wala kasi akong magawa sa araw na to.  kaya nagdesisyon akong magblag na lang muna. ngayon ang pag-uusapan natin ay AKO. ako. ako. ako. ako na bunso ni mr. kokak. bunso ako, lahat ng mata nasa akin at sa lahat ng tadpols ni dad. ako lang ang may lakas ng loob para gumawa ng blog.

kinahiligan ko na talaga ang magsulat kaya, napagpasyahan kung gawing hobbi ang pagblablag. maraming ayaw sa akin, at dahil jan ayaw ko rin sila. marami naman ang may gus1_431846117lto sa kin at dahil din jan gusto ko rin sila.

madali akong basahin kung nasa mood ako, pero minsan talaga pagtinotopak, kahit ako hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa akin. sa madaling sabi madali akong basahin pero mahirap espelingin. alam mo na PSYCHOLOGY student ako.

minsan mahilig akong magtatalon mag-isa. hindi rin naman kasi ako hinahanap ni mr.kokak eh. kaya minsan nagagabihan kung umuwi sa kakatalon sa downtown area. may mga panahon na mas gusto ko ang mapag-isa. kinakausap ang sarili, nagbabasa ng libro, gumuguhit at minsan wala lang nakakatunganga sa kawalan. ako yan! kakaiba.

ang dami ko ng nasabi tungkol sa sarili ko. pero KULANG pa yan. sige hanggang sa uulitin. maraming salamat. at para sa mga bunso jan. laging tandaan. “ANG BATANG MABAIT, PALAGING INAAWAY” kaya ‘wag magpalampa-lampa, lumaban ka, maging REBELDENG PALAKA