sa maraming pagkakataon, maraming tao ang laging nagtatanong kung kelan at kailan ang tamang panahon para lumagay sila sa tahimik (and im not saying DEATH here). tahimik in many ways. at the age of 25 ang iba gusto na magsettle down, given the fact na in many aspects handa na sila, emotionally, financially, spiritually at kung ano pa. pero there’s one thing na wala sa kanila at yun ay ang partner na hinahanap-hanap nila.

it all started when we start to fall in love with someone, na hindi man lang natin alam kung talagang sya na ba. pero infairness naman sa ibang nagmamadali, meron din naman nagiging success stories sa ganitong daloy ng lovenote. pero ang tanong, do they have the enough foundation para alamin ang strengths and weaknesses ng bawat isa or they just both think na kailangan ko ng partner at along the way they would discover naman kung sino ba talaga ang taong kinakasama nila. GOOD? or BAD? well you wont know it kung di mo susubukan.

blind date, textmate, phonepal, at chatmate different ways to land in one’s shoulder may ibang maganda ang ending meron di namang bitin. and the worst thing is minsan ang apat na to it all ends up sa tinatawag nating ONE NIGHT STAND. c’mon dont be silly alam kung may point ako. after that night dyan malalaman kung talagang may connection na nangyayari kasi dalawa lang ang pedeng kahahantunagan. you’ll receive a message from your partner the next day asking if kumain ka na!? mustah or when you try to call the guy/ girl NOT ATTENDED na ang digits. then you try to asked yourself “PANG -ONE NIGHT STAND OR KAMA LANG BA TALAGA ANG BEAUTY KO!?”hurtfull indeed.

well siguro for those people na nakakabasa nito at kilala ako, you’ll be asking bat ko to nasasabi well infact i dont have any relationship in the past. pero hindi naman siguro ako tanga at bobo para di ko malaman at alamin ang nangyayari sa mga tao na malapit sa akin. kanya-kanyang paniniwala at ito ang paniniwala ko, so manigas kayo.

PATIENCE

back to the main topic! kasi for me i really believe in the saying na you dont need to look for a partner be patient enough to WAIT for your right partner. kasi sa sobrang hanap mo hindi mo narealize na nahanap mo na pala sya noon pa. its just that sa sobrang dami mong nahanap di mo napansin na katabi mo na pala ang para talaga sayo and the moment na nadiscover mo na sya, doon mo lang narealize na di na pede kasi may pumick-up na sa kanya and tears start to fall sa mga mata mong may muta pa sa kakaiayak simula kagabi. ganito, its like waiting for a bus sa waiting shed and dami ng dumaan na bus na pede mong sakyan. pero namimili ka ng bus na maganda ang itsura, wala maxadong laman, aircon, at sa tingin mo mabilis tumakbo pero hindi ka naman nagmamadali pero iniisip mo na nababagot ka na sa kakahintay so naghanap ka na at sumakay ka sa isang bus na so so lang. after 30 minutes nasiraan ang bus. then you just realize dumaan yung perfect bus for your perfect standards. edi sana kung naghintay ka, maganda ang takbo ng biyahe mo, di ka-na-alintana at walang problema. kaya siguro ang daming failed marriages ngayon o kaya mas maraming gustong live-in nalang para kung may problema then can always cut the thread between them, dahil nga sa nagmamadali.

ACCEPTANCE

well the best thing siguro dito ay tanggapin ang katotohanan na meron talagang di maganda ang takbo when it comes to love. some stayed for like 5 years or more staying together but in the end, they just realize na may mali and for whatever reason they have they thought na breaking up is the best solution. acceptance na pede maging matandang dalaga or binata. acceptance na pede meron kang partner ngayon pero bukas wala na. acceptance na maganda or gwapo ka pero di kasing ganda at gwapo ang kapalaran mo sa pag-ibig. then try meditate sit and ask yourself “SILA BA ANG MAY PROBLEMA? O NASA AKIN ANG MALI?” but always remember it doesn’t mean na katapusan na ng mundo para sayo, and lastly accept the fact na ang paghahanap ng true love walang AGE LIMITATION. labanan lang to ng una kung punto at yan ang PAGHIHINTAY!

DESTINY

50 first dates and serendipity — magkaibang kwento pero medyo may tama sa puso and it all ends with smile and love. ganito yun para sa akin parang math lang yan. patience + acceptance = destiny. akala mo kasi wala ka ng pag-asa pero you try to wait for the longest time hangga’t kaya mo, tinanggap mo ang katotohanan na sa paghihintay mo pede may makilala ka o pede naman umuwi ka ng hopeless romantic. pero dahil when destiny strikes kahit gaano kapa katagal naghintay at kahit tinanggap mo na ang katotohanan na pedeng wala na talaga then you meet the perfect match for you. so oras na bumitiw ka na sa lubid at sa oras na pagod ka na sa kakahintay dito mo lang napagtanto na may sumalo sayo. di man sya pasok sa karamihan sa standard mo pero di mo maalis ang tingin mo sa mata nyang nagsasabing “HI IM JOHNNY BRAVO YOUR NIGHT ANG DAY!” and so destiny works it all for you now all you need to do is to accept the offer or magtatanga- tangahan ka na naman. papalampasin ang panahon at iiyak for the million times.