magulo ang isipan ko. maaga akong gumising dahil na rin sa hindi ako makatulog sa sobrang init ng kwartong tinutuluyan ko at ang daming lamok. alas kwatro pa lang ay gising na ako, maagang kinapa ang kusina ng bahay. nagluto, naghugas ng pinggan at naligo.

at ngayong hawak ko ang keyboard. susubukan kong gumawa ng piyesa ng araw ko. naghahanap ako ng paaralan na malilipatan, maaga pa lang ay nasa pup na ako. pero di ako nabuhayan sa narinig ko. wala pa raw slot for transferee. diyos ko, po! sa ngayon ang pinanghahawakan kong pag-asa ay ang up, naibigay ko na sa unibersidad ang kinakailangan nilang papeles, tanging tawag o anunsyo nalang ang hinihintay ko kung kabilang ba ako sa kukuha ng exam o interviews.

kanina habang naguguluhan ako sa nangyayari sa utak ko. naisipan kong magnet na muna sa labas ng pup. doon hinanap ko ang iba’t ibang unibersidad sa maynila, ang daming pagpipilian, pero di ako alam kung kakayanin ba ng budget ko ang ganung klaseng paaralan. ang hirap nga naman! hindi naman ako dapat naghihirap ng ganito. bat parang pasan ko ata ang mundo!? walang dapat sisihin walang dapat managot. ganyan ang buhay. pero  palagi ba talagang ganito ang buhay!? ang hirap nga naman. pero siguro malalampasan ko rin to, pero ang tanong kelan at saan!?

bandang alas dos mamaya, pupunta ako ng up. titignan ko kung pinalad ba ako. ang haba pa kasi ng pila ng mrt. di ko kakayanin. tapos may problema pa akong dala, dahil sa balat ko. hindi ko alam kung hanggan kailan maayos ang balat ko, napakasensitive. grrrrrrr!!

alam kung tutulungan nya ako.. salamat Po!