“musta na ang ina-aplayan mong trabaho?” yan lagi ang bungad na tanong ng tatay ko sa tuwing tumatawag sya sa akin. ngayon kasi nasa manila ako para sumubok ng panibagong yugto ng buhay. dahil na rin siguro sa ako ang bunso, so talagang kahit papano hindi sila sang-ayon sa pinili kong landas. mag-dadalawang buwan na ko sa manila, naninirahan sa kaibigan ko sa alabang. malayo sa palagi kong pinupuntahan sa cubao o bandang north. pero ok lang ang buhay masaya ako dun. siguro dahil na rin sa di pangkaraniwan sa akin ang laging bumabiyahe dahil di naman ganyan ang buhay sa probinsya. SO, sa madaling sabi magdadalawang buwan na, na puro boses nalang ang naririnig ko sa mula sa pamilya ko sa davao.

lumaki akong may sariling mundo, di maxado vokal kung pag-uusapan ang emosyonal na bagay, pero di ko naman sinasabing manhid ako. medyo may korny factor lang para sa akin ang mga ganung klaseng bagay. subalit sa tuwing tatay ko na ang nakaka-usap ko sa telepono. di ko maiwasan ang manghina, pakiramdam ko ang liliit ko at lumalabas ang pagiging bunso ko. alam mo yung gusto mong inaakay ka lagi at gusto mo lang kinakausap ka ng tatay mo hanggang makatulog ka.

dapat kasi dito ako mag-eenrol. ehh di pinalad sa skul na -inaplayan ko at medyo late na kung tutuusin yung pagpunta ko rito. ang katulad kong transferee medyo di na masyadong nabibigyan ng panahon kasi slot slot ang drama ng mga kolehiyo dito. sa oras na nalaman nilang di ako pumasa, gusto ng tatay kong umuwi nalang ako at sinabing dun nalang sa davao mag-eenrol. pero habang lumilipas ang panahon. muling tumawag sa kin ang tatay ko at sinabing mahihirapan di pala sila sa pagpapa-aral sa akin sa ngayon kasi graduating na ate ko.. medyo malaki-laki ang kekelanganin nya sa pagiging graduating student (medtek). sa madaling sabi di nanaman ako makakapag-enrol.

alam mo yung masakit isipin na nahuhuli ako at medyo kelangan ko nanamang huminto pero di ko naman sila pwedeng pilitin kasi alam kung mahirap talaga ang sitwasyon namin sa ngayon. sa mga oras na naririnig ko ang boses ng tatay ko na humihingin ng pabor sa akin na kung pepede ehh di na muna ako mag-aral, medyo di ko matanggap pero sa kaloob-looban ko, kung masakit man para sa akin ang sitwasyon alam kung bilang padre-de-pamilya doble ang sakit na pinapasan nya.

pero kahit ganun pa man. alam kung sinusubukan nya ang lahat ng makakaya nya sa edad na 62 para lang makatapos kami. di ko man masabi-sabi sa kanya kahit sa telepono na masaya at maswerte ako dahil sya ang naging tatay ko, sana maramdaman nya na may anak syang malayo man sa kanya e araw-araw namang nagpapasalamat sa buong may kapal na “I GOT THE BEST DAD!”