Di sa lahat ng bagay alam natin tama tayo. Aminin mo!?

Aminin mo na kasi!? Tanong na binibitawan nang kusa ng bibig natin kung may gusto tayong malaman sa ibang tao na sa tingin mo pilit nyang tinatago.

Aminin mo na kasi!? Kahit alam mo mali mo, pilit mong tinatama, diba!? At kahit alam mong pal-pak ka pilit mo tinutulak sa iba ang mali.

Aminin mo na kasi!?

Tanong na kahit papano mahirap sagutin, aminin mo?

At kung sakaling may gusto kang aminin sa mundo na hindi mo kayang ipagsigawan, gawin o yan dito sa SAYT nato. Handa kaming makinig sa ano mang bagay na gusto mong aminin sa mundo.

Aminin mo na — mahal mo yaya mo, type mo driver nyo, bagsak sa PE, pumasa ka frat, nagasta mo ang pera para sa tuition mo, may girlfriend ka na, may botfriends ka na, may boyfriend ka (kahit lalake ka din), may nangyaring di-inaasahan sa kwarto ( nabasag lang ang vase). Sabihin na nating gusto mong aminin na niligawan ka ni sir, type mo si sir, hinipuan ka ni sir ( gusto mo naman), o kaya type mo si ma’am, mahal mo na si ma’am, ayaw mo ng mag-engineer gusto mo ng fashion, ayaw mo na ng blue gusto mo FUSH FUSH ( sige pink nalang) gusto mo ng pink. Ipagpalagay na nating hindi mo kayang aminin ng nagnakaw ka sa mall, nagcheat ka sa exam, na bading ka o tibo ka o ang pinakamasaklap sa lahat ay ang nakapatay ka ng tao (ober ha!).

Yan ang ilan sa mga bagay na hindi mo kayang aminin sa personal, aminin mo!? Well solb na problema mo, nandito na ang nandito na ang blag makikinig sa lahat ng kasinungalingan na gusto mong ipaliwanag este katotohanan na gusto mong ihayag.

Huwag kang mahiya, huwag kang matakot dahil pag-umamin ka buhay mo’y lalambot..

AMININ MO NA KASI!?