Posts from the ‘konserbatibong palaka’ Category

i LOVE you, broooooooo!

hmmmm!! ano bang pedeng pag-usapan sa ngayon? marami kasing pede isulat at sa sobrang daming pwedeng isulat wala akong maisulat. matagal-tagal na rin akong di nakakapagsulat dito, siguro maramin naring naghahanap sa pasaway na palaka. hmmmm!!! kalurkie!

ganito nalang! ikwekwento ko nalang ang mga bagay na nakikita ko dito na hindi ko kadalasan nakikita sa probinsya. alam naman nating lahat na tangap na sa lipunan natin ang mga same sex relationship. wala naman din akong problema sa kanila. buhay naman nila yun at hindi mo maikukubli na pagwapo-ng-pagwapo ang nagkakaroon ng boyfriend. tipong matinee idol, yung pedeng gawing lead star sa mga action films. wahahaha!kaya nga siguro lumalakas ang gym business sa ngayon dahil sa kanila. para na kasing standard yun ng mga bi or wateber you kall dem.

noong mga unang buwan ko dito sa manila. yun talaga ang isa sa mga pinapansin ko habang nililibot ko ang metro sa kakahanap ng kolehiyong mapapasukan. pero sa paglilibot ko. hindi kolehiyo ang nakita ko kundi mga bagay na hindi ko inaasahan na may kinalaman sa pinag-uusapan natin. dahil na rin sa sabi ng ate ko, na cubao is the place to be. so lagi akong stop over sa cubao para magpahinga at lahat lahat na.

sinong magaakalang may makikita akong dalawang lalaking panggym instructor ang katawan na naghoholding hands. ) ang swet naman! inisip ko. ayy ganun! ang laki talaga ng impluwensiya ng kanta ni yeng- HAWAK KAMAY SA PAGLAKABAY.

one point! galing!

ilang araw, may kaibigan akong mula davao ang pumunta sa manila at sabi magkikita daw kami sa gateway kasi manonood sya ng koncert maya-maya. so libre ako ni ate at habang ako ay naghihintay sa order namin. akalain mo nga namang may nagsusubuan ng ice cream sa kabila mesa. ang SWEET at LAMIG talaga!kaso nga lang ang dawalang nasusubuan ay pawang adan na talaga namang pinagpawisan silang hulmahin ng diyos. ARTESTAHIN at natural sa tingin ko member sila sa fitness first.. animo’y hiniram muna ang t-shirt ng pamangking lalaki para bakat na bakat ang utong. AMASING GRASYA!

two points — one to go!

eto ang masaklap. habang naghihintay akong tawagin para sa interview ko na sabi alas 10 ng gabi pero alas singko ng umaga pa pala ako tawagin at nabanggit ko ba ang pangalan ng companya!? wag na! basta nasa loob sya ng MARKET MARKET! eto may isang lalaking mukhang half breed german at sheperd ata. tapos hindi sya mapalagay, pang may hinahanap. di ko nga alam kung gaano ba kalaki ang hinahanap nya kasi parang balisang balisa sya. YUN! huli ka. nakita nya na rin. ang hinahanap lalaki, singkit, moreno, mas matangkad bandang 5’9″ ata at hinihila niya ito. LIP READING TAYO sabi “tara na!”,”ayoko nga sumama”,”ayaw mong sumama sa akin?wala akong kasabay kumain”, ” ayaw ko nga” ayyyy lovers away! maya maya sumama na rin ang singkit. pero di galit parin, actually ang swit nilang tignan. parang labra at shitzu nag-aaway!! HAHAHAHAHA! APRUB!

ting ting ting – tatlo na puntos ko!

siguro hanggang dito nalang, next ko sigurong babantayan. yun mukhang inosente pero demonyo pala! hahahahha

pakitagay please!!

nagsisimula ng dumami ang tao. maingay ang paligid, may naglalakad, nagtetext, tumatawa, nakatutunganga, umiinom, kumakain at marami pa. lahat ay busy.

