dahil na rin sa pablik-demand at dumadaming tadpols na nanonood, bumabasa at tumatangkilik kay mr. kokak. naisipan ng tatay, nanay, kuya, ate, bunso, lola, lolo, kapitbahay, kapitbahay ng kapitbahay, titser at pati na yun humingin ng limos kay mister KOKAK na bakit hindi nalang umano sya maglagay ng GWEST BUK para sa lahat ng mga tadpols na iniidolo sya.

hindi naman masamang sagesxon ang naisipan nila, kaya ngayon OPISYAL NANG may gwestbuk si mr. kokak.

dito sa gwestbuk na to. maari kang magtanong kung ano man ang naisin mo. hanggang sa kayang lunukin ni mr. kokak ang tanong pwedeng pede.

tanggap nya lahat ng puna nyo, mapasama man o hindi. tatanggapin nya ng maluwang sa kalooban. kaya wag na kayong matakot at mahiya na itanong kay mr. kokak kung ano man ang nasa isipan nyo.

nawa’y mag-enjoy kayo sa inyong pagbisita sa mundo ng mga KOKAK! ang kwentong KOKAK. dahil kung REBELDE KA ano na lang kaya si mr. KOKAK na REBELDENG PALAKA!

KOKAkKKKKKKKKKK!!