.

yan ang dota! nakakaadik at iba ang tama!