klase-klaseng tao, klase-klaseng antas sa buhay. may teens, matatanda, at middle-of-the-road. habang ako walang magawa gumagawa ng blog na to. ang daming pumapasok sa isipan ko. mga bagay na ginawa ko at gusto kung gawin. kung papagalitan ako pag-uwi o matutulog nalang diretso. kung ano na ang nangyari sa pbb at survivor palau. hindi ko mapantayan ang antas ng utak ko. MAGULO. RAMBOL. MAINGAY.

ang ganitong pangyayari ay minsanan nalang sa buhay ko. bawal na ako umuwi ng matagal. bawal to! bawal yan! ngayon—para akong asong nakawala sa isang dog house, masaya pero unti-unting nalulungkot dahil hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko sa ganitong pagkakataon. matagal-tagal na rin akong di nagyoyosi. nilalanghap ang bawat usok ng katabing kaibigan habang nakikiramdam ako sa lamig ng bote ng red horse na iniinom ni ROSELLE.

bawat musika sa paligid, mula sa balot vendor na umiikot sa lugar, strum ng gitara mula sa combo, ang malamig ng boses ng bokalista, bawat apak ng paa ng mga waiter na busing  nagbibigay serbisyo sa mga customer, yan ang nagpapabuhay ng utak kong tulog habang hinahayaan ang mga daliri kong pindutin ang maliliit na square ng laptop ng kaibigan ko. hindi ko alam kung ano dapat ang isusulat ko!!! WAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH

TULONG! nalulunod ako sa sobrang tahimik. unti-unti akong sinasakal ng kaboringan at tagos hanggang puso ang tusok ng kablangkuhan ng pag-iisip ko.

inuman na mga tol. kantahan na mga kapatid. maya-maya lasing na tayong lahat!!

GREAT.. nakalimutan ko rin ang lahat ng nangyari..

i got BI-POLAR

ynmaraming pagkakataon minsan iniisip ko na mag-isa lang ako sa mundo. walang kasama at minsan kinakausap na lang ang sarili. hindi ko maintindihan kung bakit pero alam ko na nasa paligid lang ang kasagutan. sa lugar na aking napupuntahan at pupuntahan pa. sa mga taong aking nakakasalamuha at makakasalamuha pa. sa pangyayaring minsang iniyakan ko at nagbigay ngiti sa aking mga labi. ALAM kong nandoon ang mga sagot sa mga tanong ko — and tungkol mundong ginagalawan ko.

hindi naman siguro masama ang maging ako, bilang ako. minsan tanga, minsan engot, minsan bobo at minsan walang pake-alam sa mundo. LONER na kung loner! masaya naman ako sa tuwing nag-iisa lang ako. bagay na hindi naiintindihan ng ibang tao. sabi “it’s not how you start your life, its how you end it” -ANGELOU DE LEON, linyang sinang-ayunan ko. wala naman sigurong nakaka-alam kung papano ko wawakasan ang buhay ko. kung masaya o malungkot. kung nakasimangot o nakangiti. kung umiiyak o nakatawa. kung mag-isa o may pamilya. n1418124567_282288_4606659

hindi naman daw bagay sa akin maging loner. sa kadahilanang  napapasaya ko ang taong nakakasama ko. marunong at magaling daw akong makisama. NO DULL MOMENT kung ikanga. yun ang pagkakaalam nila. pero sa tingin ko hindi naman lahat ng nakatawa, masaya? dahil ako mismo sarili kong kalungkutan hinuhugot ko pa sa ibang bagay. sa edad ko bente uno. marami na rin akong napag-daan. problema, pera, pag-ibig at kalaswaan. hindi man alam ng mga taong malapit sa akin pero alam ko na sa darating na mga araw,maiintindihan din nila kung bakit ko tinago ang mga iyon. siguro mas malakas lang ang HIDDEN AREA ko sa JOHARI’s window. di pa ako handa na sabihin ang mga mapuputi at maiitim kong secreto.

pero laging hinahanap ng kasama ko ang presensya ko. hindi ko alam bakit. sa inuman ok na kung walang pulutan present lang ako. simpleng bagay napapalaki, nagiging topic kung ako ang unang nakakapuna. kahit korny nagiging box -office ang comedy kung ako ang tumira. pero ganun pa man ang lahat ng iyon parte ng script ko. MAGKUNWARI! NAKAMASKARA! NAGTATAGO!

