2339591652_969b8502dc1anong saya nating lahat sa tuwing may nabibili tayong bago para sa sarili natin. bagong bag, damit, lapis, notebook, pambura, uniform at lalo na ang sapatos. sapatos na lahat ng mga bata ay pinapangarap sa tuwing sasapit ang pasukan, pasko, ot kaya’y kaarawan.

may sapatos na umilaw. na sa tuwing ilalakad mo ang nasabing sapatos umiilaw ang bandang ilalim na para bang nagsasabi na “O ANO MAY ILAW BA KAYO?”. may sapatos na napapabilis daw ang takbo mo sa tuwing suot mo ito. may sapatos ding parang aircon daw ang pakiramdam mo sa tuwing suot mo to, at marami pang gimik na bumabagay sa lahat ng klase ng tao.

unang araw ko sa kolehiyo kaya kailangan ko ng bagong gamit. bagong uniform, bag, notebook, lapis pero hindi ang sapatos. walang pera ang mayaman kung nanay kaya dinala nya lang ako sa isang UK shop (UKAY-UKAY). masakit man sa kaloob-looban ko pero wala akong magawa kesa wala akong sapatos  na susuotin.

itim, medyo may kalakihan, sexy figure, may hills at makintab kung may kiwi. yan ang mukha na karamay ko sa tuwing pumapasok ako sa skwela. ang sapatos kong “Black Shoes”. nung una’y hindi ko gusto ang sapatos na to. walang dating, walang buhay, walang art at wala lahat. pero lumipas ang mga araw, marami ang nakapuna sa sapatos ko —maganda daw? mamahalin daw? sukat na sukat sa akin? ayokong maniwala pero dumadami ang nagkakagusto sa sapatos ko at dahil dun  wala akong magawa kundi ang matutunan na mahalin na rin ang sapatos kong ito.

magtatatlong taon na ngayon na hindi pa rin napapalitan ang sapatos na to.  bumabagay sa pormal look, rugged-pormal look, wala- lang look, retro look, school-boy look at kahit anong look pwede. dahil kasabay ng natutunan ko sa pagmahal ko sa sapatos kong ito ay ang aral na hindi kailangan magkaterno, maganda, mamahalin at bago ang lahat ng bagay na isusuot mo para magmukha kang kaaya-aya. dahil tinuro na sapatos ko, ang aral ng “PAGDADALA” ng ano mang nasa sayo.

nasa pagdadala lang pala ang lahat. tinuro nya na hindi bago ang laging sagot sa mundo ng fashion. hindi magagara ang katuparan sa porma mong ala modelo, dahil tinuro nya ang sa akin ang pagmamahal sa bagay na kung anong meron ka — luma man o bago, hanggat sa alam mo kung pano dalhin ang SAPATOS mo at ano pa man at ang sarili mo. siguradong lilingon lahat ng sapatos ng mga tao sa yo.

salamat sapatos!

kaw mahal mo ba sapatos mo!?

Advertisements