Ipinaskil ni: rebeldengpalaka noong: Setyembre 26, 2009
Maraming ayaw sa akin. Galit. Naiinis. Kinamumuhian. Well ! wala naman akong magagawa kung di nila ako gusto. Maraming bagay sa mundo na sadyang hindi nagkakatugma. Bagay na dapat tanggapin ng bawat indibidwal sa lupa. Gaya nang, bakit isasama mo ang pikon sa palabiro. Ang nagdadiet sa halimaw kumain. Bobo sa matalino. Konserbatibo sa liberal. Yan ang mga bagay na iniiwasan ko. Natatakot ako na baka sakaling hindi tutugma ang tono ng utak ko sa nota ng kinakausap ko. Lalo pa’t mahilig akong manggago. PRANGKA ! OGAG ! JOLOGSS ! ako yan !
May iba na gusto ako, laging kasama. Masaya sila kung nasa scene ako ng pelikula ng buhay nila. Ako naman Best Supporting Comedian ang drama ko. ( ang gulo ano comedian tapos drama) Masaya naman ang lolo nyo na kahit papano may nakaka-appreciate sa akin. Gaya ng sabi ko may mga bagay na hindi magkatugma. May iba gusto ako. Meron naming iba na sinusumpa na ang beauty ko. (TANG- INA NYO)
Hindi ko nga alam at ang tanging kinatatakutan ko, kung sakaling sa mga araw ba ng lamay ko, kung sakaling matapos ko na ang misyon ko dito sa mundo. (kung meron man akong misyon) May pupunta kaya sa burol ko at iiyak hanggang sa maubos ang lahat ng tubig sa katawan nya at hanggang sa madehydrate na lang sya. O, baka may magseset-up sa labas mismo ng burol ng sampung malalaking speaker, disco light, house music, at may darating ng DJ mula pa sa Hard Rock café at habang may ng bebenta ng ticket sa labas, paulit- ulit naman sinisigaw ang “LET’S CELEBRATE, HE IS GONE”.
Dyan mo lang naman malalaman kung marami bang nagmamahal sayo. Dahil matapos ang limang-araw na burol, bibilangin mo kung ilang container ng biskits ang naubos, ilang 3 in 1 ang nagamit at kung malaki ba ang kinita ng tong mula sa naglalaro ng madjong, tong-its, sabong, 1,2,3 pass, poker, paintball, piko, patintero, jackstone, jolens, bahay-bahayan at kung anik anik pa. Dito mo rin malalaman kung marami ang tumatangkilik sayo, kung marami ang pumirma sa scrapbook mo, kung saan ilalagay ang pangalan na bumisita sabay hulog ng abuloy. Animo’y scrapbook ng kung sino ang susunod na hihiga sa malamig na kabaong. So! Suggestion kung lang kung sakaling maisipan nyong dumaan sa kaibigan o kapitbahay na kakamatay lang, mas magaganda at mas nanaisin kung dumalaw sa huling araw na, para mas matagal ang schedule mo sa kabaong dahil for sure marami na ang nauna sayo at may nakareserve pa bale dalawang kabaong.
Balik tayo sa mga taong galit sa mundo pagkasama ako. Hindi mo naman kasi masisi ang mga taong insecure at hindi rin naman kasi ako manhid para hindi ko maramdaman kung may HG (Hidden GALIT) ang taong kinakausap ko. Natural, ako naman nagtratransform sa PLASTIC mode, para kunwari abot langit ang saya ko dahil kausap ko sila. Dalawa lang naman ang mukha ng piso, ULO o BUNTOT. Kung buntot sayo talo ka, kung ulo akin panalo ako. Ito lang yun eh ! KUNG HINDI MO AKO GUSTO, KAHIT ANONG MANGYARI MAS LALO HINDI KITA GUSTO! Gets mo!?
Ipinaskil ni: rebeldengpalaka noong: Setyembre 20, 2009
maraming pagkakataon minsan iniisip ko na mag-isa lang ako sa mundo. walang kasama at minsan kinakausap na lang ang sarili. hindi ko maintindihan kung bakit pero alam ko na nasa paligid lang ang kasagutan. sa lugar na aking napupuntahan at pupuntahan pa. sa mga taong aking nakakasalamuha at makakasalamuha pa. sa pangyayaring minsang iniyakan ko at nagbigay ngiti sa aking mga labi. ALAM kong nandoon ang mga sagot sa mga tanong ko — and tungkol mundong ginagalawan ko.