hindi kailan may nabubuwag sa akin ang pagiging ganito. ako ito at sana maintindihan nyo! sa araw masaya sa gabi malungkot, umiiyak at naghahanap ng kasama — BI-POLAR!

hinagpis ni MR. KOKAK!

magulo. maingay. matamlay.

ang dami kung iniisip nitong nakalipas ng mga araw o dapat ko bang sabihin na buwan. kung gayon kahit ang magsulat at maglagay ng madaliang post dito sa mundo ko sa blag ay hindi ko magawa. ang daming nangyari, na halos di ko namalayan na tapos na pala ang bakasyon. may masayang pagkakataon, lungkot, galit at kahit walang kibo, tila wala ako sa mundo. ayokong isipin na marami akong problema sa nakalipas na mga araw. ayoko ring isipin na lugmok ako sa mundong pinapasan. pero hindi natin hawak ang daloy o script ng buhay natin. maaring tatawa ka sa ngayon pero iiyak mamaya. nakaka-inis ano?

ilang beses kong sinubukang ngumiti, nang sa ganon dili nila makita ang lungkot na dala ng aking mata. pero minsan sa tuwing ako’y mag-isa hindi ko mapigilan ang umiyak at magtanong kung “bakit”. wala akong pake kung ano ang sasabihin nila. hindi naman sukatan ng pagiging malakas ang pag-iyak.

pamilya. pag-aaral. trabaho. kalusugan. sarili ko.

ang dami kong iniisip. bunso’y ma’y tila “I BACK PACK THE WORLD (pasan ko ang mundo)” na. pero ok lang yun. darating ang mga araw “I WILL WAKE UP AND POWDER YOU (babangon ako’t dudurugon kita)” kung sino ka mang may dala ng problema sa mundo.

hehehehe.. dyan ko na lang dinadala ang lahat, sa pagpapatawa. pero minsan ang mahirap kasi,pati ang sarili mo di mo kayang mapatawa. minsan iniisip ko ang kumutil ng sariling buhay (KOKAK) pero hindi naman siguro lahat nadadaan sa ganitong paraan. malakas kaming mga palaka. hindi kami basta-bastang sumusuko. umulan umaraw, uminit o may bagyo, buo parin kami nasa damo at nag-iingay sumusigaw ng “EVERYDAY IS A NEW DAY” and “I WONDER WHAT WILL I LEARN TOMORROW”

kokaakkk!!! kaya ko to!

supervisor pede meal break?

tang-ina! nakakainis talaga tong mga supervisor minsan. para namang hindi sila naging AGENT noong una. kung maka-asta eh parang ang galing galing na. wala akong magawa jan. mas malaking ranggo ibig sabihin mas malaking ULO.

kanina habang nagdadial ako — dahil na nga sa ako’y isang callboy at trabaho ko ang kuma-usap ng mga puti sa telepono. nakasanayan ko na ang late kumain MINSAN pero hindi sa ngayon.  kahit papano nakakapagod at NAKAKAGUTOM talaga ang ganitong trabaho. alas singko palang ng umaga hanggang alas onse-trenta kang magsasalita, makikipagpilitan sa mga kanong tanga, makikipag-away at makikipagPLASTIKAN!? sino ba ang hindi mapapagod jan!? ha!? at sino ang hindi magugutom jan!?

alas otso-trenta na ng umaga, kaunti nalang ang natira sa terminal namin dahil nagmemeal break na ang lahat, habang ako bumubula pa ang bibig sa kakabasa ng survey at kakatanong sa mga bobong kanong kaka-aktivate o kaka-upgrade lang ng T-M selphone nila. lumapit sa akin ang supervisor ko sabi ” AUGUS in 30 minutes do a lot of completes, ok?”. dahil na rin sa maliit ang productivity rate ko at nandidilim na ang paningin ko sa gutom hindi na ako nagdalawang isip na tanungin ang supervisor ko na may halong pelosopo faktor “AM I NOT GOING TO EAT YET”, sabay sabi ng quality assurance supervisor ko ng “YEAh IT WAS LIKE HE WAS TELLING  THAT HE IS HUNGRY —— “. akalain mo yung sinabi nya na “ME TOO IM HUNGRY”. hungry sa mukha nya wala naman syang ginawa kundi ang maglakad na may kembot sa pwet (BADING KASI), tapos sasabihin nyang “me too”.

