Posts from the ‘konserbatibong palaka’ Category

“MAY nagmahal lang kasi ng SOBRA!”

897400311lhabang naghihintay sa titser namin sa ZOO lab, bigla naming napag-usapan ng magkakagrupo ang topic na pag-ibig. bagay na kahit noon pa man ay iniiwasan ko. hindi ko alam kung bakit? pero laging may sinasabi ang isipan ko na ‘wag kang makisali sa usapang iyan. pero sa pagkakataong ito, nilabanan ko ang utos ng utak ko. nakisali at nakisalamuha ako sa usapang matagal ko ng hindi sinasalihan.

nagsimula ang lahat ng tinanong ako ng kaklase kong babae kung talaga bang madaling na-eenganyo ang mga lalaki sa mga babaeng may malaking hinaharap. sinagot ko sya ng deretsahan— OO. pero sinabi ko sa kanila ,para sa akin kasi iba ang papanaw ng lalaking may gf na at sa wala kung ang pag-uusapan ay tungkol sa mga bagay na yan. natural kung single ang tatanungin mo may posibilidad na sasabihin nilang malaking puntos ang  may malaking hinaharap. pero sa mga taong minsang pinalad at nawasi sa pag-ibig. hindi na sila tumitingin sa pisikal na anyo ng babae — UGALI ang importante, ka’ ko’.

hanggang umabot ang usapan tungkol sa nakaraan ko. maluwang ko kwinento sa kanila kung ano ang nangyari sa una at sa huli kong naging gelpren.

nagpang-abot ang aming landas sa san fernando, la union. unang tagpo at unang usap at unang sulyapan ng mata (KORNY). galing sya sa iloilo, bokalista, gitarista at drummer sa kanilang banda. mala-anghel talaga ang boses at natural na natural ang gandang pinay sa kanya.

matapos ang seminar sa san fernando, la union at nagsi-uwian na ang lahat ng partisipante ng naturang pag-titipon. hindi ko inakala na mas lalong patitigasin ng layo namin sa isa’t isa ang aming pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan.

naging kami sa loob ng tatlong buwan. tatlong buwan na tanging selpon ang nag-uugnay sa aming mga pusong, hindi mapakali sa tuwing lumilipas ang panahon na hindi kami magkasama.

agosto 8 , 2006 ng naging kami. masaya ang lahat.  lalo na kami. dahil alam ko na sya ang unang nagpatibok sa puso kong bato, gayon naman sa kanya. mahirap sa mahirap at masakit sa masakit sa tuwing nakakakita ako ng magsyota sa paligid na parang nilalanggam ang kaswitan sa isa’t isa. pero wala akong magawa pinasok ko ang ganitong relasyon, hahawakan ko ito sa ganitong posisyon — LONG DISTANCE RELATIONSHIP.

lumipas ang buwan, linggo, araw, oras, minuto at segundo. unti-unti ko ring nararamdaman na  mahirap ng ganitong sitwasyon. gusto ko ng bumitaw pero hindi ko kayang sabihin sa kanya. masakit pero wala akong magawa, may pangangailangan din ako bilang lalaki — (HINDI YANG INIISIP NYO HA) kailangan ko ng syotang nasa tabi ko, nahahawakan ko, at nayayakap ko. pero pano yan malayo sa katotohan ang pinapangarap ko.

pangatlong buwan na. buwan ng walang kasiguruhan. bumitiw ako. may luhang nasayang pero kahit papano may pusong natutu sa mga nangyari. agosto 24, napakarami kong ginawa. kaliwa’t kanan ang inaasikaso ko. NAPAKADAMI. sa sobrang dami nakalimutan ko syang batiin sa araw ng kanyang DEBUT. ang laki kong tanga, sa lahat ng pwede kong kalimutan yun pa. alam kong kasalanan ko. pero tao lang ako. agosto 25, sumunod na araw. bumitiw na ako sa lubid. hindi ko na kaya. kapal ng mukha ko ano, ako pa ang nakipaghiwalay sa kanya. GANYAN talaga!

lumipas ang mga araw na nagtetext kaming dalawa bilang magkaibigan. text na parang walang nag-uuganay na kahapon sa aming  dalawa. hanggang may isang pagkakataong , nag-usap kami sa text.

“mustah? musta na ang iloilo matapos ang bagyo?!” sabi ko

sabi nya “ok lang pero ang daming dapat ayusin sa iloilo”

pabiro kung sabi “dito ka na kasi sa davao”,

 “nge ano ang gawin ko jan!?wala ang pamilya ko jan!”

“edi gawa tayo ng pamilya, hehe problema ba yun.”

“haha, hindi na pede!”

“anong hindi na pwede, so u min taken ka na ngayon?”

“huo, MAY NAGMAHAL LANG KASI NG SOBRA”

MAY NAGMAHAL LANG KASI NG SOBRA— linyang tumapos sa pag-uusap na nangyari. ano ang ibig nyang sabihin sa binitawan nya? anong gusto nyang ipadama sa akin? anong gusto nyang sabihin?

na noong naging kami HINDI KO SYA MINAHAL NG SOBRA!?