hindi naman siguro masama ang maging ako, bilang ako. minsan tanga, minsan engot, minsan bobo at minsan walang pake-alam sa mundo. LONER na kung loner! masaya naman ako sa tuwing nag-iisa lang ako. bagay na hindi naiintindihan ng ibang tao. sabi “it’s not how you start your life, its how you end it” -ANGELOU DE LEON, linyang sinang-ayunan ko. wala naman sigurong nakaka-alam kung papano ko wawakasan ang buhay ko. kung masaya o malungkot. kung nakasimangot o nakangiti. kung umiiyak o nakatawa. kung mag-isa o may pamilya. 
hindi naman daw bagay sa akin maging loner. sa kadahilanang napapasaya ko ang taong nakakasama ko. marunong at magaling daw akong makisama. NO DULL MOMENT kung ikanga. yun ang pagkakaalam nila. pero sa tingin ko hindi naman lahat ng nakatawa, masaya? dahil ako mismo sarili kong kalungkutan hinuhugot ko pa sa ibang bagay. sa edad ko bente uno. marami na rin akong napag-daan. problema, pera, pag-ibig at kalaswaan. hindi man alam ng mga taong malapit sa akin pero alam ko na sa darating na mga araw,maiintindihan din nila kung bakit ko tinago ang mga iyon. siguro mas malakas lang ang HIDDEN AREA ko sa JOHARI’s window. di pa ako handa na sabihin ang mga mapuputi at maiitim kong secreto.
pero laging hinahanap ng kasama ko ang presensya ko. hindi ko alam bakit. sa inuman ok na kung walang pulutan present lang ako. simpleng bagay napapalaki, nagiging topic kung ako ang unang nakakapuna. kahit korny nagiging box -office ang comedy kung ako ang tumira. pero ganun pa man ang lahat ng iyon parte ng script ko. MAGKUNWARI! NAKAMASKARA! NAGTATAGO!
hindi kailan may nabubuwag sa akin ang pagiging ganito. ako ito at sana maintindihan nyo! sa araw masaya sa gabi malungkot, umiiyak at naghahanap ng kasama — BI-POLAR!
Ipinaskil ni: rebeldengpalaka noong: Agosto 17, 2009
noong una’y animo’y pangarap ko ang pumasok sa ospital. humiga sa kama, na may dekstros at pagsilbihan ng nakakarami. pakiramdam ko kasi para akong hari na pinagsisilbihan ng mga alipin ko. pero mahirap pala ang katotohanan na pag ikaw na ang nasa kama. nakaratay. inutil. walang magawa. nakatingin lang habang ang lahat ng tao namomoblema sa kalagayan mo. mahirap ang malagay sa alanganin. kung saan maya-maya may papasok ng babaeng nakaputi kukunan ka ng dugo na parang bampira sa umaga. iinom ka ng gamot na pagkabigat sa katawan at pati ang ihi mo kailangan mong sukatin.
doon ko lang naisip na ang buhay ay parang saranggola. dumedepende ang ganda at tayog ng lipad nito sa pagkagawa. kung hindi mo iniingatan ang kalusugan mo sigurado tabingi ang saranggola ng buhay mo. sa laro ng saranggola ko, maraming bagay ang dapat kung isipin ang tigas ng kawayan ng ginamit ko. ang tibay ng platstik ng nakatapak sa kawayan at kung kung gaano katibay ang lubid ng buhay ko para salubungin ang malalakas na hangin sa itaas.
habang nasa loob ako ng kwarto, iisa lang ang iniisip ko. mabubuhay pa kaya ako o tapos na ang misyon ko. hindi mo ma-iaalis sa isipan ko ang mag-isip ng ganito. lalo pa’t sa dami ng test na ginagawa. sa dami ng antibiotic na iniinom ko. sa dami ng dugong kinukuha sa akin. sa dami ng karayom na tinutusok sa katawan ko. habang ang isipan ko ay walang ideya kung ano na ang nangyayari sa buo kong katawan. hindi ko alam kung ano ba talaga ang tunay na karadaman ko o pinagtritripan lang talaga ako ng mga doktor.
masakit man isipin na pumasok ako sa ospital pagkatapos ng kaarawan ko. masakit isipin na kakabertday ko lang, nasa loob agad ako ng ospital. pero mas pinili ko ang ganito. mas pinili ko ang maging alipin ng eksperto nang sa ganun malaman ko ang tunay na karamdaman ng katawan ko. sa mga panahong iyo, laging nan dyan ang pamilya ko upang dumamay. kaibigan para bigyan ako ng lakas at panginoon diyos para gabayan ako at bigyan pa ng pangalawang pagkakataon.
hanggang ngayon, di pa ako pumupasok sa trabaho. nagpapahinga. nagpapalakas. siguro nga’y malas ang 2009 sa akin. siguro nga’y kailangan ko ng panibagong AKO sa 2010.
walang nakaka-alam. pero isa lang ang natutunan ko sa karanasan kong ito. WALANG IBANG TUTULONG SA SARILI KO —– KUNDI AKO.
kaya ko to!!