buti nalang pinakain nya na ako. napansin siguro nya na parang hindi na maganda ang takbo ng pananalita ko. wahahaha. pero may inis pa rin ako sayo bading ka!

minsan kasi dapat kayo nga supervisor maging mabuti kayo minsan. isipin nyo na minsan nyo ring napagdaan ang ganitong trabaho. dapat alam nyo kung ano ang pakiramdam ng mga kalamay nyo. makibagay kayo. hindi ko nilalahat pero meron talagang iba ng lumulubo ang ulo. porket nanjan na kayo. hahaii.. kaya ikaw umayos ka sa buhay mo!!

grrrrr! KOKAAAAAAKKKKKK

“GANYAN BA TALAGA KAYONG MGA LALAKI? MANLOLOKO?”

matagal na sana ko itong isulat. pinag-iisipan ko talaga ng maayos kung isasali ko ba ito sa mga koleksyon ko ng mga blag. mag-iilang buwan na rin ang nakalipas ng kalilala ko ang babaeng, kahit papano ay nagpatibok ng puso ko sa pangalawang pagkakataon.

naging kaklase ko sya, at naging malapit kami sa isa’t-isa.

nagsimula ang lahat ng nagkasama kami sa isang smoking session sa labas ng school namin. hindi ko akalain na makakasama ko pala ang babaeng magugustuhan ko sa trip ko na paninigarilyo. sabi nya sakin, yosi muna daw kami habang hinihintay nya yung pinsan nya. sabi ko naman PINSAN nga ba ang hinihintay ng babaeng ito? sa ganda ny,a na may lahing koreana. hay! nako pinsan nga ba!? o pinsan pinsanan.

hindi naman ako magulong kausap edi sinamahan ko na. maya-maya  umalis na sya kasi nandun na umano ang pinsan nya, naghihintay sa lugar na pinagkasunduan nila kung saan sila magkikita. sabi ko “hatid na kita”. bumalik ako sa mall mag-isa.

naglupaypay. nagpaka-emo. nagpakasenti. habang iniisip ang mukha nya.

nang naisipan ko ng umuwi. nakita ko ang dalawa sa isang restaurant,kumain. iba ang tinginan. parang hindi magpinsan. alam kung may iba sa kanila. pero dahil sabi nya. naniwala ako. nabuhayan ako sa sinabi nyang wala nga syang bf. hahaiii.. sa wakas.

makalipas ang ilang araw ng pagpaparamdam. habang naglalakad kami sa mall kasama pa ang iba ko pang kaklase. nakita ko ang sinasabi nyang pinsan. sabi ko “pinsan mo, may kasamang babae”. maya-maya biglang nag-iba nag-ihip ng hangin. hindi na kumikibo. at parang maluha-luha na ang mata. sabi nya  ayaw pa raw niyang umuwi at nagyaya ng isang yosi break.

doon nilabas niya ang lahat, inamin na hindi nya nga pinsan ang lalaki. boyfriend nya ito at mag-iisang taon na sila. masakit na medyo masaya pero ayaw kong kung isipin na pinagsasamantalahan ko ang sitwasyon nila. umiyak sya sa harap ko.

wala akong magawa. mi kahit panyo ko hindi ko naibigay, speechless ako. unang babaeng umiyak sa harap ko. sabay sabi nya “GANYAN BA TALAGA KAYONG MGA LALAKI? MANLOLOKO?”

ang sakit!

red horse

niyaya ako ng dati kong kasamahan sa trabaho na gumimik at dahil matagal na rin kaming hindi nagkita eh pinagbigyan ko na.  mahirap na baka magtampo sa akin. inuman ang trip namin sa gabing ito. sabi ko sa kanila di ako umiinom kasi nagpapalpitate ako pag umiinom ng kahit ano mang alkohol.pero dahil na rin sa mahirap tangihan ang alok ng barkada. uminom na rin ako.

