Ambisyoso ako! kebs! pake-alam nyo?!

pasado alas syete na nung lumapag ang eroplanong sinasakyan ko papuntang maynila. mag-isa,walang kasama at walang kausap. bitbit ang tatlong bagaheng puno ng damit ko at ang tanong na kung “ano kaya ang naghihintay sa’kin dito sa maynila? naiinis ako kasi nais ko sanang masaya ang magiging biyahe ko pero nakakabingi ang katahimikan sa naging mundo ko sa eroplano. grrrrrr!!

magbebente dos na ako ngayong agosto. lahat ng barkada ko, graduate na, ako nalang ata ang hindi pa. nakakalungkot mang isipin, hindi ko naman kasi pedeng pilitin ang magulang ko na tuma-e ng pera para sa pag-aaral ko.

nagdesisyon akong dito sa maynila manirahan at tapusin ang pag-aaral ko. nung una’y hindi ganap na suportado ng pamilya sa kadahilanang mahal ang pamumuhay dito. pero kalaunan ng sinabi ko ang dahilan kung bakit ayaw ko sa davao mag-aral ay naintindihan naman nila at sinuportahan naman nila ang naging desisyon ko na dumito na muna at tapusin ang naudlot kong pag-aaral

habang nasa himpapawid ako, naka-seatbelt, malamig, naka-upo  at tahimik. ang utak ko naman ay walang pangundangang nagtatanong kung ano ang aabutan ko sa maynila. ayoko nga sagutin pero sinasagot naman ng isipan ko. TURBULENCE! TURBULENCE! sa tuwing inaanounce na nakakaranas umano kami ng turbulens, napapalingon ako sa labas. nakikita ko ang mga ulap na animo’y bulak sa kalangitan. ang sarap hawakan ng mga ito, sabay tanong “‘kasing ganda kaya ng mga ulap sa langit ang magiging buhay ko sa manila!?” buntong-hininga!

habang nagbabasa ako ng libro ni bob ong na “bakit baliktad magbasa ang pinoy?” hindi ko mapigilan ang mapahinto. iniisip kung bakit ako nagdesisyon na pumarito. iniisip ko kung bakit kailangan ko pang pumunta ng manila para mag-aral. kung bakit di nalang sa davao ko tapusin ang college ko. bakit nga ba!? hindi ko rin alam. dahil ang alam ko sa panahong nagdesisyon ako. nasa manila ang pag-asa ko. nandito ang pangarap ko. ito ang magiging daan ko sa tagumpay at hawak-hawak ko yan lagi. takot kasi akong mawala ang mga ito sa kamay ko.  ang dami kong pangarap sa buhay na minsan di ko nararating dahil sarado kung buhay sa probinsya. ganun pa man ang laki ng pasasalamat ko sa lupang nilakihan ko dahil dun ako natutong tumayo sa sarili kong paa. doon ako natuto kung ano ang tunay na laban ng buhay. doon ako naging tao, nagkamalay at tumayo na may dignidad at sariling desisyon.

nung sinabi na nasa manila na kami, ako’y namangha sa aking nakita bagamat madilim na pero parang constellation of stars ang mga ilaw na nakikita ko mula sa eroplano. sabay tanong nanaman sa sariliko ng “kasing dami kaya ng ilaw na to ang magiging swerte ko sa manila!? alam ko ang sagot sa mga tanong ko, maari at maaring hindi.

walang nakaka-alam kung ano ang magiging buhay ko dito. pero iisa lang naman ang alam ko. may magagawa ako para mapabuti ang takbo ng buhay ko dito.

nung nalaman ng ibang tao na may posibleng pumunta ako ng manila at mag-aral, halo-halo ang naging guhit ng mukha nila. may ibang, napa-angat  ang kilay, may ibang walang reaksyon, meron namang masaya sa naging desisyon ko. ramdam ko ang bawat reply ng tao sa kin. pero kasi iisa lang naman ang tunay na estado ng buhay mapa-manila o probinsya man. mahirap sa mahirap kung di ka kikilos mas lalong hihirap. kung di ka hahakbang natural mananatili ka lang dyan at higit sa lahat kung ambisyoso man ako sa naging desisyon ko, eto lang yun “LAHAT NG UMASENSO NAGSIMULA SA PAGIGING AMBISYOSO, NAGSIKAP AT HINARAP ANG PAGSUBOK” kaya isa lang ako sa mga taong nag-aambisyon at mananatiling ambisyoso hanggang ganap ko nang hawak ang gusto ko.

ngayon nandito na ako, nawa’y matanggap ako ng manila at bansagang “ANG AMBISYOSONG AMPON NG MAYNILA”