Ipinaskil ni: rebeldengpalaka noong: Hulyo 11, 2009
tahimik ang paligid. bilog ang buwan. tanging palo ng hangin ang maririnig mo sa paligid. alas onse na nang gabii habang tulog na ang lahat. biglang may kumuha sa mga tao sa barrio wang enta.
“waaaaaaaaaaaaaaaaaaaggggggggggggggggggggggggggg”
takot ang lahat sa nangyari. habang ang iba naman ay hindi mapakali kung ano ang gagawin. nagsisigawan. nagtatakbukan. nag-iiyakan.
“ba’t sila nagtatakbuhan? ano ang problema? mom? dad? kayo ba yan? san na kayo? ‘
habang nag-aalala ang lahat sa nangyari sa barrio wang enta. may magsyotang di maayos -ayos ang problema kung sino ang aalis para tumakas sa lugar. ayaw ng babaeng iwan ang lupang nag-mulat sa kanya sa kalaswaan. ang lugar kung saan sikat sya bilang pokpok at laging bida sa miss gay dahil mukha syang lalake.
at umalis ang lalake at hindi na inisip ang kayang syota mula pa noong silay isang malapot na protein substance at ang babae ay nagpasyang magpaiwan para sa kanya tunay na minamahal. hindi man niya masabi-sabi sa hayop na to. pero sa tuwing nakikita nya itong nakatali at naghihintay ng kanyang kamatayan. iisa lang ang iniisip ng babae
“kung kaya ko lang pakawalan ka”.
sa kabilang dako ng istorya, ang lahat ay takot na at hindi alam ang gagawin. biglang ——–
dumating na ang higante. winasak ang barrio wang enta. pinatay ang mga mamamayan. walang natira. patay lahat. kawawa. malungkot. di kaaya-aya. walang nagawa mga nakatira sa nasabing barrio.

dahil na rin sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya. maraming nagbago sa lugar na dating barrio wang enta. naging walang kwenta na ang mga nakatira dito. may mga tanong at sagot na talagang walang kwenta. hindi nagtagal naging barrio walang kwenta na ang tawag dito.
walang kwenta ang kwento ko. sana naisip nyo na walang kwenta to. wahahaha!! kokak
lesson learned : im not stupid i just know how to appreciate NONSENSE things
Ipinaskil ni: rebeldengpalaka noong: Hunyo 15, 2009
magulo. maingay. matamlay.
ang dami kung iniisip nitong nakalipas ng mga araw o dapat ko bang sabihin na buwan. kung gayon kahit ang magsulat at maglagay ng madaliang post dito sa mundo ko sa blag ay hindi ko magawa. ang daming nangyari, na halos di ko namalayan na tapos na pala ang bakasyon. may masayang pagkakataon, lungkot, galit at kahit walang kibo, tila wala ako sa mundo. ayokong isipin na marami akong problema sa nakalipas na mga araw. ayoko ring isipin na lugmok ako sa mundong pinapasan. pero hindi natin hawak ang daloy o script ng buhay natin. maaring tatawa ka sa ngayon pero iiyak mamaya. nakaka-inis ano?
ilang beses kong sinubukang ngumiti, nang sa ganon dili nila makita ang lungkot na dala ng aking mata. pero minsan sa tuwing ako’y mag-isa hindi ko mapigilan ang umiyak at magtanong kung “bakit”. wala akong pake kung ano ang sasabihin nila. hindi naman sukatan ng pagiging malakas ang pag-iyak.
pamilya. pag-aaral. trabaho. kalusugan. sarili ko.
ang dami kong iniisip. bunso’y ma’y tila “I BACK PACK THE WORLD (pasan ko ang mundo)” na. pero ok lang yun. darating ang mga araw “I WILL WAKE UP AND POWDER YOU (babangon ako’t dudurugon kita)” kung sino ka mang may dala ng problema sa mundo.
hehehehe.. dyan ko na lang dinadala ang lahat, sa pagpapatawa. pero minsan ang mahirap kasi,pati ang sarili mo di mo kayang mapatawa. minsan iniisip ko ang kumutil ng sariling buhay (KOKAK) pero hindi naman siguro lahat nadadaan sa ganitong paraan. malakas kaming mga palaka. hindi kami basta-bastang sumusuko. umulan umaraw, uminit o may bagyo, buo parin kami nasa damo at nag-iingay sumusigaw ng “EVERYDAY IS A NEW DAY” and “I WONDER WHAT WILL I LEARN TOMORROW”
kokaakkk!!! kaya ko to!