hahai!! sa lahat  ng ayaw ko talaga ang umiinom bakit kamo: una nangangati ako makalipas ang ilang minuto: pangalawa umiinit ang katawan ko: pangatlo nahihirapan akong huminga at namumula pa talaga.

nung una’y isa munang baso tapos dalawang baso na. hanggang sa dumami na ang nainom. hahaiii!! mahirap tumanggi sa alok. lalo na kung minsanan lang naman ang ganitong pagkakataon lalo sa part ko na nag-aaral sa hapon nagtratrabaho sa umaga.

ngayon para na akong isda lapu-lapu sa sobrang pula at ang ulo ay napakasakit na. grrrrrrr… kainissss!!

paalala ng vatican sa araw ng kwaresma

trike125“wer na you?”

“wud?”

“wun?”

“musta na you?”

yan ang mga bagay na lagi nating naririnig sa tuwing nagtetext tayo. hindi magka-ugaga ang mga daliri natin sa kakapindot ng mga keypad ng selpon. pindot dito, pindot doon. kahit saan pindot.

pindot. tawag. pindot. tawag.

kahapon habang nagsisimba ako, hati ang pag-iisip ko. medyo inaantok na naaaliw sa magkapatid na nasa harapan na simula’t sapul ay walang ginawa kundi ang magchismisan. ang sosyal pa naman ng ginagamit nilang lengwahe. ENGLISH! nasa kalagitnaan na nang sermon ang pari ng nabanggit nya ang paalala ng VATICAN sa pagdiriwang ng kwaresma.

NAKIKI-UUSAP ang vatican na isali umano nating mga pinoy sa ating sakripisyo ang hindi PAG-TEXT,  PAKIKIPAGTELEBABAD, o kahit anong may kinalaman sa selpon.

at dahil narin sa binansagang texting capital ng mundo ang pinas. magagawa kaya ng mga pinoy ang simpleng pag-iwas natin sa ating mga celpone? kahit ako nga ehh hindi ko alam kung makakaya ko ang simpleng pag-iwas dito!? tuwiran kaya nating ma-isama sa listahan natin na pag-uukulan natin ng sakripisyo maliban sa pagkain ng karne. pagpunta sa mga gimikan. at marami pang iba.

ito ang araw ang pagpapahalaga umano sa panahon kung kailan pinako sa krus ang Panginoon. kay dapat umano natin bigyan galang.

pano yan. usong-uso pa naman ang chain messages kung saan kailangan mo umanong ipasa sa bente pang nasa phonebook mo ang mensaheng patungkol sa kwaresma o sa Panginoon. uutusan ka pa na wag putulin ang kadenang mensahe kundi may mangyayaring masama (NANAKOT PA). pano ba iiwasan ang selpon sa kwaresma kung para sa iba ito ang panahon para pumunta sa magagandang lugar at magbakasyon?! dahil na rin sa kasama na sa selpon mo ang kamera. kahit saan PIKTUR-PIKTUR ang bukang bibig.

may wacky, seryoso, at may paturo pa sa kawalan. mga bagay na talamak sa ating mga pinoy.

alam kung mahirap ang simpleng pag-iwas sa selpon. lalo pa’t minsan ito ang tanging komunikasyon para magkakalayong pamilya. pero gaya nang laging sinasabi ng nanay ko.

“KUNG MAGAWA MONG MAGTAMBAY KASAMA ANG BARKADA MO SA MALL NG HIGIT LIMANG ORAS, BAKIT DI MO KAYA ANG MAGSIMBA KAHIT  MAN LANG ISANG ORAS AT KALAHATI “

asian fashion 2009 sa pinas

ano ba ang bagay na fashion sa iyo?

palagi mo bang tinatanong yan sa sarili mo!? kasi sa tuwing may gimik kayo ng barkada mo, ehh pabalik balik na lang ang sinusuot mo. alam mong magaling kang magdala ng damit, pero hindi mo alam kung ano ang babagay sayong damit.

try mo lang to! baka sakaling makatulong.

ea1b1cd0c994c0_fullkanais-nais naman pala kung malaking bag ang dadalhin ng mga lalaki. nasa pagdala lang yan. in pa rin ang long sleeves. at ang cap — dagdag points yan. oppsss skinny for boys? opkors pasok sa listahan at tandaan white fits all gaya ng bagong bili mong puting sapatos.

