yanHindi ako manunulat. Hindi rin ako web designer at lalong-lalo na, hindi ako henyo.

Sino ba talaga ako?! At ano ang pumasok sa isip ko at gumawa ako ng blag na ‘to. Maraming ayaw, sa akin (wala akong pake-alam). Pero marami rin namang may gusto ( Hula ko lang). Natural REBELDE ako lalo pa’t PALAKA. kokak!

Ang pangalan ko’y UGASU NARI hindi ko tunay na pangalan. Naisipan ko lang yang gamitin, ngunit, dapatwat, subalit ang pangalan na yan ay may malaking kinalaman sa totoo kung pangalan. Ipinanganak ako sa Lungsod ng Durian taong 1988 buwan ng Agosto sa ika-anim na araw. Bunso sa limang palaka at ang tadpol na mutikang pinalaglag ng malusog kong ina.  Nakapagtapos ng elementarya,  secondary, ngunit di pa sa kalij.  Dating mass com student pero ngayon psychology na. Ewan ko! di pa siguro yan ang huling kursong kukunin ko.

kokak! kokak!

Mahilig magsulat kahit di naman manunulat. Mahilig magpinta kasi alam kong magaling ako. Mahilig kumilatis ng bagay-bagay na nakapalibot sa buhay ko. Mula sa hugis, kulay, laki, lapad, taba, amoy, tunog, at marami pang aspeto. Hanggang may bagay na kapuna-puna. Lagi akong nandoon.

Hindi ako magaling sa lahat ng bagay. Kung pepwede nga lang GUMUHIT ng GUMUHIT nalang. Bakit hindi, edi SOLB! na sana problema ko.

CALL CENTER AGENT ako sa ngayon, pero hindi ko alam kung pati bukas, sa makalawa, sa susunod na buwan, taon , dekada at milenyo. Alam kung ingles ang trabaho ko. Nakikipag-usap sa mga taong  ilang milya ang layo sa akin. Tinatawag na gago, bobo, stupido at lahat na ng may “o” sa huli. Paki-alam ko! Mas BOBO sila sa akin ano (hehehehe).

Ngayon sino nga ba si REBELDENG PALAKA!? Ako ay isang matalinong kokak marunong magmahal sa sariling wika (ETCHUS). Gustong malaman ang nilalaman ng inyong utak, puso at kaluluwa. Isalin na ang mga iyan sa wika at pag-usapan natin ng mabuti. PALAKA may meron rin namang alam sa mga bagay-bagay, pwede magtanong, magsugest, magkoment, at marami pang iba.Tsaka nga pala pilipinong palaka pala ako —SA PUSO, SA SALITA at SA GAWA!

KOKAK! ako yan

Rebelde  na! PALAKA pa! kokak! kokak!

SALAMAT!