Ipinaskil ni: rebeldengpalaka noong: Mayo 8, 2009
tang-ina! nakakainis talaga tong mga supervisor minsan. para namang hindi sila naging AGENT noong una. kung maka-asta eh parang ang galing galing na. wala akong magawa jan. mas malaking ranggo ibig sabihin mas malaking ULO.
kanina habang nagdadial ako — dahil na nga sa ako’y isang callboy at trabaho ko ang kuma-usap ng mga puti sa telepono. nakasanayan ko na ang late kumain MINSAN pero hindi sa ngayon. kahit papano nakakapagod at NAKAKAGUTOM talaga ang ganitong trabaho. alas singko palang ng umaga hanggang alas onse-trenta kang magsasalita, makikipagpilitan sa mga kanong tanga, makikipag-away at makikipagPLASTIKAN!? sino ba ang hindi mapapagod jan!? ha!? at sino ang hindi magugutom jan!?
alas otso-trenta na ng umaga, kaunti nalang ang natira sa terminal namin dahil nagmemeal break na ang lahat, habang ako bumubula pa ang bibig sa kakabasa ng survey at kakatanong sa mga bobong kanong kaka-aktivate o kaka-upgrade lang ng T-M selphone nila. lumapit sa akin ang supervisor ko sabi ” AUGUS in 30 minutes do a lot of completes, ok?”. dahil na rin sa maliit ang productivity rate ko at nandidilim na ang paningin ko sa gutom hindi na ako nagdalawang isip na tanungin ang supervisor ko na may halong pelosopo faktor “AM I NOT GOING TO EAT YET”, sabay sabi ng quality assurance supervisor ko ng “YEAh IT WAS LIKE HE WAS TELLING THAT HE IS HUNGRY —— “. akalain mo yung sinabi nya na “ME TOO IM HUNGRY”. hungry sa mukha nya wala naman syang ginawa kundi ang maglakad na may kembot sa pwet (BADING KASI), tapos sasabihin nyang “me too”.
buti nalang pinakain nya na ako. napansin siguro nya na parang hindi na maganda ang takbo ng pananalita ko. wahahaha. pero may inis pa rin ako sayo bading ka!
minsan kasi dapat kayo nga supervisor maging mabuti kayo minsan. isipin nyo na minsan nyo ring napagdaan ang ganitong trabaho. dapat alam nyo kung ano ang pakiramdam ng mga kalamay nyo. makibagay kayo. hindi ko nilalahat pero meron talagang iba ng lumulubo ang ulo. porket nanjan na kayo. hahaii.. kaya ikaw umayos ka sa buhay mo!!
grrrrr! KOKAAAAAAKKKKKK
Ipinaskil ni: rebeldengpalaka noong: Mayo 8, 2009
ang dami kong pinapangarap sa buhay. ang dami kung gustong bilhin, maangkin, mapuntahan, masuot, magamit, makain at mapasaakin pang habang buhay. minsan nga e, lumilipad ang utak ko sa kaaisip ng mga bagay na kahit papano hindi naman masyadong mahirap abutin, mga bagay na di gaanong malayo sa katotohanan. ikanga ng iba “LIBRE LANG NAMAN ANG MANGARAP”.
sa edad kong 20 marami na akong narating sa buhay. may trabahong maganda. nag-aaral sa dekalidad na institusyon. may masayang pamilya na handang tumulong sa akin. nakakabili at nakakakain ng mga pagkaing minsan kung gugustuhin ko. marami narin akong napuntahan dahil na rin sa pagsisikap ko.
pero pano ang bukas? kung hindi ko na kaya!? pano nalang ang mga pangarap kong hindi ko pa naabot. may pag-asa pa kayang mahawakan ko to, kung saka-sakaling mapagod ako sa pangangarap ng mga bagay na kinakailangan ng mahabaang pasyensya!?pano nga kaya!? hahaii!? mahirap ano!?