948d69ba8c8880_full

ang old school na glasses wag na wag kalimutan lalo na kung asset mo ang mga mata mo. idagdag mo pa ang scarf na parang nagmamadali mo lang pagkalagay at ang makukulay mong FINGER nails–SOLB!

dc7596a393cd90_full

kapag may araw wag kalimutan ang shades. rayban shades, wid beeg lenses na animo’y bubuyog ang drama mo ay patok na fashion. isama mo na ang sweatshirt na hapit na hapit na parang nang-aakit at nagsasabing GUSTO MONG TUMIKIM!?

089b4059ee5ed0_full

d818c1d2ce3510_full

kung pag-uusapan ang buhok talagang nakakabighani ang may mahaba tapos kulot sa bandang ilalim. ipartner mo pa ang hoodie na parang extra-extra-extra large ang size kaysa size mo na may kulay na evang-eva. tsak, head turner ka na!

sinong may sabi na loas na ang bonnet!? hindi pa ano. long sleeves parin na may stripes design ang in sa madla. simple pero rock. ang kargo pants with cockey color nafloflow kahit anong style mo. tugeder wid your white trendy shoes — GO!GO!GO!

para sa mga chikas jan, laging tandaan mas naaatrack kami sa may malinis na aura.  gaya ng 4b97413e802fc0_fullputing inner na damit tapos light na bolero, tapos kung may maputi kayong thighs at legs ehh ipakita nyo na. pero tandaan wag naman yun nagmumukha na kayong bastusin. SKINNY jeans?? in parin. tama wag kalimutan an dagling earings ha— happy na SOLB pa!

yan ang mga nasagap kong fashion sa ngayon. gaya ko na fashionistong palaka, lagi kong iniisip ang bagay na komportable ako. kung sa tingin kong masaya at ok ako sa suot ko, ehh dun ako.

NASA PAGDADALA LANG YAN! kokkkkkakkkkkk!!!

nang ma-inlove ang “torpe”

minsan iniisip ko na kabilang ako sa kapisanan ng “walang syota mula pag-kabata”. mahirap lalo na sa mga panahon na ang pinag-uusapan ay LOVE. lintik lang ang walang ganti.

nakakainis. nakakapanghinayang. NAKAKATORPE.

maraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon wala akong syota. isa lang naman ang sinasagot ko “e sa walang dumating ehh”. mapipilit ko ba silang magustuhan ako. hahaii.

may mga pagkakataong may nararamdaman na akong iba sa mga kaibigan kong babae. nagseselos kung may kasama silang iba. naiinis kung hindi sila makita. nahihibang kung nakaka-usap sila. pero hanggan doon lang yun. wala na akong magawa.

nauutal. nabubulol. lumilipad.

anak nga naman ng torpeng palaka. mi kahit sell pon number di ko maitanong. hindi rin naman siguro ako kapangitan para hindi magustuhan. hindi rin naman siguro basag ang mukha ko para kamuhian. may isang pagkakataon na may gustong-gusto akong babae. ideal girl ko talaga. may brace, mahaba ang buhok, chinita at puti. pero wala hanggang tingin na lang ako. at sa tuwing nakikita ko sya animo’y nagbibilang ako ng bituin sa langit na para bang wala ako sa sarili.

pero hanggang doon na lang yun. nasa kalij na ako pero wala pa ring nangyayari. eto umuuwi na hawak ang bag. pumupunta sa mall na kasama ang animo at natutulog na nag-gogood night sa sarili.

torpe na kung sa torpe. wala tayong magawa. pinanganak akong torpe.

at nang mainlove ako na isang torpe —- TORPE pa rin!