akalain mo yung first day ng training ko ngayon. sa wakas matapos ang dalawang buwang paghahanap ng trabaho may tumanggap na rin sa akin. mahirap din yung wala kang ginagawa tapos umaasa ka lang sa parents mo, hindi ka naman baldado para di magtrabaho..

ang saya ng pakiramdam lalo pa’t gustong gusto mo yung pinasukan mong trabaho, alam ko malayo sa katotohanan yung training pero kung iisipin mo ilang hakbang nalang yun at tatanggap na ako ng 18k buwan-buwan at magkakaroon ako ng 40k certification bonus. SAN KA PA!? hahahaha

saya sobra di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. sa ngayon ang dapat ko nalang gawin pag-igihan ang training at ilabas ang kaya kung ano ang dapat ilabas at sa lahat ng naghahanap ng trabaho, wag mawalan ng pag-asa! kasi kung para sa yo, talagang para sayo hintay hintay lang at darating din yung liwanag na hinihintay mo ng matagal. gaya nga ng laging sabi ng tatay ko, kung may gusto kang bagay, all you need you to do believe you can have it or simple CLAIM IT!

kokak! kokak!