KOKAKKKKKKKKK!

pagpusong MAMON ang nagmahal

sa mundo ng pag-ibig di lahat sineswerte. akala ng iba sila na nga dahil matagal-tagal na rin ang pinagsamahan nila. tulad na lang nila Jolina at ang nobyo niyang abogado. walong taon din silang nagsama. pero hindi parin batayan ang taon kung kayo ba talaga ang magsasama pang habang buhay.

“hindi lahat ng gwapo may girlfriend, ang iba may boyfriend din!” isang text message na sikat na sikat ngayon. linyang ginagamit para sa mga taong kabilang sa TERD GENDER (3G). kahit nga sa tanging ina part two ginamit ito.

dumadami na talaga ngayon ang mga bisexual, bading, homo, at anik-anik pang kasarian.

tanggap ko naman sila, dahil sa barkada namin meron naman kaming kasamahan na ganyan. at minsan sila ang dahilan kung bakit masaya ang mga araw sa tuwing magkasama kaming lahat.

nagsimula ang lahat, nang isa sa mga barkada ko ay parte ng  3G at meron naman kaming barkada na medyo kyut, maitsura, may built ang katawan, green card holder at para sa barkada kung 3G sya ang ideal guy para sa kanya.1_298039964l

mahaba-haba na rin ang pinagsamanhan ng dalawa. minsan nga kung magkasama kaming lahat sila palagi ang magkatabi. kaya lagi silang na-iisue.

sa kabilang istorya. tung kyut kung barkada may nililigawang babae sa skul. at laging si  3G kong prend ang laging nakikinig sa lahat ng problema ni kyut wen it kams to dat gel. SO, kinig naman ang papel ni 3G kong pwend kahit masakit. highskul pa lang meron na umanong something si 3G kay kyut.

madaling nakakapag-NO si 3G kong pren sa amin, pero YES lahat kay kyut. ito namang si kyut, laging si 3g ang tinatawag kung may kailangan sya. so laging redi-on-da-go si 3g kapag si kyut na ang humiling.

alam ng barakada ang lahat tungkol sa kanila. tanggap ng barkada kung ano ang nararamdaman ni 3g kay kyut. pero hindi namin alam kung alam ni kyut kung ano ang nararamdaman ni 3g para sa kanya. ang masakit pa jan, habang tumatagal lalong nagkakaroon ng ilaw ang pangliligaw ni kyut sa gel, at dumidilim naman kay 3g ang lahat.

sweet kung tingnan ang dalawa sa tuwing magakasama sila. para talagang couple ang dating. pero ikanga ni 3g hanggang pagiging frend nalang siguro ang ma-ibibigay ni kyut sa kanya.

“dis guy is inlove with you pare” hahai.. oii PWEND eto nagawa ko na ang gusto mo. nailathala ko na ang buhay mo.  hehe!

good luck!

di nakakatulong ang MR.TORPE

kaklase ngden torpeng palaka naman oh!

naglalakad akong mag-isa sa gaisano  mall. PAGOD. BATONG-BATO.  WALANG KAUSAP.

minsan kasi umaandar ang pagiging loner ko. mas gugustuhin ko pa ang mag-isa kaysa may kasama. hindi ko rin alam kung bakit mas gusto ko minsan ang mapag-isa.

sa gitna ng aking pagiging beetir. nakita ko ang dating kung kaklase sa ADDU. chinita, puti, mahaba ang buhok at dating may bakal sa ipin. IDEAL girl ko talaga sya dati. lumipat rin kasi sya ng paaralan at nagshift na rin ng kurso. nasa iisang kolehiyo na kami.

tinanong ko sya kung sino kasama nya at saan sya pupunta. sabi nya wala raw sayng kasama at naghahanap lang daw sya ng masusuot sa WASH DAY. di komukupas maganda parin. hahai! kung ito naging gelpren ko. EWAN ko talaga. sinamahan ko sya at naglibot-libot kami sa mall.

USAP. LAKAD. TAWA. USAP. TINGIN.

ang dami ko pa namang kaklase na nasa mall din. ang iba napapatingin sabay tanong sa isip. GELPREN nya kayo yun. HAW-AY-WES!

iba ang pakiramdam ng may kasama kang magandang babae. at alam mong hindi sya sayo. hanggang pangarap nalang. gusto ko sanang hingi-in ang number nya, kabig ng dibdib tulak ng bibig. hindi ko masabi ang ANO NUMBER MO!? nauutal ako. nabubulol. nauubo.

alam kung may bukas pa at alam kong may panahon pa naman na magkikita kaming uli. pero kailangan ang tamang araw. kainis!! sinubukan ko, pero ayaw paring lumabas ng ANO ANG NUMBER MO!? hanggang sinabi nya “sige una na ako ha, nan dyan na kasi papa ko, sinusundo na ako”

tang-ina! nakawala! hahai, por sure! matatagalan bago ko makuha number nya. kaya ang masasabi ko.

walang nagagawa ang mga PARU-PARU sa dibdib. MR. TORPE — AKTIBAYTED!