sa ngayon ang pangarap ko lang naman sa buhay ang makapagtapos ng sikolohiya, mag-aabugado pagkatapos. matulungan ang pamilya at maituloy ang pinaplano naming gumawa ng coffee shop kasama ang barkada ko. pero ang isa sa mga pangarap ko talaga sa buhay ang mailagay ang saya, lungkot, galit, gulo, ingay, pait, tuwa, at liwanag ng bawat tao sa pang-araw araw sa isang litrato at yan ay ang maging —
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-

Ipinaskil ni: rebeldengpalaka noong: Abril 25, 2009
matagal na sana ko itong isulat. pinag-iisipan ko talaga ng maayos kung isasali ko ba ito sa mga koleksyon ko ng mga blag. mag-iilang buwan na rin ang nakalipas ng kalilala ko ang babaeng, kahit papano ay nagpatibok ng puso ko sa pangalawang pagkakataon.
naging kaklase ko sya, at naging malapit kami sa isa’t-isa.
nagsimula ang lahat ng nagkasama kami sa isang smoking session sa labas ng school namin. hindi ko akalain na makakasama ko pala ang babaeng magugustuhan ko sa trip ko na paninigarilyo. sabi nya sakin, yosi muna daw kami habang hinihintay nya yung pinsan nya. sabi ko naman PINSAN nga ba ang hinihintay ng babaeng ito? sa ganda ny,a na may lahing koreana. hay! nako pinsan nga ba!? o pinsan pinsanan.
hindi naman ako magulong kausap edi sinamahan ko na. maya-maya umalis na sya kasi nandun na umano ang pinsan nya, naghihintay sa lugar na pinagkasunduan nila kung saan sila magkikita. sabi ko “hatid na kita”. bumalik ako sa mall mag-isa.
naglupaypay. nagpaka-emo. nagpakasenti. habang iniisip ang mukha nya.
nang naisipan ko ng umuwi. nakita ko ang dalawa sa isang restaurant,kumain. iba ang tinginan. parang hindi magpinsan. alam kung may iba sa kanila. pero dahil sabi nya. naniwala ako. nabuhayan ako sa sinabi nyang wala nga syang bf. hahaiii.. sa wakas.
makalipas ang ilang araw ng pagpaparamdam. habang naglalakad kami sa mall kasama pa ang iba ko pang kaklase. nakita ko ang sinasabi nyang pinsan. sabi ko “pinsan mo, may kasamang babae”. maya-maya biglang nag-iba nag-ihip ng hangin. hindi na kumikibo. at parang maluha-luha na ang mata. sabi nya ayaw pa raw niyang umuwi at nagyaya ng isang yosi break.
doon nilabas niya ang lahat, inamin na hindi nya nga pinsan ang lalaki. boyfriend nya ito at mag-iisang taon na sila. masakit na medyo masaya pero ayaw kong kung isipin na pinagsasamantalahan ko ang sitwasyon nila. umiyak sya sa harap ko.
wala akong magawa. mi kahit panyo ko hindi ko naibigay, speechless ako. unang babaeng umiyak sa harap ko. sabay sabi nya “GANYAN BA TALAGA KAYONG MGA LALAKI? MANLOLOKO?”
ang sakit!
Ipinaskil ni: rebeldengpalaka noong: Abril 12, 2009
minsan naisip ko kung bakit tanging gunting, papel at bato lang ang ginagamit sa larong jack en poy. depressing! kasi kung iisipin mo pano matatalo ng papel ang bato kung bato pa rin naman ito kung babalutin ng papel. e pano kung napakalaking bato ang babalutin ng papel na kakaramput diba!? bakit natatalo ng gunting ang papel, eh pano kung ang kinalabasan ng paggunting ay STARS, MOON, HEART at marami pang bonggang shape!? o diba winner parin?!
kaya inisip ko na dapat dagdagan na ang mga gagamiting kasangkapan sa paglalaro ng jack en poy.
PAKO vs BATO: matatalo ng pako ang batong malaki. kasi nadudurog ito ng pakong ginagamit sa atip. sosyal!
APOY vs PAPEL: walang takas ang papel sa apoy dahil siguradong abo ang patutunguhan ng papel nyo. kahit stationary pa yan o special paper.
FORK vs GUNTING: ewan ko lang hindi masira ang gunting mo kung pipilitin mong guntingin ang tinidor kong napakamahal. gudluck na lang.
at kung tatanungin nyo ako kung ano ang makakatalo sa PAKO, GUNTING at FORK? ewan! hindi ko rin alam. hindi ko rin naman kasi na try na gamitin ang mga ito. suggestion lang naman tong sa akin.. ang galing ano!?
sino ang unang gustong chumalenge sa akin raise to 1,000,000.. kokak!
pampa-KOKAK ng PUSO